1

25.3K 330 23
                                    


Dumungaw si Pepper sa bintana mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Wala naman siyang partikular na tinitingnan, bagaman kabisado na niya ang matatanaw roon—ang kanilang number eight-shaped swimming pool.

Number eight ang shape niyon dahil masuwerte raw iyon, pero ang mas mahalagang rason kung bakit kakaiba ang hugis ng swimming pool nila ay ang malaking puno ng molave na ayaw ipaputol ng kanyang papa. Mas matanda pa sa kanya ang punong iyon na nadatnan na nila noong lumipat sila sa bahay na iyon about twenty years ago.

It had been an old, rambling house, but after three architects and several millions of pesos, naging landmark sa kanilang lugar sa Bulacan ang bahay nila. Tatlong palapag iyon kung isasama ang basement. Ang ibabang bahagi ay gawa sa bricks, katulad ng nakikita sa mga lumang bahay at simbahan sa Vigan.

Ang itaas niyon ay gawa sa kahoy. The house was painted brick red, ganoon din ang bakod. Ang bubong ay berde, ganoon din ang mga bintana, pinto, at gate. Walang hindi tagaroon ang maliligaw basta nakita ang kanilang bahay.

Tumalikod siya sa bintana at lumakad naman papunta sa kabilang dulo ng hallway. Mas malaki ang bintana roon, isang piye lang mula sa sahig at nakatanaw sa puting bahay sa tapat nila.

Kapag nakikita ni Pepper ang bahay na iyon, which was everyday, kasal ang kanyang naiisip. Hindi niya alam kung bakit ang tingin niya sa puting bahay ay bride, all-dressed in white with lace. Sa pakiwari niya, lace ang mga ukit sa paligid ng mga bintana at pinto.

But now, the bride looked lonely, parang hindi sinipot ng groom. Umaambon pa, kaya parang lumuluha ang bride. At alam niya ang dahilan.

She sighed.

Lumakad na naman si Pepper sa hallway, pero hindi tumuloy sa kabilang dulo. Huminto siya sa bandang gitna, sa double door which was her father's study or office. Binuksan niya ang pinto roon.

"You are not going to sell!" sigaw niya sa dalawang may-edad na lalaking naroroon. Iyong mukhang beach ball ay ang kanyang papa, iyong katamtaman ang pangangatawan at makapal pa ang buhok, bagamat pulos puti na ay si Mr. Cornelio Tuazon. Nagmula ito sa angkan ng mga Tuazon na namayagpag sa Quezon City noong panahon ng Commonwealth.

"Shut up!" singhal ng kanyang papa, si Fidel Nuque III, mula sa angkan na namamayagpag sa Gigmoto, isang bayan sa Kabikolan, bilang mga mangingisda mula pa noong hindi pa nadidiskubre ang Pilipinas. "Isa pa, ihahagis kita sa bintana!" banta pa nito.

Five feet lang ang taas ng kanyang papa, bilog na bilog lalo na ang ulo na tinakasan na ng buhok at parang ginamitan ng floorwax ang anit sa sobrang kintab.

Dati, "Santa Claus" ang bansag ng marami sa kanyang papa kahit wala itong balbas at buhok. Dahil daw iyon sa malutong at buo nitong halakhak. Pero ngayon, "The Abominable Snowman" ang tingin dito ni Pepper. Lagi itong nakasimangot, pronounced ang mga linya sa mukha, at tatlong layers ang eyebags. Laglag ang mga pisngi, her father looked as though he were melting like a wax figure na pinainitan.

Isinara uli ni Pepper ang pinto, inulit ang pagmamartsa sa hallway. Pagkatapos ng dalawang "lap," binuksan uli niya ang double door.

"You can't sell!" pasigaw uli niyang sabi.

"Peppermint!" sigaw ng kanyang papa. Pero bago pa ito nakatayo, naisara na uli niya ang pinto.

Maybe she had overdone it. Talagang galit na ang kanyang papa dahil tinawag na siya nitong "Peppermint," which was really her name. Siya lang yata ang may pangalang ganoon sa buong mundo, bagay na gusto talaga ng kanyang papa kaya siya pinangalanan ng ganoon.

Unique daw siya, kaya dapat unique din ang kanyang pangalan.

Unique daw si Pepper dahil nang ipanganak siya, may ngipin na! A strange thing during that time, pero kayang-kayang ipaliwanag ngayon ng mga dentista. Natanggal din naman ang ngipin niya ilang araw matapos siyang isilang.

Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon