Chapter 5

6.6K 145 8
                                    

Biglang nagising ang natutulog pang ulirat ni Tamara sa kanyang nabasa sa salamin. Malinaw na malinaw ang nakasulat dito. Tila isang dating kaibigan na nagseselos.

Pilit binabalikan ni Tamara ang kanyang alaala kung may tao siyang pinagsabihan ng ganito pero walang bumabalik na alaala mula sa kanyang pagkabata. Sa totoo lang, wala na siyang malinaw na alaala mula sa kanyang childhood.

Anupaman o sinuman ang nagsulat sa salamin niya nito, isa lang ang siguradong tinutukoy nito, si Gia.

Dali-dali siyang bumangon at kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ni Gia. Nanginginig siya habang pinipindot ang kanyang cellphone.

Inilapit niya ito sa kanyang kanang tenga at hinintay ang pagsagot sa kabilang linya.

Kriiing..... Kriiing......

Busy sa pagrereview si Gia para sa kanilang nalalapit na Finals nang marinig niya ang kanyang ringtone. Malalim na ang gabi at tulog na ang lahat ng tao sa kanilang bahay.  Sinilip niya ang cellphone niya at nakita niya kung sino ang tumatawag dito, si Tamara.

"Hello, Tammy?" sabi nito nang sinagot niya ang tawag.

Nakakabinging katahimikan ang sagot ng nasa kabilang linya. 

"Tammy, may problema ba?" pag-aalala nito sa kaibigan. Iniisip niya na nasa panganib si Tamara dahil sa mga nangyayaring kababalaghan sa kaibigan.

Tsaka niya narinig ang paghikbi ng kaibigan na nasa kabilang linya.

"What's wrong? Nasan ka? Pupuntahan kita!?!" pag-aalala niya dito.

Mas lumakas ang paghikbing narinig niya sa phone. "Sa labas," narinig niyang tipid na sabi nito.

"Ha? Nandyan ka? Sige lalabas ako," sabi ni Gia. Dali-dali siyang lumabas ng kanyang kwarto at sumilip sa kanilang terrace para tingnan kung nandoon nga ang kaibigan, pero wala siyang matanaw.

Maliban sa liwanag ng mga light post, wala na siyang maaninag na tao sa labas ng kanilang gate, pero bumaba pa rin siya at nagmadali para tulungan si Tamara.

Sa isip niya ay nasa matinding peligro si Tamara para pumunta at humingi ng tulong sa kanya sa dis oras ng gabi na to. Siya pa lang kasi ang nakakaalam kung ano ang mga nangyayari sa kanya.

"Tammy? Tammy?" pagtawag niya nang makalabas siya ng kanilang bahay at papunta na sa kanilang gate, pero walang sagot mula mula kay Tamara sa labas ng kanilang bahay.

Kahit na natatakot dahil sa lalim na ng gabi, lumapit siya sa kanilang gate at sumilip, pero wala talagang kahit anino man lang ni Tamara.

Binuksan niya ang gate gamit ang dala-dalang susi para lubusang makita kung naroon nga ang kaibigan. Ngunit pagbukas niya ng gate, malakas na ihip ng hangin lang ang sumalubong sa kanya. Hangin na tila nagpalamig sa kanyang batok at nagpanginig sa kanyang kalamnan.

"Tamara?" may halong kaba na sa pagtawag ni Gia sa kaibigan.  Ngayon lang niya tinawag na Tamara ang kaibigan dahil siguro sa kinakabahan na siya sa nangyayari. Unti-unti na siyang nilalamon ng kaba dahil sa mga di maipaliwanag na bagay na nangyayari dito.

Lumabas siya ng gate at nilawakan ang pagtanaw, ngunit liwanag lang mula sa mga poste sa kanilang subdivision ang natatanaw niya.

Gusto niya sanang i-dial ang kanyang cellphone para matawagan si Tamara pero naiwan niya pala ito sa kanyang kwarto. Balak niya na itong balikan nang makita niya sa gilid ng kanyang mata ang isang hugis ng babae na mula sa isang kanto.

Hindi niya lubusang makilala ang babae na unti-unting lumalapit sa kanya dahil sa kadiliman ng gabi.  May nagsasabi sa kanya na kilala niya ang babaeng yun. Pamilyar ang tindig at hugis niya. Hindi siya maaaring magkamali, si Tamara ito.

"Tammy?" mahinang tanong nito sa sarili. Ramdam niya, si Tamara nga ito. Kaya't dali-dali niya itong nilapitan pero habang papalapit siya sa kaibigan na hindi pa rin niya maaninag nang buo ang mukha, mas tumitindi ang kaba na nararamdaman niya.

Ilang hakbang na lang at magkalapit na silang dalawa. Naririnig niya rin ang paglakas ng hikbi ni Tamara pero hindi niya pa rin kumpletong naaaninag ang mukha nito.

"Tammy?"

The subscriber cannot be reached, please try again later.

Ito ang sabi ng operator nang ilang beses na tinawagan ni Tamara ang cellphone ni Gia pero hindi niya ito macontact. Lubos na ang pag-aalala niya dahil sa posibilidad na madamay si Gia sa mga katatakutang nangyayari sa kanya.

Sa kanyang frustration, halos masira niya na ang cellphone niya dahil hindi ito nakikisama. Mabagal na itong magresponse, sa isip ni Tamara, kung kailan niya kailangan ang cellphone, tsaka hindi niya ito magamit nang tama.

Agad niyang chineck ang memory ng kanyang cellphone at nakita niya na kaya mabagal na ang cellphone niya dahil punung-puno ito. Bagay na hindi niya naman alam kung paano nangyari.

Chineck niya ang gallery ng kanyang cellphone at nagimbal sa natagpuan niya. Nakita niya ang sarili niya na kinukunan ng litrato ang sarili habang nakatapat sa salamin. Tadtad ng paulit-ulit na picture niya ang nakita niya dito gayong hindi niya naman ito ginagawa.

Dito na siya nabalot ng takot. Sa sobrang takot niya ay naibato niya ang kanyang cellphone.

Sa bawat gawin niya, palagi siyang kinakabahan at iniisip na may nakatingin sa kanya.

Kung hindi nga lang ubos na ang allowed absences niya sa klase ngayon, hindi na sana siya papasok sa University. Naglalakad siya papasok sa campus na palinga-linga sa likod niya. Para na siyang nasisiraan ng bait dahil sa nangyari.

Pumasok siya sa kanyang klase. Mabuti na lang at wala pa ang kanilang professor. Dumiretso na siya sa kanyang upuan at umupo para mapag-isip. Ngayon mas napanatag siya kasi mga taong kilala niya ang nakapaligid sa kanya.

Tumingin siya sa paligid, hinahanap niya si Gia. Imposible kasing umabsent si Gia ngayon dahil ilang linggo na lang at magfa-finals na sila. Kinabahan siya  sa pag-aalala para sa kaibigan.

Natapos ang klase pero walang  Gia na nagpakita. Balak niya na itong puntahan sa kanilang bahay, baka kasi may sakit ito. Hindi niya kasi magawang macontact si Gia gamit ang kanyang cellphone dahil nasira ito kanina nang naibato niya.

Sumaglit siya sa Restroom para umihi habang break ng klase nila. Lunch Break yun at himalang walang tao sa loob ng banyo. Kadalasan kasi, ito ang time ng mga babae para mag-CR at mag-retouch ng kanilang mga make-up pero nakapagtatakang wala sila.

Pumasok siya sa isang cubicle at umihi nang makarinig siya ng tunog ng takong na naglalakad papunta sa isa pang cubicle sa tabi niya. Hindi niya naman ito inalintana dahil marami talagang nagc-CR ng ganitong oras.

Nagflush siya at tumapat sa salamin para magsuklay ng buhok nang marinig niyang bumukas ang katabi ng cubicle na pinanggalingan niya, pero walang lumabas na kung sinuman.

"Sino yan?" tanong ni Tamara, pero wala siyang sagot na nahita. Dahan-dahan niyang nilapitan ang cubicle. Nagmatapang na siya kahit kinakabahan. Wala ngang tao sa kabilang cubicle pero bakit may narinig siyang tunog ng takong na pumasok.

 Biglang sumara ang pinto ng cubicle. Napatili siya sa gulat. Hindi pa niya nahahabol ang kanyang hininga dahil sa biglaang pagsara ng pinto ng cubicle, mas nagimbal pa siya nang makita niya sa reflection ng salamin si Gia.

Nagulat si Tamara sa nakita. Nasa reflection sa salamin si Gia at duguan ang kanyang katawan. Umiiyak ito sa sobrang sakit. Hindi alam ni Tamara kung ano ang gagawin niya. Sa sobrang takot agad-agad niyang kinuha ang kanyang gamit at lumabas ng CR.

Humahangos siya nang masalubong niya si Philip.

"Mahal! Mahal! Kumalma ka!" sabi niya kay Tamara na hindi makahinga at nagsasalita ng kung anu-ano.

Niyakap siya ni Philip nang mahigpit at doon na tumulo ang kaniyang mga luha.

"Si Gia!" mahinang sabi ni Tamara habang humihikbi sa mga bisig ni Philip.

Biglang bumitaw sa pagkakayap si Philip at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Alam mo na ba ang nangyari kay Gia?" tanong niya.

Kinabahan si Tamara sa sinabi ni Philip. "B-bakit? Ano nangyari?" alala niyang tanong dito.

"Kanina pa kita tinatawagan para ibalita sa'yo," sabi nito sa kanya, "wala na siya."

Ikalawang LagusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon