Chapter 3

134 29 21
                                    

NOT EDITED

*****

Marami akong natutunan sa pagiging manonood ng iba't ibang kwento. One of them is to gather information if you're in a foreign place. There are many sources to gain information but the most common is going to a library.

Nang makita sa kalayuan ang karatula na may nakasulat na 'Library' ay pumunta ka agad ako. This novel has its own language and way of writing and fortunately, na-adapt ko.

"Magandang Umaga!"

"Magandang Umaga"

Sinalubong ako ng malaking ngiti ng babae sa entrance pa lang ng library habang may hawak na pandilig at may nakaipit na walis tingting sa kilikili. Nakasuot siya ng berdeng bistida na at may panyo sa buhok nyang nakalugay.  

Tumango ako sa kanya at sinuklian siya ng ngiti. Bago ako pumasok ay nahagilap ko pa ang saglitan niyang pagtingin sa espada ko. Nang makapasok ay agad sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na amoy. Amoy luma siya pero hindi nakakasulasok.

Lumingon-lingon ako sa paligid at lumapit sa isang kumpulan ng libro. Kinuha ko ang malapit na libro sa akin at inamoy ito. Nanlaki ang mga mata ko at muli itong inamoy. Mangha kong tiningnan ang nasa kamay ko bago ko tiningnan ang kumpol na nga libro.

Pikit matang inamoy ko ito habang hindi matanggal sa labi ko ang ngiti.

"Ito ba ang amoy ng mga libro?"

"Depende po sa kung gaano na katagal ang libro."

Naimulat ko agad ang mga mata ko at gulat na napatingin sa babaeng nagsalita bigla-bigla sa katabi ko. Inilayo ko ang libro sa ilong ko.

Inosente niya akong tiningnan at ngumiti ng malaki. Inalis niya ang tingin sa akin at kumikislap na tiningnan ang kumpol ng mga libro.

"May mga librong amoy luma dahil na rin sa katagalan ng panahon. Maaring naimbak lang sila o kaya nama'y dahil na rin sa klase ng papel. May mga papel sa emperyo na gawa sa kahoy ng Hyibi, sa silangan ito makikita at bihira lang makakita ng ganoong klase sa ganitong mga lugar. Kadalasan ang mga matataas na antas lang ang madalas makakuha ng nga librong may ganoong klase ng papel."

Nagbuga siya ng hangin at malungkot na ngumiti, "Hindi ko rin naman sila masisisi sapagkat ang papel ng Hyibi ay sadyang kakaiba. Ang amoy nito ay nakakaginhawa sa pakiramdam. Nakakadagdag saya tuwing nagbabasa."

Tiningnan ko lang siya bago bumalik ang tingin sa librong hawak ko.. Ibinalik ko na ito, "Ganoon ba?" payak kong tugon.

Natigilan naman siya at nahihiyang umatras papalayo at bahagyang yumuko.

"P-pasensya na sa abala. Sana ay makahanap kayo ng librong nais niyo. Magandang umaga pong muli."

Tinalikuran niya ako at nakita ko ang taranta at pamumula sa mukha niya. Nagtataka ko siyang sinundan nang tingin bago napabuga ng malalim.

Mali ba ang sinagot ko? Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa puno na tinutukoy niya.

Saglit ko pang tiningnan ang pinaglabasan niya bago mas pumasok sa loob. Pansin na pansin ko ang linis ng paligid. Halos wala akong nakikitang alikabok sa mga shelves na nandito, lalo na ang mga libro.

Scroll Shit: You're rude to that lady.

Lumingon ako sa kaliwa ko bago muling ibinalik ang tingin sa mga libro.

"What do you mean? Wala naman akong ginawang masama."

Scroll Shit: Dumb-sheltered self-proclaimed 'god.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scrolls' MissionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon