part 8

23 3 0
                                    

Naalimpungatan si Jaya sa lakas na tunog ng kangyang cellphone.
"Ano ba yan inaantok pa ako. Mamaya na kayo tumawag." Inabot nya ang cellphone at kinapa ang Power button at pinatay. Pero di pa sya nakakaidlip ulit ng bigla namang may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto nya. "Ano ba yun bunso! Inaantok pa ako! Mamaya na!" Sigaw nya.
Akmang tutulog sya ulit ng biglang bumukas ang pinto. Di sya nag abalang magmulat. "Drew naman eh. Sinabi ng mamaya na. Antok pa ako. Five minutes more." Inaantok na itinaas pa nya ang palad.

"I'm not your Drew and there's no five minutes! Get up. Now!"

Napabalikwas sya sa lakas ng sigaw nito. "Drew! Bakit kaba sumisi----------- S-sir?" Gulat na bumaba sya ng kama.

"What did i told you last night?"

"T- to wake up. . . early." Mahinang sagot nya.

"And what time did i tell you to wake up?"

"6am?"

"And what Time is it now!?" Singhal nito.

Nanginginig na kinuha nya ang cellphone at binuhay. Dahil hindi nya suot ang kang wristwatch.
Nang mabuhay iyon ay nakita nyang mag aalas otso na pala ng umaga. Napakagat labi sya at napayuko. "Sorry sir. Hindi kasi ako makatulog kagabi naninibago pa po kasi ako dito sa bahay. . . I-i mean i can't sleep last night that's why I'm -----"

"Whatever! Just take a shower and get ready! Make it faster! You're wasting my precious time! Go. Don't make me wait any longer." Utos nito. lumabas ito at pabalibag na sinara ang pinto. Napangiwi sya sa lakas ng ingay na nilikha non. Awtomatikong napahawak sya sa dibdib. Para yatang sasabog yun sa lakas ng kabog dahil sa subrang gulat nya. Iba palang magalit ang amo nya. Parang Leon.Bakit ba kasi inisip nyang nasa kanila pa rin sya at bakit ba kasi nakalimutan nya ang ibinilin nito kagabi.

" Don't make me wait any longer!" Panggagaya nya dito. "Eh pasensya naman di ako nakatulog eh. Aishh! Ganon ba talaga sya? Kaloka! Muntik na akong mag collapse dun ah. Makaligo na nga!" Mabilis na kumilos sya.

Di man sya matagal mag ayos kaya madali lang para kanya ang makapagbihis.Hindi pa man nagtitrenta minutos ay tapos na sya. Simpling pantalon at blouse lang naman sinuot nya na pinarisan nya ng puting sapatos. Naglagay lang sya ng kunting face powder at manipis na lipstick. Di na rin sya nagpusod ng buhok dahil sa mamasa-masa pa yon at wala na syang oras mag dryer at wala din naman syang dyer. Saktong natapos sya ng may kumatok ulit. "Coming!" Kinuha nya ang kanyang bag at patakbong lumabas ng kwarto. "I'm sorry sir------ oh it's you Jun Woo." Bati nya ng ito ang bumungad sa kanya.

Ngumiti ito. "Good morning. Let's go. He's already in the car."

Tumango sya at umagapay dito. "Ah Jun Woo? Is he really really mad?"

Nilingon sya nito. "Really really mad? Hmm I think he is." Seryusong sagot nito.

Lalo syang kinabahan.
" Really?" Nakangiwing tanong nya. Parang gusto nyang tumakbo ulit papasok sa bahay at magkulong sa kwarto.

Tumawa ito ng makita ang expression ng mukha nya.
"Hey! I'm just kidding." Tinapik nito ang balikat. " He use to be like that mostly every morning. .but don't worry he's slightly kind when the night is about to start." Nakangiting dugtong nito.

"What?" Naguguluhang tanong nya.

"Let's go. If you don't want him get really really really mad." Natatawang sagot nito at nauna ng naglakad patungo sa sasakyan.
Naguguluhan man ay napilitan syang humabol dito. Binuksan nito ang backseat para sa kanya. Nakita nyang nandon na ang amo nya at prenting nakasandal habang nakapikit. Maingat na sumakay sya. Sana nga ay tulog ito para di na sya masinghalan pa.

"YOU MAID ME" [THE FOUR K | SERIES 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon