Chapter 2

141 28 18
                                    

ERROR'S AHEAD

*****

Tahimik akong naglalakad habang bukas ang dalawang scroll ko sa magkabilang gilid na nagsisilbi kong ilaw. Time flies so fast and it's already 11 years. For the past years, wala akong ginawa kung hindi maglakad dito habang pinapanood lahat ng nangyayari sa bida.

Yes, naglalakad na ako sa walang katapusan na lugar na ito.

"Nakakatamad na maglakad. I want to float."

Napabuga ako ng malalim at napagdesisyunan na umupo na. Napakurap-kurap naman ako ng marelax agad ang katawan ko.

No one told me that sitting is relaxing! I wasted 11 years walking!

I groaned, of course I wouldn't know. Hindi naman ako napapagod dito. Napabuntong hininga ako at umiling-iling. Nakapangalumbaba ko siyang pinanood.

Pixie Rose is her name. She has these two pairs of emerald-like eyes with straight ginger hair: pale skin and a tall woman.

The novel describes her as a clumsy but intelligent lady. Handa niyang isakripisyo ang buhay niya para lang sa prinsipe. Her always excuse is that she doesn't care about her life. Her mother was already gone, and all she had was the prince.

But for me she's a selfish lady. Walang halaga sa kanya ang buhay niya. Paulit-ulit niyang binanggit sa novel na handa siyang isakripisyo ang sarili niya para sa ikakabuti ng lahat.

That's not a noble act. She just wanted to escape the world that gave her a shit life. Not that I can put all the blame on her. Ang author talaga ang may kasalanan sa lahat.

Pero ngayong nag-iba na ang takbo ng kwento, kita ko na rin ang pagbabago ng mga niya. I can't see the clumsy heroine that the novel mentioned instead a brave and strong heroine is in front of me.

"She became a lady..."

Wala sa sariling napangiti ako. I don't know how long I have been here, and I have no track of time, but the scroll with my missions noticed to me earlier that it is already 11 years.

I looked at the other scroll with a countdown.

04:57

04:56

Malapit na.

Bigla namang nagliwanag ang paligid ko at naging puti. Napanganga ako dahil sa isang kurap ay nagbago agad ang kulay ng paligid.

Unti-unti akong tumayo at inilibot ang tingin sa paligid. Naglakad-lakad ako nang biglang may isang scroll ang sumulpot sa harapan ko.

May nakasulat doon na: Follow the scroll

Matapos noon ay lumipad na ito kaya sumunod na ako. Noong una ay mabagal lang ang paglipad nito hanggang sa pabilis na ng pabilis na kailangan ko pang tumakbo.

This is the second time that I will run, and I don't like it!

Sinikap ko na makasabay sa scroll. Kahit na hindi ako napapagod ay hindi ko pa rin nagugustuhan na gumagalaw ako.

Pero nawala ang pagkaasar ko ng dumating na kami sa lugar. Muli na naman akong napanganga at kumislap ang mga mata ng makakita ako ng malalaking aparador.

"W-what?" Napatawa ako at unti-unting lumapit. Kinakabahan kong iniangat ang kamay ko at hinawakan ang aparador na malapit sa akin.

"S-shit totoo?!"

Natutuwa kong pinaghahawakan ang mga bagay na nandito. Binuksan ko rin ang mga aparador at nakakita ako ng iba't ibang damit.

Clothes for dukes, priests, kings, scholars, commoners, magicians, knights, and many more.

Scrolls' MissionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon