Chapter 34:Jane

35 8 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pagkayari ng walang humpay na kiligan este tawanan ay napagpasyahan nadin ni keisha at kenneth na umuwi sa legaspi mansion

"No....Hindi pwedeng magtanan ang dalawang yon ano ba??pero pwede din naman bagay naman sila pero my god ang babata pa nila" bungad sa kanila ng pumasok sila sa mansyon mukhang busy ang lahat kaya hindi nila napansin ang pagpasok ng dalawa

"Tita were really sorry hinanap na namin sila kung saan-saan pero wala po talaga" kunot ang noo nilang dalawa ng magkatinginan sila kaya agad din silang nag-iwas ng tingin

"Sinong nawawala?" Sabay na tanong nila

"Ohmygod ija kinabahan ako akala ko nagtanan na kayo,saan ba kayo galing huh? Pinag-alala nyo kami at kayong lima sabi nyo nagtanan ehh bakit sila bumalik?Kayong dalawa bakit kayo bumalik dapat tinuloy nyo na ang pagtatanan nyo ay hindi pala mga bata pa kayo" hindi sila nakaimik dahil sa malakas at sunod-sunod na salita ni Madam Camille

Anong tanan?kami magtatanan? Parehas na tanong nila sakanilang isip

"Ohmy nakauwi kana Keisha anong oras na nag-alala si ate sayo" mabilis na nagtatakbo palapit sa kanila si Ate Sammy

Kaya ko bang iwan sila ang mga taong tinuring ko ng ikalawang pamilya?

"Ahm tutal nandito na din lang kayong lahat gusto ko sanang sabihin na--" naputol ang sasabihin ni kenneth ng bigla na lang sumigaw si James

"Magpapakasal na kayo?" Tanong nito

"Hindi ba 17 ka palang keisha? hindi pa legal ang age mo" segunda ni Kurt

"Kenneth bakit naman may laman na ba?" Wari'y nag-aalalang tanong ni Tyrone

"Basta ba Ninong ako ehh okay lang" nakangising sabi ni Zach

"Panagutan mo yan kundi ibabaon kita sa lupa"seryosong sabi ni David

Sinamaaan ni Kenneth ng tingin ang mga kaibigan

"Ano bang sinasabi nyo?Ang gusto ko lang sabihin ay mag dadagat tayo bukas at request yun sakin ng prinsesa ko kaya ano bang kabaliwan ang pinagsasasabi nyo?" Sa halip na sagutin ng mga kaibigan nya ang tanong nya ay naghiyawan ito at nagpalakpakan na para bang mga nasisiraan

"Tita Marie,Tita Klara,Ate Sammy ang all of the Maids kasama kayo okay kaya dapat iready nyo na ang mga gamit nyo" agad na nagpalakpakan ang mga maid dahil sa saya pero napahinto din ng madinig nila ang seryosong tinig ni Madam Camille

"At sino ang prinsesa mo?" Nilingon nila ito at abot-abot ang kaba nila dahil sa napaka seryos nitong mukha

"Mom?Si Jane po" isang malakas na lagapak ng libro ang narinig nila ibinato kasi ni madam ang libro na nasa table malapit sa kanya

"Sino yang Jane na yan?Bakit hindi ko sya kilala?" Matiim na tinitigan siya ng kanyang ina

"Madam I'm sorry hindi ko naman po sinasadya boss okay lang kahit hindi mo na tupadin ang pangako mo okay lang kahit wag na matuloy yung outing M-madam hindi na po ako magrerequest ng ganun I'm sorry" nahihiya at kinakabahang paghingi ng tawad ni keisha sa kayang madam

"Jane don't do that!!" Pagpigil ni kenneth sa akmang pagluhod ni keisha

"No this is my fault madam hindi kopo sinasadya masyado po akong naghangad ng sobra madam I'm sorry naging mapagmalaki ako at sinamantala ang kahinaan ni Boss sorry po" nanlaki ang mata nya sa sunod na ginawa ng ina niya sa dalagang gusto nya

"Ikaw si Jane?" Tanong ng ina nito habang yakap ang dalaga

"She's my Jane mom and I'm sorry kasi biglaan ang announcement ko ng outing natin"hinging pasensya ni kenneth sa ina

"Shh ija don't cry I'm sorry for what I did nagulat lang ako akala ko kasi hindi magiging matagumpay ang pag memate ko sa inyo akala ko may babae kanang gusto Kenneth anak" hanggang ngayon tutok pa din sila kay madam

"Tuloy ang outing" masayang anunsyo ni madam na bumalik na sa dating sigla

At doon nga natapos ang pag-uusap nila na pare-parehong may ngiti sa mga labi

❤️Kinabukasan❤️

Maagang gumising si Keisha dahil balak nyang ipagluto ng specialty niyang ulam ang mga mahal nya kaylangan maging masaya ang araw na ito dahil hindi ito para saakin para ito sa kanila sa mga taong minahal ako at pinakitaan ng pagpapahalaga

Bigla na lamang napaigtad si Keisha ng bigla may yumakap sa kanya, handa na sana nya itong saktan ng nanuot sa ilong nya ang manly scent na pabango nito

"Good morning Jane" lihim syang napangiti dahil napagkaagaga ay ang sweet na nito

"Good Morning Boss Javier" nilingon nya ang binata at muntik na syang matawa dahil ang haba ng nguso nito at para bang bata na naagawan ng lollipop

"I prefer Javier only Jane" maawtoridad nitong sabi tumango sya at pinisil ang pisngi ng binata

"Okay Javier" Kenneth just smile and kiss her cheek she know that the kiss on her cheek was simple but the tingling effect on her body doesn't escape,her heart beat beating so damn fast

HABANG nagluluto si Keisha ay panay lang ang tingin sa kanya ni Kenneth napapangiti na nga lang ang binata tuwing nahuhuli siya ng dalaga na nakatitig dito,pinandidilatan pa sya nito ng mata pero sa halip na umiwas ay kikindatan pa nya ito

"J-Javier" naiilang na tawag sa kanya ng dalaga

"Why my jane?"  Sagot ng binata na may naglalarong ngisi sa labi

"Naiilang ako sa titig mo" walang lingon-lingon nitong sabi pero sa halip na mainis ay mas lumawak pa ang pagkakangisi ng binata

Titig pa lang kinikilig na pa'no pa kaya kapag dumamoves na?haha

*Dingg....Dongg....Dingg....Dong....* Tunobg ng doorbell mula sa labas ng pinto

"I think they're here"dahil sa sinabi ng binata ay dali-daling lumabas ng mansion si Keisha

Never or ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon