Prologue
-
"Nasaan na ba si Deb?" Tanong ng isang batang babae na mahaba at tuwid ang buhok, ang pangalan niya ay si Carla.
"Ewan ko nga ba don sa englisherong yun! Ang tagal-tagal!" Reklamo ng batang lalaki saka napakamot ulo, ang pangalan niya ay si Stephano.
Napapout nalang si Carla dahil ang tagal dumating ni David, ang tinatawag niyang Deb.
Nasa may taas ng burol silang apat, na katabi lang ng puno ng mangga. Maglalaro sila ngayon ng larong kasal-kasalan at si David ang magiging pari dahil siya ang bride habang si Justin naman, isa pa niyang kaibigan, ang magiging groom. Samantala, si Stephano ang bestman at si Angelie, isa rin niyang kaibigan ang magiging bridesmaid.
Malapit nang magsunset pero wala pa rin yung lalaking hinahanap nila.
"B-baka hindi na ito matuloy." Nagsisimula nang tumulo ang luha ni Carla kaya agad siyang dinaluhan ni Justin.
"Hey, don't cry." Pag-aalo ni Justin sa kanya habang si Angelie naman ay hinahanap na si David.
"Nandito na siya!" Pag-anunsiyo ni Angelie kaya napatigil na sa siya sa pag-iyak.
"You made her cry." Seryosong sabi ni Justin, napadapo naman ang tingin ni David kay Carla.
"Oh, I'm sorry even though I dont know what's the reason. Let's just start the wedding then?" Tumango-tango naman si Angelie.
Pumunta na sa may unahan si David tapos pumunta na rin sa kanya-kanya silang pwesto.
Nagsimula nang maglakad si Carla habang kay Justin lang siya nakatingin. Bata pa lang sila pero may itinatago nang nararamdaman si Carla kay Justin at pakiramdam ni Carla ay may pagtingin rin sa kanya si Justin.
"Wear this ring as a sign of my love.." Napangiti si Carla ng isuot ni Justin ang isang singsing na gawa sa dahon sa kanyang kamay.
Nakasimangot na nagpo-pronounce si David ng 'you may now kiss the bride.'
Masayang-masaya silang lahat ng halikan ni Justin ang noo ni Carla. Ang pag-iibigan nila'y tila ba parang isang babasaging salamin. Iniingat-ingatan nila iyun.
Pero lahat ng may bagay ay may hangganan, kahit na gaano ka pa kaingat, mababasag pa rin iyon. At yung na nga ang nangyari.
Anna's Note:
Pagpasensiyahan niyo na po yung mga wrong grammars at wrong spellings. 😭 First time ko rin po kasing magpublish ng story rito sa Wattpad kaya sana suportahan niyo! ♥Pero I'll try my very very best para pagandahin ang takbo ng story na ito. Matagal na rin kasi itong tumatakbo sa isipan ko kaya kating-kati na akong isulat ito. Lovelots! 💙
YOU ARE READING
Miss Stupid (Childhood Series #1)
قصص عامةSabi mo, gusto mo ako, Kaya pumayag akong ligawan mo, Sabi mo, mahal mo ako, Kaya pumayag akong maging girlfriend mo, Sabi mo, papakasalan mo ako, Kaya hinintay kita, Pero ngayon, sabihin mo, Lahat ba ng sinabi mo ay mga kasinungalingan lamang?