Chapter 2
-
Vacant time namin ngayon kaya kaming tatlo, si Angelie, Tiffany at ako ay nandito sa garden. Mas gusto namin dito kasi wala namang masyadong tao.
"Mga baklaaaaaa!" tumitiling sabi ni Tiffany. Napalingon naman kaming dalawa ni Angelie.
She was busy playing a game in her phone while I am reading my favorite book.
"Oh?" tanong naman ni Angelie.
"Uuwi na next month si Papa Justin!" tumitiling sabi na naman ni Tiffany.
Really?!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa wakas, darating narin siya.
"Pano mo naman nasabi? Magkapit-bahay kayo?" tanong ni Angelie.
"Hindi! Look oh! Nagpost siya sa IG niya! Uuwi na daw siya with his yummy pic! Oh my god!" at nagtitili na siya.
"Talaga? Yehey! Malapit na tayong makompleto!" nagtatalon-talon na sabi ni Angelie.
Napangiti naman ako, he'll comeback.
"Ang tahimik mo naman Carla! Excited ka nang umuwi ang fiancee mo?" pang-aasar sa akin ni Tiffany.
Uminit naman ang pisngi ko habang si Angelie naman ay napatigil at napatingin sa akin.
"Huh? Fiancee?" tanong naman ni Angelie.
"You don't remember? Duh! Nong mga bata pa kaya tayo, naglalaro kaya tayo ng kasal-kasalan! Di'ba?" pagreremind ni Tiffany.
"Huh? Di ko maalala." nalilitong sabi ni Angelie.
"Like what?! Ikaw kaya yung bride's maid don! Tapos ako yung bestman!" ngumiwi naman si Tiffany sa part na bestman. "Tapos si David yung pari!" pagpapatuloy niya.
"Ay oo! Naalala ko!" sabi niya.
"Halaaaaaaa! Kailan kasal niyo?" tanong niya pa.
"Mga sira! Bata pa ako no! I'm just 17!" namumula kong sabi.
"Aysus! Okay lang yun! Birthday mo naman next 2 months di ba? Eh di pwede na kayong makasal! As far as i remember, mas matanda si Justin sayo ng 1 year!"
"Laro-laro lang naman yung kasal di ba? Mga bata pa tayo nun." i said pero deep inside, gusto ko ngang mangyari.
Ang landi mo Carlaaaaa!
"Anong laro! Hoy! Nangako pa nga siya sayo na papakasalan ka daw niya! Batukan kita dyan eh!" sabi niya habang nakapamaywang.
Tumahimik nalang ako at di siya pinansin.
"Pero seryoso, makokompleto na tayo!" natutuwa niyang sabi, natuwa rin si Angelie.
They are very excited pero di lang sila yung excited, ako rin.
Maybe this is crazy pero yeah. May gusto ako kay Justin kahit na 5 years old pa lang ako non.
"Daaaaaavid! Dumating ka na pala!" natutuwang sabi ni Angelie.
Napalingon kaming dalawa ni Tiffany, may dala-dala siyang supot.
"Here, sa susunod, wag niyo na akong utusan bumili. Ang init sa labas." reklamo niya habang pinagpapawisan siya.
"Hala! Nakapagtagalog ka, straight!" natutuwang sabi ni Angelie.
"Uhmm, Papa David. Gusto mo punasan ko yang pawis mo?" malanding tanong ni Tiffany habang nakakagat-labi. Ang bastos talaga ng baklang to.
YOU ARE READING
Miss Stupid (Childhood Series #1)
Fiksi UmumSabi mo, gusto mo ako, Kaya pumayag akong ligawan mo, Sabi mo, mahal mo ako, Kaya pumayag akong maging girlfriend mo, Sabi mo, papakasalan mo ako, Kaya hinintay kita, Pero ngayon, sabihin mo, Lahat ba ng sinabi mo ay mga kasinungalingan lamang?