5

223 16 8
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

A/N: another update. Pambawi lang :)

Nothing's change

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nothing's change

Mabilis lumipas ang mga araw at pasukan na ngayon. Maaga akong nagising at nag ayos. Masyado akong excited. Dahil kasama ko ang magpipinsan. Magpipinsan nga ba o si Kai mismo?

Sa mga magdaang araw ay mas napalapit ako lalo kay Kai at Yeonjun. Pero iba ang closeness namin ni Kai. Kilala na din siya nina lolo at lola dahil halos araw araw ay nasa bahay siya para daw samahan ako. Ang akala nga noong una nina lolo at lola ay manliligaw ko si Kai peeo nilinaw naman naming magkaibigan lang kami. Sa ngayon.

Umalis na ako ng bahay at saka dumaan sa bahay ng mga Villanueva. Ang gusto kasi nila ay kasabay ko sila. Sila daw ang bodyguard ko. Kaso wala nga lang sweldo.

"Magandang umaga." bati ko sakanila ng makita ko sila sa labas ng bahay nila. Naka uniform lang sila pero kaya nilang dalhin ito na para bang nasa isa silang fashion show.

"Good morning Steph." bati sakin pabalik ni Yeonjun. Sa kanilang lima si Kai at Yeonjun yung madalas kong nakakasama. Si Taehyun kasi minsan sobrang tahimik. Si Soobin naman bihira lang sumama sa dalawa. Ang sabi sakin ni Yeonjun ay namomoblema daw sa babae kaya ganun.

"Mas maganda ka sa umaga." namula ang pisngi ko sa sinabi ni Kai. Napuno ng kantyawan ang paglalakad namin papunta sa school. Nilalagyan kasi nila ng malisya ang mga bagay na sinasabi ni Kai sa akin.

Nakarating kami sa school at hinanap na namin ang classroom namin. Sabay sabay kaming nag enroll kaya hindi na kami nagtaka kung magkakasama kami sa isang room. Tinahak namin ang daan papunta doon at halos lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin sa amin. Sakanila. At saka nagbubulungan.

"Ang gwapo talaga nila."

"Sinabi mo pa. Nakakalaglag panga sila."

"Gaga baka panty mo ang nalaglag hindi yang panga mo."

"Pero bakit nila kasama si Stephanie?"

"Ang sabi ni Kaycee nilalandi niya daw yang mga yan para lang maka angat sa kahirapan."

"Inosente nga ang mukha, pero ang landi naman."

Napayuko na lang ako dahil sa mga narinig ko. Karamihan ay papuri para sa kanilang lima pero karamihan naman ay sinasabing malandi daw ako. Wala namang nagbago. Umpisa pa lang ng buhay high school ko ay yan na ang tingin nila sa akin.

Kinalabit ako ni Kai at saka ako nginitian ng matamis. Narinig siguro niya yung mga sinabi kanina. Ngumiti ako pabalik sakanya. Binalik ko ang tingin ko sa daan at saka muling hinanap ang classroom. Dumating kami doon at saka pumasok kami agad. Napatingin sila agad sa amin. Humahanga naman ang mata ng iba dahil sa lima na nasa likod ko. Pero may pares ng mata ang nagaalab na nakatingin sa akin. Si Kaycee.

Sa pinaka likod kami umupo. Sa tabi ako ng bintana at katabi ko naman si Kai. Bale anim kasi ang meron sa isang row. Lima naman ang kabila. Nag umpisa na naman ang mga bulong bulungan. At gaya kanina puro papuri sa lima at nagsasabing malandi ako ang naririnig ko. Natahimik lang naman sila nung dumating na ang adviser namin. 

"Villanueva's. Bakit dito kayo nag enroll? May private school naman na malapit dito." puno ng kuryosidad ang tono ng pananalita ni maam. Blangko ang ekspresyon ng lima. Ngayon ko lang nakitang ganyan ang mukha ni Yeonjun at Kai. Dahil palagi itong nakangiti kapag kami kami lang.

"Because our friend is here." kibit balikat  ni Taehyun sakanila. Napatingin sila sa akin kaya nabaling din ang atensyon ng lahat sa akin. Sa kanilang lima ang inaasahan kong sasagot ng ganyan ay si Kai o di kaya si Yeonjun dahil sila ang pinaka malapit sa akin.

Lunch time. Nasa canteen kami. Nakapila ako samantalang naka upo na yung lima sa mesa. Galing kasi ako sa cr kaya ako ang natagalan. Nang makuha ko na ang pagkain ko ay umalis na din ako sa pila kaso bigla akong nasagi. Natapon lahat ng pagkain ko sa sahig. Sayang.

"How stupid! Bakit ba di ka natingin sa dinadaanan mo? Malandi na nga tanga pa." napayuko ako lalo dahil sa sinabi ni Kaycee. Panigurado lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Ganito naman na talaga ang eksena namin mula pa noon.

"S-sorry." hindi ako makatingin sakanya. Dahil kapag sinalubong ko ang tingin ni Kaycee ay makikita ko ang apoy sa mata niya ngayon. 

"Nadumihan ang uniform ko. Sa tingin mo maalis ng sorry mo ang dumi sa uniform ko?" nanggagalaiti sa galit si Kaycee. Napaigik ako nang maramdaman kong may humila ng buhok ko. Napahawak ako sa kamay ni Kaycee para pigilan ko itong mas humigpit sa pagkakahawak niya. 

"Enough." isang malamig na boses ang nagpatigil sa amin. It's Beomgyu. Siya ang may pinaka malamig na boses sa kanilang lima.

Nang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Kaycee ay naramdaman kong mag nagtayo sa akin kaya nag angat ako ng tringin at nasalubong ko ang nagaalalang mukha ni Kai. Hawak niya ang magkabilang braso ko. Unti unting lumabo ang mata ko dahil sa luhang namumuo. Nang mapansin ito si Kai ay niyakap niya ako.

"Bakit mo yun ginawa sakanya?" tanong ni Kai na ramdam ang galit sa tono ng pananalita niya. Nakakatakot ito.

"Siya ang nauna. Binangga niya ako." umiiyak na sabi ni Kaycee. Natigilan ako at saka sumilip sa balikat ni Kai. Nakita ko si Kaycee nakatabon sa kanyang mga mukha ang kanyang mga palad habang humihikbi.

"Liar. Nakita kong ikaw mismo ang bumunggo sakanya. I saw everything miss." boses iyon ni Beomgyu. Sobrang lamig. Kakailanganin mo ng jacket para di tablan ng lamig. 

Bumakas ang gulat sa mukha ni Kaycee. Pinunasan niya ang luha sa mata niya saka tumakbo palabas ng cafeteria. Sumunod naman sakanya ang mga kaibigan niyang laging nakabuntot sakanya. Hinarap ako ng lima na may pag aalala ang mukha.

Umalis na kami doon sa Cafeteria at dahil may oras pa ay hinintay namin ay uniform na binili ng guard na inutusan nila. Nasa ilalim kami ng puno kung saan wala gaanong tao. Naiyak pa rin ako dahil halos mahiwalay ang buhok sa aking anit.

"May masakit ba sayo?" tanong sakin ni Kai. Umiling ako sakanya kaya naman medyo nakahinga siya ng maluwag.

"Nung wala pa kami dito. Ganyan na ba talaga siya sayo?" takhang tanong ni Beomgyu. Napaisip ako sandali dahil sa tanong niya at saka bumalik sa aking yung nangyari noong nagdaang taon.

"Magkaibigan kami noon ni Kaycee pero bigla siyang nagbago. Ang laki ng galit niya sa akin. Hanggang sa sinasaktan na niya ako. Hindi ko alam kung anong reason niya. But i guess, wala namang nagbago. Mas lumala nga lang."

Bumalik sakin yung alala na magkaibigan pa kami ni Kaycee. Lagi kaming nasa bahay nila para lang mag kwentuhan. Pero nawala din ang pagkakaibigan na meron kami nung manligaw sakin si Paulo. Sikat siya sa school na ito. Simula non, lagi nang galit sa akin si Kaycee. Binully niya ako. Siniraan sa mata ng ibang tao. Nothing has changed. Siya pa rin yung Kaycee na nakilala ko noong nagdaang taon. Yung Kaycee na handang gawin ang lahat makuha lang ang gusto.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon