part 7

20 3 0
                                    

Dahan-dahang pinihit ni Jaya ang doorknob sa takot na baka marinig nito iyon at balikan sya. Sumilip sya sa labas at ng makitang wala na nga ito doon dahan-dahan syang lumabas at maingat na muling sinarado ang pinto. Maingat din syang humakbang pero di pa sya nakakadalawang hakbang nang may biglang tumikhim sa likuran nya.

"What are you doing?" Ani nito.

"A-ah. .eh sir i-i will just get my bag." Sagot nya na hindi humaharap dito.

"Let's eat first. You can do it later. And LIGAYA ?" Diniinan nito ang pagbigkas sa pangalan nya.

Di nya alam pero parang iba ang dating sa kanya ng pagtawag nito sa kanya. Para sya naging tuod sa kinanatayuan.

"LIGAYA?"

Napikit sya ng ulitin nito ang 0agtawag sa kanya. "A-ah. Y-yes sir?"

"Face here!"

Napaigtad sya dahil sa lakas ng boses nito. Nakayukong humarap sya. Kaya pala hindi nya ito nakita ay dahil nadon pala ito sa gilid ng pinto at preteng nakasandal doon na parang alam na talaga nito na lalabas sya.

"LIGAYA. . Did you see it?" Halos pabulong na tanong nito. Parang nag aalangan pang magtanong.

"A-ah me? See? See what?" Natatarantang tanong nya. Sino ba ang hindi matataranta kung ganong ang linaw pa sa isip nya ng nakita nya.

"I don't know! That's why I'm asking you." napabuntong hininga ito. "Ok fine! Forget it. But next time don't enter my room again if didn't tell you to and also don't touch my personal things without my permission. Is it clear?" Matalim ang matang tiningnan pa sya nito mula ulo hanggang paa.

"O-okay sir."

"Okay let's eat." Wika nito at tumalikod na.

"Ah sir mamaya na po ako mauna na po kayo. Tatawagan ko pa kasi ang kapatid ko" tuloy-tuloy na litanya nya.

"What?"

Oo nga pala koreano pala ito. Nakalimutan nya tuloy dahil sa sekretong nakita nya. Naipilig nya ulit ang ulo dahil sa naisip.
"Ah i mean------"

"Ok. Do what you want." Putol nito sa sasabihin nya at tuluy-tuloy na pumasok sa dinning room.

Nakakunot ang noong sinundan nya ito ng tingin. "Naintindihan nya ba ako? Tagalog yun ah. Dibale na nga." Nakahinga sya ng maluwag ng tuluyan na itong makapasok sa dinning room. Para syang hinahapo sa subrang kaba na baka magalit ito ng subra. Pero bakit naman ito magagalit eh nakita lang naman nya di naman nya kinuha o hinawakan.
Hinawakan? At talagang naisip nya pa yun. Napapailing nalang na  naglakad sya papuntang living room.

----------------------------------------
----------------------------------------

Napapailing nalang si Keane habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi man aminin ng babae alam nyang nakita talaga nito ang hindi dapat nito makita. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan nyang may kasama na pala sya sa bahay.

Sa tingin nya ay hiyang-hiya ito. Kahit hindi naman ito ang nakitaan kung meron mang dapat mahiya dapat sya yun. Pero sa nakita nya kanina ay parang harass na harass ito. Halos hindi ito makatingin sa kanya at nagbalak pang magkulong sa kwarto.

Napangiti sya ng muli nyang maalala ang reaction nito kanina. Gulat na gulat ito at Lumaki ang mata nito namumula ang mukha at nakanganga pero di naman inalis ang tingin sa kanya.
Tuminag lang ito ng balakin nyang tanggalin ulit ang towel na itinakip nya.

"It's her first time." Nangingiting kinuha nya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table para tawagan si Jun Woo.

"Hyung? Did the Three k knew that i already here?" Ang tinutukoy nyang three k ang tatlo nyang kabanda na sila keith, kacen and keefer.

"YOU MAID ME" [THE FOUR K | SERIES 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon