part 3

16 3 0
                                    

Nagising sya kinaumagahan na masakit ang kanyang mga mata.

" Ah napano ba to?" Tanong nya sa sarili sabay tayo sa kama para tingnan ang mukha sa salamin. Napasigaw sya ng makitang namamaga ang mga ito. Inis na bumalik sya sa kama at nagapapapadyak.
"Naku ang pangit ko!"

"Ate?"

Napaigtad sya ng marinig ang pagtawag ni Anne Drew.
"Bakit nandito pa ang mokong na to?" Sinulyapan nya ang alarm clock na side table nya." Alas nuebe na ah. Bakit kaya di pa sya umaalis."

"Ate? Okay ka lang ba?"

"Huh? Oo naman!" Pasigaw na sagot nya.

"Labas na! Kakaen na tayo!"

"Hmm? Kakaen? Nagluto ang kapatid ko? Himala!" Bulong nya at tumayo na para pumunta ng kusina.

Naabutan nya itong kumukuha na plato. Nakahaen na din ang pagkaen sa lamesa. Naniningkit ang matang pinaglipat-lipat nya ang mata sa pagkaen at sa mukha ng kapatid.

"Bakit ate?" Nakangunot din ang noong tanong nito sabay upo sa tapat ng lamesa.

Di sya sumagot sa halip ay nilapitan nya ito at dinama ang noo pagkatapos ay ang liig naman nito.

Para namang nainis ito at tinapik ang kamay nya. "Ate naman! Napano kaba?"

"Bunso? Wala ka namang lagnat. Pero anong nangyari? Bakit bigla-bigla ata nagluto ka?"

"Ate naman! Ginawa ko lang to kasi aalis kana mamaya diba? So padispidida ko sayo! Oh diba! Pero maghilamos ka nga muna ate ang dami mong muta oh. Ew kadiri ka."

"Huh? Aalis? Ako? Saan?"

" Oo! aalis! Ikaw! Dito papuntang korea!" Panggagaya pa nito sa tono nya. "Ayan! Iinom-inom kasi kagabi nagkaamnesia ka tuloy! Hala sige Hilamos na dun para mahimasmasan ka."

"Teka! Hindi nga bunso?"

"Oo nga. Pinapapunta ka dun ng boss mo sabi mo kagabi diba? kaya nga di ako pumasok para naman maihatid kita sa airport mamayang hapon. Kaya maghilamos kana dun at mamaya lagyan mo ng icepack yang mata mo kasi ampangit mo. Nakakahiya pupunta ka ng korea na parang panda. " Tawang-tawa na tinulak pa sya nito patungong lababo.

Wala sa loob na naghilamos ang dalaga ng matapos ay saka lang rumihestro sa isip nya lahat ng napag usapan nila ni Mr. Cruz. At oo! ngayon nga pala yun!

"Bunso!"

"Ate bakit ka sumisigaw?"

"Aalis pala ako ngayon? Panu kana?" Malungkot na bumalik sya sa lamesa at naupo sa tabi ng kapatid.

"Ate nag usap na tayo kagabi diba. Tama ng drama. Di kapa ba nagsawa sa kakaiyak mo kagabi? Okay lang nga ako dito tsaka nadyan naman si tita sharon. Magiging okay ako Okay? Di na ako baby ate. Ako pa nga tong nag aalala sayo eh. Baka pabayaan mo yang sarili mo don at isa pa baka mawala ka don tanga kapa naman at tapos pa-----aray!"

Binatukan nya ito sabay pingot sa isa nito tainga. "Sinong tanga?"

"Huh? Wala. Biro lang naman ate. Pinapatawa lang naman kita baka kasi umiyak kana naman sige ka gusto mo bang magbyahe na mukhang panda?"

Binitiwan nya ito at nangalumbaba sa lamesa.
"Nalulungkot kasi ako. Ayaw ko talagang umalis eh. Tsaka bunso mamimis kita eh. Mag aral ka nang mabuti ah? Naku pag ikaw talaga nagluko lagot ka sakin."

"Ate sampong beses mo nang sinabi yan kagabi. Pero sasagutin ulit kita ha? Shempre naman no? Hindi ko sasayangin ang paghihirap mo para kung sakali mang tumanda kang dalaga ako na mag aalaga sayo. Ako bahala sa lahat ng luho mo."

"YOU MAID ME" [THE FOUR K | SERIES 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon