14.

147 10 2
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

This chapter is dedicated to Andrea-1813 hi be. Iloveyouuuuuuu. Thank you sa suporta💕

 Thank you sa suporta💕

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang hakbang patungo

Lumipas ang ilang araw ay hindi tumigil sa panliligaw si Kai. At gaya ng aking nakasanayan hindi nawala ang mga bulong bulungan tungkol sa akin. 

Ang saya sa pakiramdam na hindi umalis si Kai sa tabi ko kahit anong mangyari. Araw araw nasa bahay siya pero kung hindi naman ako ang nasa kanila.

Ngayon, andito kami sa bahay ng Villanueva. Kasama ko pumunta dito si lola. Sa linggong nagdaan naging close sila ni Lola Feli. Di ko alam kung pano at bakit. Tapos ngayon halos hindi na sila mapaghiwalay.

"Im bored. Laro tayo." tumayo saglit si Beomgyu at bumalik na may dala dalang bote na walang laman. Truth or dare ang gusto niyang laro. Boring din kaya yun.

Nasa bandang kaliwa ko si Yeonjun at nasa kanan naman si Kai. Mas dikit nga lang sakin si Kai. 1 week na nakalipas mas naging close kami at mas nakilala namin ang isa't isa. And all I can say is. Mas lalo akong nahulog sakanya.

Nagumpisa ang laro at pina ikot na ni Beomgyu ang bote. Lahat kami ay binabantayan itong mabuti. Ayokong tumapat yun sakin. Hindi ko alam pero kinakabahan kasi ako. Siguro dahil nasa tabi ko lang si Kai. Unti unting bumagal ang bote kaya mas lalo kaming napatitig doon. Lumampas ito sa akin kaya naman ay nakahinga ako ng maluwag. Tumigil ito sa tapat ni Yeonjun.

"Dare." labas sa ilong na sabi niya. Kung hindi lang siguro seryoso ang mga mukha nila ay kanina pa ako tumawa. Kaso wag na.

Beomgyu dared him na maging mistulang gwardya namin sa school. Hindi naman yun ganon kahirap pero nagreklamo pa din si Yeonjun.

"Sa gwapo kong ito! Gagawin mo lang akong body guard nyo!?" napa tayo pa siya sa pagkaka upo niya. Pero bandang huli ay wala din siyang magawa at bumalik na lang sa pagkaka upo.

Pinaikot muli ang bote at gaya kanina. Bantay sarado yung bote na iyon sa mga mata ko. Ayaw kong tumapat iyon sa akin noh! Di ako sanay na naglalaro ng ganito. Humina ang ikot ng bote kaya napalunok na ako. Hala! Sana hindi sakin tumapat. Ipinikit ko ang mata ko at hinintay na banggitin nila ang pangalan ko. Pero minute after wala, kaya naman ay dinilat ko na ang mata ko at nakita ko ang bote na nakatapat kay Kai.

"Truth or Dare?" sa pagkakataong ito si Yeonjun naman ang nagtanong kay Kai. Ibinaling ko ang tingin ko kay Kai na seryoso ang mukha. Laro lang naman ito pero sineseryoso niya.

"Truth." napa palakpak ang mga pinsan niya dahil sa sagot niya. Tila ba proud silang pinsan at may papahid pahid pa sila ng luha kahit wala naman talaga.

"Gaano mo kamahal si Stephanie?" shookt! Bakit ganun ang tanong ni Yeonjun kay Kai? Bakit kinakabahan ako sa sagot ni Kai?  Paano kung hindi naman iyon ganun kalalim? Paano kung mamabaw lang iyon tapos bigla siyang nagising na hindi niya talaga ako mahal? Natigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng marinig ko ang sagot ni Kai.

"Mahal ko siya higit pa sa sarili ko." may iba pang sinabi si Kai pedo hindi ko na ito gaanong marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Mahal niya ako higit sa sarili niya? Ganito pala kasarap sa pakiramdam yung salitang kilig? 

Bumalik ako sa reyalidad nung tumayo bigla si Taehyun dahil nabobored daw siya lalo, ayaw daw kasi sakanya ng bote. Kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Nakita namin sina Lola at Lola Feli sa may sala na masayang magkausap.

"Mga apo. May brownies dyan sa kusina kuha na lang kayo." muli kaming tumalikod sakanila at sabay sabay na nagtungo sa kusina para kumain nung brownies.

Gaya ng nakasanayan masayang kumain ang magpipinsan habang pinapanood ko lang sila. Then a lot of what if's ang pumasok sa isip ko. What if hindi ko sila nakilala? Magiging ganto kaya ako kasaya? What if hindi ko nakilala si Kai? What if dun sila sa Maynila nag aral?

Sa dami ng tanong sa isip ko hindi ko namalayang nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nagtataka at nag aalala ang nakikita kong emosyon sa mukha nila. But they didn't bother to ask.

Ang swerte ko talaga dahil nakilala ko sila. Sila yung taong handa kang ipaglaban kapag kailangan. Sana hindi ito matapos.

Napatigil kaming lahat nung biglang kaming nakarinig ng isang ingay. Parang putok ng baril. Nanigas ako sa kina uupuan ko at hindi makagalaw. Kinutuban ako ng masama pero pinilit ko namang mawala din iyon. 

"Stephanieeeee! Ang lolo mo!"

Kaba ang una kong naramdaman dahil sa sigaw ni lola. Hindi. Hindi pwede ang nasa isip ko.

Tumakbo at at hibdi na inisip kung ano ang makakabangga ko basta ang mahalaga makita ko ang lolo ko. Hinabol ako ng magpipinsan pero hindi ako lumingon sakanila.

Tumakbo ako hanggang sa maka labas ng bahay. Doon ko nakita ang lola ko. Naiyak habang naka upo sa tabi ni lolo na duguan at tila wala nang buhay.

Nang hina bigla ang tuhod ko. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. P-paano? B-bakit ang lolo ko pa? Sa pagkakatanda ko walang kaaway si lolo.

Tila nagpapaligsahan ang mga luha kong bumaba mula sa aking mata. Natatakot akong lumapit sa kinaroroonan nila. Natatakot akong humakbang papalapit dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

Unti unti akong napaupo at sakan umiyak ng tahimik. Di ako pwede maging mahina ngayon. Masakit makitang duguan at wala nang buhay si lolo pero kailangan din ako ni lola.

Masakit tanggapin yung katotohanan na wala na yung tumayong tatay ko. Sobrang sakit.

Nang mahimasmasan ay tumayo ako at saka humakbang papalapit kay lola. Isang hakbang patungo sa taong minahal ko. Isang hakbang patungo sa taong iniingatan ko. Sa tao na laman ng pangarap ko.  Isang hakbang patungo sa pangyayaring sumasakal sa puso ko. At sa katotohanang wala na ang lolo ko.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon