Chapter 4
-
"Anong oras na Carla?" tanong sa akin ni Angelie.
"8:26 na." sagot ko.
"Hala, antagal naman ni Ma'am. Lunes na lunes." reklamo niya.
Nasa classroom kami ngayon at hinihintay na dumating yung adviser namin na kanina pa late. Gustong-gusto na naming lumabas pero natatakot kami dahil strikta pa naman yun.
Bumukas yung pinto sa unahan at iniluwa non si Ma'am na kanina pa namin hinihintay.
"Good morning class." natahimik ang buong classroom sa pagbati ni Ma'am sa amin.
"Good morning Ms. Evangelista." sagot namin.
"I'm sorry, I'm late. I'm just a little bit busy. But I have an announcement to tell." sabi niya na siyang dahilan kaya umingay ulit ang klase.
"Silence please." seryoso niyang sabi at natahimik naman kaming lahat.
"We have a new student here in campus at magiging classmate niyo siya." nagkatinginan kaming apat ni Angelie, Tiffany at David.
Habang yung ibang mga kaklase ko ay nag-ingay.
"Mr. Castillano, come here inside." sabi ni Ma'am.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Castillano...
Pumasok ang isang napakapamilyar na lalaki, bigla akong kinabahan.
"Hala ang gwapo!"
"Mukhang galing ibang bansa!"
"Beeees! Ang gwapo!"
"Oh my! Yummy!"
"Hi guys! I'm Justin Castillano!" kahit na kunti lang ang sinabi niya ay tumili ang lahat ng babae dito maliban sa aming dalawa ni Angelie.
Nagkatinginan kaming apat ulit.
"Akala ko ba next week pa siya uuwi?" bulong ko kay Tiffany.
"I don't know." sabi niya at nagkibit-balikat.
Itinuon nalang niya ang kanyang tingin sa harapan.
"Any question?" tanong ni Ma'am.
Agad namang nagtaas-kamay ang apat na babae.
"Single?"
"Yeah." at tumili na ang mga babae.
"Ilang taon ka na?"
"18."
"Ohhhhhhh"
"Where are you from?"
"Canada."
"Oh diba, tama ako, taga ibang bansa."
"Kaya pala ang puti!"
Kinilabutan ako sa accent niya.
Nagtagpo ang tingin namin at biglang tumibok nang mabilis ang aking puso.
Ngingiti na sana ako sa kanya ng bigla siyang nag-iwas ng tingin.
What was that?
Di maalis sa aking isipan ang pag-iwas niya ng tingin. What if hindi niya ako maalala?
Pinanood ko siyang umupo sa isa sa mga upuan sa may bandang gitna. Kinilig pa yung nasa may likod niya habang napansin kong ngumiti ng matagumpay si Alyssa, na siyang katabi niya.
LUNCH break na at hinahanap namin si Justin sa buong cafeteria.
"Nakita niyo ba?" tanong ko.
"Hindi eh."
YOU ARE READING
Miss Stupid (Childhood Series #1)
Ficção GeralSabi mo, gusto mo ako, Kaya pumayag akong ligawan mo, Sabi mo, mahal mo ako, Kaya pumayag akong maging girlfriend mo, Sabi mo, papakasalan mo ako, Kaya hinintay kita, Pero ngayon, sabihin mo, Lahat ba ng sinabi mo ay mga kasinungalingan lamang?