Nakaramdam ng ginhawa ang dalaga ng matapos nyang ilabas ang lahat na yata ng tubig na ininom nya.
"Salamat naman. Muntik na akong majihi sa panty ah." Sambit nya habang naghuhugas na kamay. Nilibot nya ang tingin sa loob ng banyo.
"Grabe naman to. CR lang parang mas magara pa sa kwarto ko at mas malaki pa huh? Ang yaman naman ng may ari nito. Nagsasayang lang sila ng pera. Dyi- jingle-an lang naman ito at dyedyebs lang naman ang papasok dito ganito pa kagara. Tsk!" Palatak nya habang isa-isang tinitingnan bawat sulok ng banyo.Nang matapos syang maghugas at tuyuin ang kamay sa naroong dryer ay naisipan nya ng lumabas baka hinahanap na sya ni JunWoo at pati na rin ng boss nya. Oo nga pala. Nasaan na ang boss nya.
"Nasaan na nga ba ang isang yun. Bakit di ko naman sya nakita dito." Bulong nya habang naglalakad pabalik sa pinagiwanan nya kay JunWoo.
Pero natigil sya sa paglalakad ng bumulaga sa kanya ang apat na lalake kabilang na ang isa na kanina nya pa hinahanap. Titig na titig ang mga ito sa kanya. Gulat na pinaglipat-lipat nya ang tingin sa mga ito.
Ang gagwapo ng mga ito. Walang itulak-kabigin sa apat. Nakikita nyang nag uusap ang mga ito habang titig na titig sa kanya base na rin sa pag kibot ng mga labi ng mga ito. Parang slow motion sa kanya ang bawat galaw ng mga lalake. Ultimo pagkurap ng mga mata ng mga ito ay tila isang slow motion sa paningin nya.
Napanganga sya ng biglang ngumiti at kumaway sa kanya ang isa mga ito na katabi ng boss nya. " Hi! Ligaya?."
Napalunok sya ng banggitin nito ang pangalan nya. Naipakilala na pala sya ng boss nya. At siguradong sinabi na rin nito na maid sya nito. Nakaramdam tuloy sya ng hiya. Tumingin sya sa boss nya nakatingin din sa kanya. Suminyas ito na lumapit sya. Napilitan syang humakbang palapit sa mga ito.
"She's Ligaya and since she's my maid you can order anything to her." Sabi nito na matamang nakatingin sa kanya.
"Don't be too harsh on her JK." Sabad naman ng lalakeng kumaway sa kanya. Ngumiti ito at inakbayan ang binata pagkatapos ay bumaling sa kanya. " Annyeong Ligaya. You're so cute. How old are you?"
"Keith! Stop flirting her. She's my MAID." Tiningnan nito ng masama ang lalake na tinawag nitong keith.
" So what? She's your maid but she's not your's. Diba ligaya?" Baling nito sa kanya. Gulat na napatingin sya sa mukha nito. Tama ba ang narinig nya. Nagtatagalog ito o baka naman namali lang sya ng dinig. " Ligaya? Okay ka lang. Diba hindi ka naman nya pag aari? Hindi ka nya girlfriend diba?" Tanong ulit nito.
Napanganga sya. Sa wakas may makakaintindi na rin sa kanya. Drain na drain na talaga kasi ang utak nya kaka English. "Hey ligaya?" Kinaway nito ang palad sa tapat ng mukha nya.
"H-huh? O-oo naman. Okay lang ako." Nakangiti nang sagot nya.
"So hindi ka nya girlfriend?" Ulit nito.
Sunod-sunod na umiling sya. " Hindi no." Saad nya at sinulyapan ang amo. Tiningnan lang sya nito ng "what" look. Umismid sya at nakangiting bumaling ulit kay keith. "Marunong ka palang magtagalog? Salamat naman kung ganon sa wakas may makakausap na akong matino. Pagod na ako kaka-english eh. Nakaka-drain ng utak. Alam mo ba? " tuloy-tuloy na wika nya.
Para namang naguluhan ito sa sinabi nya. Maya-maya ay bigla nalang itong ngumiti at makahulugang tumingin sa boss nya na masama naman ang tingin dito.
"Bakit ka ba kasi English ng English? Eh marunong naman magtagalog itong si JK and also hyung JunWoo, they can understand you So you don't have to speak in english." Sabat naman ng isa na hindi pa nya alam ang pangalan.
Napatingin sya sa Boss nya. Agad namang umiwas ito ng tingin. Napaisip sya. Ibig sabihin sinadya nitong pahirapan sya. Kaya pala nasasagot agad sya nito kahit nagtatagalog sya dahil talagang marunong pala itong magtagalog. Maging si JunWoo? Kaya pala kanina ng tanungin nya ito kung saan ang CR ay nakasagot agad ito hindi dahil sa nabanggit nya ang salitang CR kung hindi dahil sa nakakaintindi talaga ito.
Tiningnan nya ng masama ang kanyang boss na masamang nakatingin sa nagsalita. Di naman ito pinansin ng lalake.
"Anyway, I'm kacen" anang lalake na kacen pala ang pangalan. " and this pretty boy beside me is keefer." Tukoy nito sa katabi nito na tuwid at hanggang balikat ang buhok. Bahagya itong ngumiti at kumaway."And I'm Keith. Nice to meet you ligaya. And welcome to our team!" Nakangiting sabi keith.
"What? Team!" Gulat na bulalas ng boss nya.
"Yeah. She's your maid so she will be-----"
"No! Maid ko sya. At hindi ko sya dinala dito para isali sa grupo natin."
"Hey! Wala akong sinabing sa banda natin sya sasali . . Unless marunong syang kumanta or tumogtog diba?" Sabi ni keith.
"Of course not. At kahit pa marunong sya hindi sya sasali." Sagot nito.
"Guys get ready! Magsisimula na ang photoshoot. Pinapatawag na kayo sa studio." Sigaw ni JunWoo. Nasa pinto ito at halatang kakarating lang. Tiningnan nya ito ng masama. Talagang nakakapagsalita ng tagalog ang mokong.
"Ne! Gaja!" Sabi ni kacen sabay akbay kay keefer at keith.
"Stay here. Just wait here. Okay?" Bilin sa kanya ni Keane.
"See you ligaya." Paalam ni Keith.
"Huh? Dito lang ako? Di ba ako pweding sumama?" Tanong nya.
"Oo nga naman" Singit ni keith. Kumawala ito sa pagkakaakbay ni kacen at lumapit sa kanya.
Bigla sya nitong inakbayan. "Gaja Ligaya?" Sabi pa nito. Nagulat sya at napatingin kay keane na nakita nyang nagulat din sa ginawa ni keith maging ang dalawa ay gulat ding nakatingin sa kanila."H-huh? Teka lang baka----"
"It's okay. Wag mo nang pansinin yang boss mo. Ganyan talaga yan. Wala kasi yang love life." Nakangising sabi nito at sumulyap kay Keane. "Gaja? Nasa kabilang pinto lang naman ang studio."
Nakita nyang pinandilatan sya ni keane. Parang sinasabi nito na wag syang sumunod. Nandon na naman ang nakakatakot nitong tingin.
"T-teka. ." Pigil nya sa akmang paghila sa kanya ni Keith. Pasimple nyang tinanggal ang kamay nito mula sa pagkakaakbay sa kanya. Napansin nya kasing masama ang tingin doon ni Keane. "Kung nasa kabila lang naman pala ang studio okay na ako dito. Hihintayin ko nalang . . . Si sir Keane."
"Sir Keane? Ligaya------"
"Stop it Keith! Let's go. Naghihintay na sila satin." Putol ni Keefer sa sasabihin nito.
"No. You will go with us ligaya." Bumaling ito kay Keane. " JK it's her first day. You should tour her kaya isasama natin sya at para na rin makita nya yung studio." Bumaling ito ulit sa kanya. " Maraming celebrities dun ligaya. Let's go." Hinawakan nito ang kamay nya at wala na syang nagawa ng hilahin sya nito palabas.
BINABASA MO ANG
"YOU MAID ME" [THE FOUR K | SERIES 1]
RomansNagulat si Ligaya aka Jaya nang ipatawag sya ng kanyang boss at sabihing kailangan nyang pumunta ng ibang bansa upang maging tagasilbi ng isa sa mga may ari ng mismong tinatrabahuan nya. At wala syang ibang choice kundi ang sumunod. Ngunit nalaman n...