"Rei, tumawag ang papa mo. Tawagan mo raw siya. Ngayon na," sabi ni Minerva pagpasok nila ni Pio sa opisina.
Walang imik na dinampot ni Rei ang telepono. Ano na naman kaya ang kailangan ng kanyang ama ngayon? Daig pa nito ang batang paslit, laging nagliligalig, laging nangangailangan ng atensiyon.
"Hello, 'Pa?" sabi niya nang marinig ang boses nito, mukhang talagang nakaabang sa telepono.
"Hindi ka ba uuwi? Gusto kong manood ng basketball. Wala akong makasama."
"Yayain mo si Uncle Del," sabi ni Rei kahit alam niyang malabong mangyari iyon. May giyera mundial sa pagitan nito at ng matalik na kaibigan. Hindi naman nito masabi sa kanya ang dahilan.
Pero iyon ang dahilan kung bakit laging naaaburido ang kanyang ama. Ayaw nitong tumigil sa bahay, ayaw namang magsama ng iba sa pamamasyal. Ang gusto nito, siya lagi ang kasama. Ang hirap ng nag-iisa. Kung may kapatid lang siya...
He sighed.
"Alam mong hindi na mangyayari 'yan, Rei. Nagsaulian na kami ng kandila ni Fidel dahil natuklasan ko na kung gaano siya kasuwapang, kung gaano kakitid ang isip, kung gaano kasama." Hayag na hayag ang sama ng loob sa boses ng kanyang papa.
"Bakit ba kasi, Papa? Baka naman kailangan n'yo lang pag-usapan ang problema. Wala namang hindi naaayos sa mabuting usapan." Nahihirapan si Rei sa nakikita sa ama kapag kasama ito. Kahit maraming tao sa paligid, parang nag-iisa pa rin sa mundo. He wished his mother had not passed away last year. Kahit paano siguro, hindi ganoon ka-depressed ang kanyang ama.
"Wala kaming dapat pag-usapan. Sapat nang nakita ko ang katotohanan. Kung wala ka nang gagawin ngayong araw, umuwi ka na lang."
"Hindi pa kami tapos, 'Pa." Nagpahinga lang siya sandali sa paggagapas ng mga weeds sa heliconia. Tradisyon ng mga miyembro ng Bud Brothers na sila ang gagawa ng ganoon sa mga batang heliconias, iyong bagong tanim. It was some sort of a ritual na lalong nagpapatibay sa bonding nila.
He treasured their friendship. Mahal niya ang lahat ng kanyang brods. He knew the importance of friendship. Nakita niya iyon buong buhay niya, sa kanyang papa at Uncle Del. Kaya apektado rin siya sa nangyayari ngayon sa dalawa.
Tinangka na ni Rei na kausapin si Uncle Del, pero wala rin naman itong sinabi sa kanya. Katulad ng papa niya, Uncle Del was full af ambiguities and vagueness.
Palaisipan ang ugat ng away ng dalawa na buong akala niya ay habang-buhay na magiging magkaibigan. Sayang na sayang.
"Listen, bukas na lang ako uuwi. We'll play golf," sabi niya.
"Ayoko ng golf. Kahit minsan, hindi ko nagustuhan ang larong 'yon."
His father had been an avid golfer.
Nagpatuloy ito. "Si Fidel lang ang humikayat sa akin na mag-golf. Sana noon ko pa nahalata ang kayabangan ng taong 'yon. Mahilig magmalaki, mayabang."
"Okay. Tennis na lang."
"Sumasakit ang siko ko do'n," reklamo ng kanyang papa.
"Eh, ano ba talaga ang gusto n'yo, 'Pa?" eksasperado nang tanong ni Rei.
"Gusto lang kitang makasama, kahit dito lang sa bahay. Gusto kong lagi kang matitigan, dahil hindi ko masasabi kung kailan darating ang sandali na pipikit ako at hindi na muling didilat."
"Papa!" bulalas niya, though he was a bit amused. Kahit masama ang loob, hindi nawawala sa kanyang ama ang pagiging makata. His father's words were always romantic, bagay na namana niya.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)
Storie d'amore"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinags...