part 1

36 6 0
                                    

Takbo at lakad ang ginawa ng dalaga. Late na naman sya. Pano ba naman kasi nasiraan yung sinasakyan nyang jeep tapos may nakairihan pa syang isang maarting pasahero na basta nalang sininghalan at pinagmumura ang driver dahil daw sa nalate ito. Naawa naman sya sa driver.kung tutuusin ay wala naman itong kasalanan kung bigla nalang tumirik ang sasakyan nito pero kung murahin ito ng babae ay parang ang lake na ng nagawa nito kaya sa inis nya ay napagsalitaan nya rin ng masama ang babae na lalo pang naiinis na muntik pang mauwe sa sabunuton kung di lang sila naawat ng ibang pasahero. Hanggang sa mga oras na yun ay nagngingit pa rin sya.

Siguradong masasabon na naman sya ng tiyahin nyang manager din ng pinagtatrabahuan nyang 5 star hotel. Ang Royale Hotel.

Nasa entrance na sya ng hotel ng bigla syang mabunggo ng isang lalake.

"Aray ko!" Daing nya. Kumalat lahat ng bitbit nyang mga envelope at folder. Napangiwi sya. dahil sa lalaking nakabanggaan nya ay mas lalo syang mali-late. Inis na tiningala nya ang lalaking nakabungguan. Pero di sya agad nakapagsalita ng makita ang itsura ng lalake. Nakasuot ito cap at naka sun glasses pa at nakajacket na itim na kulang nalang ay balutin ang buong katawan. Nilalamigan ba ito. Di ba nito alam na nasa lugar ito kung saan subrang init ng panahon.

Tiningala nya ang langit at dahil alas nuebe na ng umaga ay mataas na at sikat na sikat na ang araw at nag sisimula na namang umalinsangan. Tapos heto at may isang baliw sa harap nya na parang lamig na lamig at balot na balot pa.
Napangiti sya.

"Hey! You're not going to say sorry?" Pukaw sa kanya ng lalake.

Naipilig nya ang ulo at nakataas ang noo na sinalubong ang tingin nito kahit naka sun glasses naman ito. "H-huh?ah. . Eh Bakit ako. Ikaw tong di tumitingin sa dinadaanan mo.Kayo pa tong may ganang magalit dyan." Tiningnan nya ito ng masama. At kahit nakasuot ito sun glasses ay alam nyang masama din ang tingin nito sa kanya.

Yumuko sya para pulutin ang mga nagkalat nyang gamit.

"Excuse me?" inis na tumingala sya sa lalake. Nasa paanan sya nito para pulutin ang puting folder pero di nya agad makuha dahil natatapakan ito ng lalake. Niyuko sya nito sabay alis ng suot nitong sun glasses at pinagtaasan sya ng kilay. "What?" Tanong pa nito.

"Sabi ko excuse. Natatapakan mo yung folder." Ulit nya sabay turo sa paa nitong nakatapak sa kawawang folder.

"Oh! I'm sorry." Inalis nito ang paa at bahagya pang sinipa ang folder.

Nakagat nya ang labi sa pagpigil ng inis. "Thank you!" Inis na wika nya at tuloy-tuloy na tumayo at akmang tatalikod na sya ng bigla nitong saklitin ang isa nya braso.

"You really don't know who am i?" Halos pabulong na tanong nito.

"Bakit? Sino kaba? Ikaw ba si sadako?" Pabulong din na sagot nya.

Kumunot ang noo nito. "What? Are you crazy?"

"Crazy? Agad? Di lang kita kilala baliw na. As if nman may paki ako. kung sino ka man wala akong pake at wala akong balak alamin. Dahil sayo mas lalo akong nalate. Goodbye." Pinalis nya ang kamay nito pero parang wala parin itong balak na bitawan sya sa halip ay pinihit pa sya nito paharap dito.

"Bitaw na sabi. Ano bang ginagawa------" napaurong sya ng bigla itong dumukwang papunta sa mukha nya pababa sa dibdib nya."Hoy! Ano ba! Tumigil ka nga."
Tumigil ang tingin nito sa bandang ibaba ng dibdib nya kung saan nandon ang ID nya.

"Ligaya? Ligaya Cordez." Basa nito sa pangalan nya. Bahagya pang kumunot ang noo nito. "Silly name."

Tinulak nya ito at tiningnan ng masama. "Bakit? Anong binabalak mo? Isusumbong mo ako sa boss ko? Bakit? Wala naman akong ginawa sayo ah? Naku wag mo akong susubukan. Kumakaen ako ng tao. Wag na wag mong-----" natigil sya ng biglang magring ang cellphone nya. Dinuro nya muna ito bago dinukot ang kanyang cellphone. "Hello? Yes tita. Oo naman tita. Dala ko po. Opo! Yes tita papunta na. Oo sege pupunta na ako dyan. Andyan na! ito na!"
Binalik nya ang cellphone sa bag nya at binalingan ulit ang lalake.
"Dahil sayo masesermunan na naman ako. Aishh! Dyan kana nga." Padabog na naglakad sya papasok ng hotel.

"YOU MAID ME" [THE FOUR K | SERIES 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon