Chapter 1:New Job

227 61 16
                                    

   Keisha's Pov

Hi..I'm Keisha Jane Santos,18 years old, Grade 12,Mag-isa sa buhay walang sariling bahay,walang tinuturing na pamilya.Kaya maghahanap ako ngayon ng trabaho para na din makapag-aral ako sa darating na pasukan

Umuupa ako ngayon ng apartment pero dahil wala na akong pera kaylangan ko na talagang makahanap ng trabaho.

~~~~~

Habang naliligo ako ay naiisip ko na kung Hindi ako makakahanap ng trabaho sa madaling panahon ay baka palayasin ako ng may-ari ng apartment na'to....

"Keisha!!!"halos mapatalon ako dahil sa gulat ng may sumigaw sa labas ng aking apartment,agad Naman akong nagbihis at lumabas.

"Magandang umaga po"nakangiting sabi ko sa sumigaw kanina,sya ang may-ari ng apartment na'to.

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kapag hindi kapa nakabayad ng upa mo sa apartment na'to hanggang mamayang hapon ay wala na akong magagawa kundi ang paalisin ka"masungit na saad sa akin ni Aling Delia.

"Si-sige Po ma-maghahanap na nga po a-ako ng tra-trabaho nga-ngayon"nauutal na sabi ko at yumuko na Lang ako dahil nahihiya na ako kay Aling Delia,pangalawang buwan ko ng hindi nakakabayad ng renta ehh...

"Siguraduhin mo dahil kun'di alam mo na ang mangyayari,sige aalis na ako "Sabi nya at tuluyan ng umalis

Napabuntong hininga na lang ako  ng nakalayo na siya,paano na ako nito?kapag hindi ako nakahanap ng trabaho wala na akong matitirhan.Haysst!!ayokong matulog sa kalsada

Nang makalabas ako ng apartment ay ni lock ko ang pinto at naglakad na paalis

Habang naglalakad ay napalingon ako sa isang malaking puting bahay Ang ganda ng bahay.

"Ija may problema ba?"napalingon ako sa aking kanan ng madinig ko ang boses ng isang babae,Ang ganda nya at perpektong-perpekto ang katawan,sa tingin ko ay na sa eded 30's palang siya

"Ija may kaylangan kaba?"tanong nya sa akin

"Ahh wala po,sige po Ali's na po ako kaylangan ko pa po maghanap ng trabaho"Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako ng bigla syang nagsalita muli

"Trabaho ba ang hanap mo?marunong kaba maglinis ng bahay,magluto,o kahit ano pang gawaing bahay?"tanong nya na ikinagulat ko

"Opo Naman po independent po ako kaya kailangan marunong po ako sa bahay,bakit nyo natanong?"nakangiti kong sabi

"Naghahanap kasi kami ng kasambahay"Sabi nya sakin at ngumiti

"Ahh ganon po ba?bakit nyo nga po pala sinasabi sakin yan?"nakangiting tanong ko sa kanya

"Kasi Ang sabi mo naghahanap ka ng trabaho"Ani ng ginang na kanina ko pa kausap

"Po?!pero part time job Lang po Ang hanap ko na trabaho, kasi po mag-aaral pa po ako"Sabi ko

"Pwede mo naman pagsabayin,papayagan naman kita mag-aral basta dito ka na nga lang titira"Hala ano daw?

"Po"

"Ang sabi ko papayagan kita mag-aral basta tuwing wala kang pasok o uwian mona dito kana uuwi at mgatatrabaho kana parang part time job lang ang kaso dito kana titira"Sabi nya

"Sige na please pumayag kana kaylangan kasi namin ng kasambahay ehh lagi na lang kasi umaalis ang mga kasambahay namin at di ko alam kung bakit"malungkot na sabi nya at lumapit sakin

"Si-sige po"pumayag na lang ako dahil kaylangan ko din naman ng trabaho at ngayon matitirhan pako

"Salamat ha ija,halika pasok ka muna para makapag-usap pa tayo ng maayos"Sabi nya at naglakad na,sumunod na Lang ako sa kanya

"Wow"nasabi ko nalang ng nakapasok na kami sa kanyang bahay

"Oh...ija masyado ka namang namamangha sa aking bahay ehh napagkasimple lang naman ng bahay ko"Aniya

  Sino ba ang hindi mamamangha sa kanyang bahay kung titignan mo sa labas ay simple lang pero pagnakapasok kana ay para kang nasa isang palasyo

"Ganito ang usapan,dito kana titira,dito kana din kumain,pero kaylangan mo magluto at malinis" sabi nya

"Sige po payag po ako"no choice guys nangangaulangan ako ehh

"Buwan-buwan ay sasahod ka ng 5thousand"wow savior kita madam

"Salamat po di na po ako mahihirapan sa pag-aaral ko dahil scholar din po ako"sabi ko

"By the way ako nga pala si Camille Joyce Legaspi"sabi nya at nilahad ang kamay

"Keisha Jane Santos po"sabi ko at tinanggap ang kamay ni Madam

"Ahh madam kaylan po ang simula ko?"tanong ko kay madam

"Ahmm pwede bang ngayon na?"sabi ni madam

Just Vote and Comment if nagustuhan nyo po😘

Never or ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon