Chapter 3

9.3K 161 8
                                    

Balisa sa klase si Tamara. Maaaring present siya sa klase pero ang isip niya ay naglalakbay, kakahanap ng kasagutan. Pilit niyang pinipiga ang isipan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na ito sa kanya. 

"Mahal, ok ka lang ba?" tanong ni Philip sa kanya habang sabay silang naglalakad papunta sa parking area, "kanina ka pa walang imik diyan e."

"Marami lang iniisip," sagot ni Tamara.

"Tulad ng?"

"Swimming, tsaka yung mga final requirements ko."

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin sinasabi kay Philip lahat ng bagay na nararanasan niya. Maging kay Gia, hindi na rin nila ulit napag-usapan ito.

Huminto si Philip sa tapat ng kanyang kotse at napangiti, mukhang may naisip siyang magandang ideya. 

"Mahal, sakay na. Aalis tayo," aya nito sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Tamara.

"Basta," sa ngiti ni Philip mukhang sigurado siyang ikatutuwa ng girlfriend ang lugar na pagdadalhan niya rito.

Wala naman nang nagawa si Tamara kundi ang sumakay sa sasakyan nito. Tutal naman ilang buwan na rin silang hindi lumalabas dahil pareho silang busy.

Sa byahe, wala pa rin siyang imik. Wala rin siyang ideya kung saan sila pupunta. Kahit saan din naman siya dalhin ni Philip ay ok lang sa kanya. May tiwala naman siya dito.

Mabilis na lumubog ang araw at nakarating na rin sila sa lugar na sinasabi ni Philip, sa isang mataas na lugar sa Antipolo, kung saan kitang-kita niya ang siyudad mula dito.

First time siyang dalhin dito ng boyfriend niya at natuwa siya sa ganda ng tanawin. Nasa isang tahimik na lugar sila ngayon na malayo sa maingay na siyudad.

"Nagustuhan mo ba dito?" tanong ni Philip.

Isang tango at matipid na ngiti lang ang sinagot ni Tamara sa kanya.

"Nung bata pa ako, malapit lang dito ang bahay namin. Palagi akong pumupunta kapag marami akong problema. Kasi dito nakakapag-isip ako. Walang ingay, walang gulo," kwento ni Philip

Hinatak niya si Tamara para tabi silang umupo sa damuhan. Hinawakan niya nang mahigpit ang kaliwang kamay nito. Napatingin sa kanya si Tamara.

"Alam ko naman na may mas malalim ka pang iniisip at alam ko rin na hindi mo pa gustong sabihin. May pagka ganyan din kasi akong tao, pero di bale, maghihintay ako kung kelan ka handang sabihin iyan sa akin," halos bulong na sabi ni Philip sa kanya.

Nagulat naman si Tamara kasi unang beses niya itong makitang ganoon kaseryoso, "Anong sinasabi mo diyan? Ok lang nga ako." Pilit niya pa ring tinatago kay Philip ang mga iniisip niya.

Niyakap niya na lang ito nang mahigpit, "Thank you, kasi dinala mo ako dito."

Kumalas sa pagkayakap si Philip at hinawakan siya sa mga pisngi niya, "Hayaan mo. Lilipas din yan."

Matamis na ngiti na lang ang sinagot ni Tamara sa kanya. 

Naging malagkit ang kanilang tinginan sa isa't isa. Tila ba nangungusap ang mga ito na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Inilapit ni Philip ang kanyang mukha sa mukha ni Tamara at pilit na inabot ang kanyang mapupulang labi. Ginantihan niya naman ito ng matamis niyang halik. Pinupunan nila ang pagkamiss nila sa bawat isa.

Halos limang minuto rin ang tinagal ng kanilang paglalambingan at bumitaw na sila sa isa't isa. Pinagmasdan na lang nila ang liwanag ng Maynila habang magkasandal ang kanilang mga balikat.

Ikalawang LagusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon