"KANINA pa 'yan, Pepper. Sagutin mo na, istorbo, eh," sabi ng headwriter nila, halatang inis na sa maya't mayang pagtunog ng kanyang cell phone. "Patayin mo na kaya?"
Pepper didn't want to turn the cell phone off. Si Rei ang caller. Gusto niyang dumayal nang dumayal ang lalaki, pero hindi niya kakausapin. Bahala itong mapudpod ang daliri.
"Ako ang sasagot," prisinta ni Jing. Bago pa naawat ni Pepper ay nadampot na nito ang telepono sa mesa. "Hello?" sabi nito. Nakinig sandali. "She's here, all right. Bakit hindi niya sinasagot? Aba, ewan ko. I'll ask." Bumaling ito sa kanya. "Bakit daw you're not answering the phone?" tanong nito.
"Bakit ko sasagutin? Hindi naman kami magkaibigan, hindi rin naman kami nagmamahalan." Umismid si Pepper.
Napailing si Benjie, ang headwriter. Alam naman niyang hindi siya nito sisitahin. Masyado siyang magaling na scriptwriter. They couldn't afford to lose her. Alam din ng mga kasamahan niya na kahit parang wala sa trabaho ang kanyang isip, naroroon pa rin iyon. She always delivered. She was a professional, too.
Nagpatuloy si Jing sa pakikipag-usap kay Rei. "Ayaw nga niya, eh. Hindi ka rin makulit 'no? At saka, we're working here, nang-iistorbo ka." Nakinig uli ito. "Ako? Kanina mo pa ako kinakausap, ngayon mo lang tinanong ang name ko. I'm Jing. Okay. Sige. Bahala ka." Ibinalik ni Jing sa kanya ang telepono. "Okay naman pala 'yon, eh. Mabait namang kausap," komento nito.
"Plastic 'yon. Ang totoo, isa siyang mapanlait na uri," sabi ni Pepper.
"All right, that's enough. Maganda ang feedback ng episode natin kagabi," sabi ni Benjie. "Let's try to come up with something like that."
They discussed Jack en Popoy with a bunch of Martians, Pepper's idea. She was asked to rewrite the script. Alas-sais y medya na ng gabi. Nagpaiwan na siya sa mga kasamahan.
Kinse minutos bago mag-alas-otso siya nagpasyang umuwi. Paglabas ng studio, nagulat siya dahil natanaw niya si Rei, kausap ang isang guwardiya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya paglapit dito.
"Ayaw mong sagutin ang mga tawag ko, di pinuntahan na lang kita rito."
"Bakit?"
"Sinusundo kita," sagot ni Rei.
"May dala akong sasakyan. Nagsayang ka lang ng pagod."
"Iwan mo na lang dito. Sa akin ka na sumabay." Tonong nag-uutos ang lalaki.
"Ayoko."
"Please..."
"Bakit ba?" Ano bang engkanto ang sumapi sa lalaking ito at kinukulit siya ngayon?
"Please...?" ulit nito.
Tila amused na nakamasid sa kanila ang guwardiya.
Nagkibit-balikat si Pepper. "Sige na nga."
Ganoon na lang ang ngiti ni Rei. Matapos magpaalam sa guwardiya ay iginiya siya papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nito. He opened the door for her, bagay na ikinataas ng kilay niya.
Pagkasakay, napansin agad ni Pepper ang isang bungkos na peach roses sa backseat. Lalong umigkas ang kilay niya, pero kinuha ang mga bulaklak.
"Para sa akin ba ito?" tanong niya pagkasakay ni Rei.
"Hawak mo na, eh."
Anong klaseng sagot iyon?
"Akin ba 'to?" ulit ni Pepper.
"Sa palagay mo?" Pinaatras ni Rei sa parking area ang kotse. "Ayaw mo? Sa iba ko ibibigay."
"May babae bang umaayaw sa bulaklak?" Bakit hindi na lang nito sabihin na para nga sa kanya iyon? Bakit parang masama ang loob nito?
BINABASA MO ANG
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)
Romance"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinags...