Despite long gruelling hours of rewriting the script, her spirits still soared. Pepper was excited and hopeful. Napapayag niya ang kanyang papa na manood ng Little Mermaid at magkikita na lang sila sa Meralco Theater. Hindi praktikal kung babalik pa siya sa Bulacan para sunduin ang ama.
Alas-otso siya dumating doon; nakapila na ang mga tao. Binati niya ang mga artistang nakita, nakitsika habang panay ang tingin sa relo.
"Ano ba'ng ginagawa mo at hindi ka tumataba, Pepper?" tanong ng isang aktres na hindi maiwasan ang paglobo at naaapektuhan ang career.
"I eat breakfast," tugon niya.
"Huh?"
"Just think about it. Most people I know who skip breakfast gain weight, while those who eat breakfast don't gain weight."
"I didn't notice that," sabi ng aktres.
Her cell phone rang. It was her father.
"'Asan ka na, 'Pa? The play's about to start."
"Nandito pa ako sa bahay. Hindi ako makakapunta. Sumumpong ang migraine ko. Kaaalis lang ni Doctor Ramirez. Pasensiya ka na anak, hindi ko kaya, eh."
Shit! "G-gano'n ba? Okay, magpahinga ka na lang. Matulog ka na para mawala ang sakit ng ulo mo. Tulog lang ang katapat niyan."
"Tumawag ka pagkatapos ng play, Pepper. Maulan, eh. Kung mahihirapan kang makauwi, pasusunurin ko diyan si Bert para may kasama ka pag-uwi," tukoy ng kanyang papa sa driver nito.
"Hindi na siguro kailangan, Papa. Kung lalakas ang ulan mamaya, I'll just sleep in a hotel. I'll call you up."
Nahagip ng isang sulok ng mata niya ang bulto ni Rei na palinga-linga sa entrance. Kinawayan niya ito. Nakita siya nito at lumapit. Hindi ito ngumiti.
"Si Uncle Pepe?" tanong agad ni Pepper kahit parang alam na niya ang sagot.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi raw siya makakasama, eh. Ayaw niya ng Little Mermaid. Sa bahay na lang daw siya, nagpaarkila ng tape ni FPJ."
"Paano na 'yan?" tanong niya, more to herself.
"I guess we'll just have to watch."
"You really shouldn't have to. Tutal, wala naman sina Papa."
"Nandito na ako, eh. Hindi kita matawagan kanina, drain ang cell phone ko," sabi ni Rei.
Nag-umpisa nang lumakad ang pila hanggang nasa loob na sila. Magkatabi ang upuan nila.
"Sigurado ka ba na hindi natunugan ng papa mo ang plano natin?" tanong ni Pepper kay Rei na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. But looking at him again, he looked as though he were a king indulging his people's whims. Bagay na bagay rito ang pangalan.
"I am sure my father didn't have any clue. Baka naman ikaw. Baka nakahalata si Uncle Del."
"Kahit isa lang akong hamak na scriptwriter, hindi ako boba."
"Don't start, okay?" sabi nito.
"Ikaw ang nag-uumpisa diyan, eh."
Nagbigay na ng announcement na patayin ang mga cellular phones at nang hindi makaapekto sa sound system. Pepper did as she was told. Si Rei, mukhang masama ang loob na patayin ang telepono, pero walang magawa.
Pagkatapos ng ilang ulit pang pakikiusap, sinabihan silang magsitayo para sa pambansang awit ng Pilipinas. Pagkatapos niyon, nag-umpisa na ang play.
Sinulyapan niya si Rei. He seemed to be in deep thought. Titig na titig ito kay Little Mermaid.
Naramdaman siguro ng lalaki na nakatingin siya rito. Tumingin din ito sa kanya. "How does she do that?" bumubulong nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)
Romantizm"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinags...