Chapter 9

20 1 0
                                    

Chapter 9

-

"And our debutant is here! Let's welcome her, Ms. Carla Samantha Ocampo!" narinig kong sabi ni emcee.

Hinay-hinay akong bumaba sa hagdan habang sa dulo naman ay nandon si David, nakahintay sa akin.

He was smiling widely at sa akin lang siya naka-focus. Napapasunod tuloy ako ng kanyang mga tingin. Gusto kong sa mga tao ako titingin but his stares are hypnotizing me.

Malapit na ako sa kanya ng bigla akong natapilok.

"Sweetheart!"

"Oh dear!" narinig ko pang mga komento nina Mom pero agad akong nasalo ni David sa mga malalakas niyang braso.

"Careful, Carla. Be careful." bulong niya sa akin kaya mas kinabahan tuloy ako.

"A-ah thank you." sabi ko at tumayo ng tuwid.

Uminit ang mukha ko ng hawakan ni David ang bewang ko.

Nagsimula kaming maglakad ni David at pinuntahan ang mga audience.

They greeted me happy birthday and I replied thank you.

Umupo ako sa isang upuan na nakareserba sa akin, nakatingin sa stage kung saan nagkukwento si Mom tungkol sa akin.

"Well, kung meron man siyang manliligaw, payag ako. Why not? Nasa legal age na siya. She is the most precious jewel that I've had in my life kaya ibibigay ko lahat ng bagay na makakapagsaya sa kanya." Napangiti ako sa sinabi ni Mom.

Nakita ko pang may tumulong luha sa kanyang mata kaya agad niya itong pinunasan.

Ng mapatingin siya sa gawi ko, I smiled at her and I mouthed thank you. Napangiti rin siya.

Sunod na sumalang sa stage ay si Dad na mukhang kinakabahan pa.

"I can't believe this, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, buhat-buhat ko siya sa aking mga braso." Sabi ni Dad.

Bakit ang dadrama nila ngayon?

"Ang tanging mahihiling ko lang ay sana makakita ka nang taong masasandalan mo hanggang sa tumanda ka. You know, hindi kami laging nandito sa mundo. Lahat ay may katapusan."

Oh? Ang seryoso naman ni Dad.

Napanganga ako ng makitang si Tiffany at Angelie ang sunod na pumunta sa stage.

Ang gwapo ni Tiffany!

Sa suot niyang black suit at nakaayos ang kanyang buhok, hindi mo na talaga mahahalatang bakla siya. Except lang sa nakapamaywang siya habang hawak yung microphone.

"Bakla, nakakainggit ka! Bakit ang ganda mo ngayon! Samantalang ako, pinagtripan ako nong stylist ni Angelie!" Nagrereklamo niyang sabi habang nakaturo kay Angelie.

Ang kapal talaga ng mukha ng isang to, di manlang nahiya sa harap ng mga bisita. Pero kahit na ganyan siya, mahal na mahal ko yang baklang yan.

"Uhm, sorry po sa pagiging maingay ni Tiff." sabi ni Angelie nang maagaw niya kay Tiffany ang mike saka niya ito binatukan.

"Bakla, ang gusto ko lang naman sabihin ay palitan mo na si Papa Justin, okay? Turn to the right, turn to the left baka sakaling may makita kang Papa." at tumawa na parang baliw si Tiffany.

"Well yeah, tama si Tiff, Car. I wish na sana makita mo na ang tunay mong knight in shining armor." sabi ni Angelie.

Bakit ba lagi nalang yung lovelife ko yung pinagdidiskitahan nila?

Sunod naman sumalang sa stage ay ang mga pinsan kong lalaki, father side.

Sina Kuya Ace, Kuya Krypton, Kuya Xenon, also known as X, Kuya Radon at Kuya Eric.

Miss Stupid (Childhood Series #1)Where stories live. Discover now