Sabado ng gabi. Mistulang bahay ng politiko kapag fiesta ang bahay nina Pepper. Puno iyon ng bisita. Sabi ng papa niya, sila-sila lang daw ang magsasalo-salo. Ang sila-sila pala nito ay kasali ang buong bayan. Parang kasalan na ang nagaganap. Kung sino-sino ang dumarating na hindi na niya kilala. But she played a gracious hostess.
Pero napansin niya ang sariling panay ang tingin sa pintuan kahit ayaw niyang gawin. Sa aminin ni Pepper at sa hindi, hinihintay niya si Rei. Paano kung biglang nagbago ang isip nito at hindi na ituloy ang palabas nila? Lalabas pa rin siyang kahiya-hiya sa mga bisita.
"Bakit wala pa ang Prince Charming mo?" biro ng kanyang papa.
"Baka na-traffic lang," sagot ni Pepper. Prince Charming. She squirmed at the words. Rei was not her Prince Charming. They had nothing in common, except for a few wayward hormones.
Sumulyap na naman siya sa pintuan. Then she cursed herself for doing so. Mabuti siguro na lumayo muna siya sa pintuan para hindi siya tingin nang tingin doon na masahol pa sa bride na naghihintay sa groom.
Pagpihit, sumalpok siya sa isang matabang babae na umaapaw sa pagkain ang hawak na plato.
"Shit!" nausal ni Pepper. Tumapon sa kanya ang malalangis na putahe. Sabay pa sila ng babae na pinulot sa sahig ang mga tumapong pagkain.
"Pasensiya ka na, Pepper," sabi nito.
"Okay lang ho." Nakuha pa rin niyang ngumiti kahit inis na inis. Amoy-calderetang baka at afritada na siya. Naitanong ni Pepper sa sarili kung matatanggal pa ang mantika sa suot niyang cocktail dress. Pinamuhunanan niya iyon. Buong araw din niyang ginalugad ang mall para makahanap ng magandang damit. Gusto niyang maging maganda sa "engagement" party niya. Kahit pa alam niyang kunwari lang iyon, she still wanted to look gorgeous.
Orange ang kulay ng damit, sabrina ang neckline na parang kurtina ang pinakamanggas. Hanggang tuhod ang haba niyon.
"'Ganda naman ng katulong n'yo, Uncle. Orange pa ang uniform."
Napatingala si Pepper mula sa pinupulot na mga piraso ng baka. Si Rei ang nagsalita. Ilang oras ang inubos niya para maging magandang-maganda, aabutan lang pala siyang parang si Cinderella na nakatuwad sa sahig. Wala talaga sa timing ang lalaki kahit kailan.
Tumayo siya. "You're late, hon." Hinawakan niya ang pisngi nito bago gawaran ng halik.
"Shit! Ang kamay mo!" angal ni Rei.
Ngisi ang iginanti ni Pepper. Sinadya naman niyang ipahid sa mukha nito ang sauce ng caldereta. Dumukot agad ito ng panyo. Puting-puti iyon, parang nasa drill ng ROTC. Ipinunas nito ang panyo sa pisngi.
"Pahiram din." Inagaw niya ang panyo at ginawa iyong hand towel. Pagkatapos ay isinuksok iyon sa bulsa ng slacks ni Rei.
He was wearing black pants and dark green shirt, mahaba ang manggas at medyo makinang.
"Ang Uncle?" tanong ni Pepper at ikinawit kay Rei ang braso. "Para tayong ponkan. 'Ponken na ponken.'" Humagikgik siya. "Ikaw ang dahon."
"Nasa labas pa si Papa, pinauna ako. Susunod na 'yon."
Kinawayan naman sila ng kanyang papa na nasa harap na ng arkiladong banda. Hawak nito ang mic.
"Mga kaibigan, mawalang-galang na ho. Iistorbohin ko lang sandali ang pagkain ninyo. Hindi na ako makapaghintay na i-announce ang—"
Pinigil ni Pepper ang ama. "Papa, hintayin naman natin si Uncle Pepe, kasi mahalaga rin sa kanya ito. Tatay siya ni Rei, hindi ba, hon?" She looked up at him.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)
Romance"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinags...