Chapter 7
-
"Bakla, di ba debut mo na next week?" biglang tanong ni Tiffany habang nasa garden kami ng school.
"Oo."
"Hala! Oo nga no? Sino magiging escort mo?" tanong ni Angelie pero nagkibit-balikat lang ako.
"Wala ka pang inaaya?" tumango ako. "Si David nalang!" pagsusuhestiyon ni Tiffany.
"Gusto ko sana si Justin. Yun na talaga nasa isip ko, noon palang." napairap naman si Tiffany.
"Yuck! Yung playboy na yun na papalit-palit ng girlfriend?! Huwag siya, my god Carla! Can't you see it? Playboy siya! Playboy!" pinagdiinan pa niya talaga ang word na playboy.
"Oo nga pero di naman maaalis na gusto ko siya." ngumiti ako at umirap siya.
"Basta! Para sa akin, si David dapat escort at last dance mo!" napailing-iling naman ako.
Parehas lang yun.
Hindi naman masyadong bongga yung debut ko. Family and friends ko lang naman ang iimbitahan ko.
"Samahan niyo naman ako." i said pero umirap lang si Tiffany.
"Saan naman?" tanong ni Angelie.
"Kay Justin, aayain ko sana siya."
"Sige tara." tumayo siya mula sa pagkakaupo sa damuhan pero si Tiffany ay parang wala atang planong sumama.
"Tiff, tara na." napilitan na lang si Tiffany at tumayo.
Kapag si Angelie talaga, napapasunod siya.
Hinanap namin si Justin dahil wala naman kaming number sa kanya para tawagan nalang.
"Oh! Ayun yung playboy oh!" pagturo ni Tiffany.
Nakita namin si Justin na nasa ilalim na naman ng punongkahoy ng Narra kasama yung girlfriend niya na si Shane.
Naghahalikan. Buti naman at di sila nahuhuli ng mga instructors.
"Justiiiiiiiiiiiiiiin!" tawag ko sa kanya at napatigil naman siya sa paghahalik.
Lumapit kaming tatlo at napansin kong dinilaan pa niya ang ibabang labi niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Oh yeah, sure." ngumiti siya.
"Yung tayong dalawa lang." tumingin ako kay Shane at naintindihan niya naman.
Ito ang gusto ko kay Shane, hindi siya tulad ni Alyssa na may pagka-b1tch. Umalis rin si Tiffany at Angelie.
"Yes? Anong sasabihin mo." he said at napansin kong straight na siya kung magtagalog.
"Pwede bang ikaw ang maging escort ko sa nararating na debut ko."
"Escort? Uhm, let me think about it."
"O-okay, i'll give you some time."
"Kailan ba yung debut mo?" he asked.
"Next week."
"Next week? Oh i'm sorry Carla, may date kami ni Lauren." nalito naman ako.
"Lauren? Di ba girlfriend mo si Shane?" i asked.
"Girlfriend? No, she's just a friend." napanganga naman ako.
"O-okay, i understand." sabi ko at tumalikod.
A friend?! Friend? May friend bang naghahalikan?! Bwesit! Playboy nga!
Hindi na ako aasa na tutuparin niya ang pangako niya sa akin!
YOU ARE READING
Miss Stupid (Childhood Series #1)
General FictionSabi mo, gusto mo ako, Kaya pumayag akong ligawan mo, Sabi mo, mahal mo ako, Kaya pumayag akong maging girlfriend mo, Sabi mo, papakasalan mo ako, Kaya hinintay kita, Pero ngayon, sabihin mo, Lahat ba ng sinabi mo ay mga kasinungalingan lamang?