Chapter 6:His Goodside

93 49 4
                                    

Kenneth's Pov

Anong nangyayari sa kanya takot ba sya sa dugo? Kenneth anong ginawa mo?Wait bakit ko ba kinokonsensya ang sarili ko?kasalanan nya naman talaga ehh....

"Boss,Sorry" yan lang ang sinabi nya pero ang lakas pa din ng impact sakin,Sa lalim ng iniisip ko ay nabalik na lang ako sa ulirat ng maramdaman kona ang katawan nya sa mga braso ko,Bakit ko ito ginagawa?nang tignan ko sya ay nakatingin din pala sya sakin pero ang tingin nya ay parang may mali,ano ba talagang problema?nabigla na lang ako ng ipinikit na nya ang kanyang mata,Sh!t nahimatay sya may sakit ba sya?haysst ewan

"Sir Kenneth?" Sabi ni Sammy pero nawala ang atensyon nya sakin ng makita nya si keisha na nakakanlong na ang ulo sa aking mga hita

"Sir ano pong nangyari?" Tanong nya nang nakalapit na sya samin ni Keisha

"Ewan,Basta kanina nang natapos nya kong hampasin... "Di ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit agad si sammy..

"Sir hinampas ka nya?" Natatawang tanong sa akin ni sammy

"Oo,dahil napagkamalan nya kong magnanakaw,tapos ng ipakita ko na sa kanya yung dugo ko sa balikat ay parang kinabahan sya at natakot" mahabang lintanya ko

"Baka Sir takot sya sa dugo" sabi nya at tumango lang ako

"Pwedeng pakialalayan mo yung ulo nya? dahil tatayo ako"sabi  ko kay sammy

"Ahh sige po"sabi nya at ipinatong na nga ang ulo ni keisha sa kanyang mga hita

Nang nakatayo na ako ng maayos ay bumuntong hininga ako at binuhat si Keisha na parang bagong kasal.....wait what  did i said bagong kasal.....yuckkk bakit yun pumasok sa isip ko?

Sammy's Pov

Alam ko kilala nyo na ko kaya di na ko magpapakilala,pero may sasabihin ako,di ko talaga sukat akalain na may ganitong side pala si Sir first time ko kasi nakita na tinulungan nya ang mahirap na tulad namin,ang nasa isip ko nga nung nakatayo na si Sir iiwan na nya kami ni keisha na ganito ehh,kaya talagang nabigla ako nung binuhat nya si keisha at dinala sa kwarto namin

"Salamat po sir,Ahm..sir gamutin ko na po yung sugat nyo" sabi ko at tiningnan ang balikat ni sir ang dami ng dugo ng white shirt nya

"Sige" pagkasabi ni sir nun ay kinuha ko na ang medicine kit

"Sir tanong lang po gaano po kalakas si keisha?kasi po walis lang naman ang gamit  nya sir pero ang laki po ng sugat nyo" nag aalangang tanong ko kay sir

"Matagal ko ng sugat yan natamaan lang ulit nya kaya bumuka yung sugat" sagot naman ni sir ahh kala ko dahil kay keisha

"Tapos na po" sabi ko kay sir at inayos na ang gamit

"Salamat" sabi ni sir at umalis na

Ano kayang problema ng babae na'to?haysst bahala na nga makatulog na lang

Kinabukasan....
Keisha's Pov

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko,4 a.m. ko inalarm kaylangan ko kasing gumising ng maaga dahil aayusin ko pa yung mga gamit na kakaylanganin ni boss Javier,pero wait ano nga palang nangyari kagabi?Ang naaalala ko lang ay nung pinaghahampas ko si boss tapos may pinapagamot sya sakin tapos inutusan nya ko na tignan ang balikat nya ng nakita ko na yung dugo at nahawakan ko yon nanghina na ko at tuluyan ng nawalan ng malay,pero pano ko napunta dito? Sya kaya yung nagbuhat sakin?kung sya nga kaylangan ko syang pasalamatan.
Agad akong bumangon at nakita ko pa si sammy na mahimbing na natutulog maaga pa kaya hinayaan ko muna sya matulog

Pumunta ako sa banyo at ginawa ang ritwal ko de biro lang naligo ako sa banyo at aysst basta naglinis ako ng katawan napansin ko wala na yung dugo sa kamay ko

After 1year joke lang after 30 minutes natapos din akong maligo nagbihis na din ako kaya lumabas na ko ng banyo,grabe tulog pa din si sammy,hinayaan ko na lang sya alam naman siguro nya kung anong oras dapat syang gumising kaya imbes na guluhin ang pagtulog nya ay lumabas na ko

Pagpunta ko sa Sala ay nakita ko si Boss Javier aga nya ahh

"Good morning po boss" bati ko sa kanya tinignan nya lang ako at tinuloy na nya ang ginagawa nya

"Ahmm boss sorry po ulit sa nangyari kagabi ahh,saka salamat na din po sa pagdala sakin sa kwarto namin" sabi ko at tumalikod na,papunta na sana ako ng kusina ng maalala ko na di ko pala alam ang gustong kainin ni boss

"Boss ano nga po pala ang gusto nyong kainin" tanong ko kay boss

"Bacon"sagot nya sakin ng di man lang nya ko nililingon,agad naman akong pumunta ng kusina at nagluto na.

Itutuloy..........

Just Vote and Comment if nagustuhan nyo😘

Never or ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon