Chapter 20

6.7K 272 96
                                    

Lauren's POV:

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench, inaantay ko kasi ang pagdating ni Denise. Ibibigay ko na kasi sa kanya ang perang kailangan nya.

Habang inaantay ko sya naalala ko yung nangyari sa amin ni Ariane... well not exactly na may nangyari sa amin, I mean yung kiss... that passionate kiss we shared.

Sa tanang buhay ko never kong inisip o iimagine na kaya kong humalik sa kapwa ko babae, noon iisipin ko palang parang nandidiri nako. But I didn't know that it would be so tempting, her lips was so soft and sweet. And kung di lang tumawag si Liane ng mga oras na yun, di ko alam kung saan humantong ang hot make out session namin ni Ariane. Gosh! Kapag kami ni Denise ang gumagawa nun hindi ako pumapayag na hawakan nya ang mga pribadong katawan ko pero kay Ariane, bat parang di ko man lang sya pinigilan. Sa halip mas ginusto ko pa.

Fudge! Bat ko ba inaalala yun?! Diba dapat sa mga oras na to ay makaramdam ako ng kosensya kasi maliban sa boyfriend ko ay may hinalikan pa akong iba? Dalang dala lang siguro ako ng sitwasyon at init ng katawan.

Maya-maya pa ay dumating rin ang inaantay ko.

"Hi Hon..." bati nito sa akin saka humalik sa pisnge. "I've missed you so much." Dugtong nya pa.

Labis-labis ang konsensyang nararamdaman ko ngayon, ng sumagi uli sa isip ko yung nangyari.

Gosh! Stop it!

"I-I miss you too Hon." Ganti ko sa kanya, but why does it feel so wrong? Kasi parang di ko man lang sya na miss. Nagtatampo ako, Oo. Pero yung tipong na miss ko sya? Parang hindi?

Niyakap nya ako ng mahigpit. "Sorry Hon huh? Masyado lang kasi akong abala sa pag aaral tsaka sa part time job ko." Sabi pa nito.

"Ayos lang Hon, naiintindihan ko naman ehh. Sya nga pala ito ohh," sabay abot ko sa kanya sobre na nag lalaman ng pera.

Agad nya naman itong binilang.

"20,000?" tanong nito matapos bilangin ang pera.

"Oo..." proud ko pang sagot.

"Pero kulang pa to Hon..." reklamo nito. Agad akong napatingin sa kanya at di makapaniwala sa sinabi nya.

"Wow! Hon alangan naman ibigay ko sayo lahat ng pera ko diba, kunti nalang naman ang kulang nyan diba kaya ikaw na bahala." Naiinis na sagot ko.

"Pero Hon—" naputol ang anumang sasabihin nito ng biglang sumulpot si Ariane.

"Dude, mahiya ka naman. Ikaw na nga binibigyan ng pera ikaw pa tong may ganang mag reklamo." sambit nito. Nagulat kami pareho ni Denise dahil sa sinabi nito, makikita mo talagang napahiya ito dahil sa sinabi ni Ariane sa kanya. Bakas ito sa mukha nya pero agad ring napalitan ng galit.

"Ariane—" di man lang ako hinayaang mag salita ng babaeng to, bigla biglang sumisingit eh.

"Look Lauren, ayoko sanang mangialam sa usapan nyong dalawa but since you my friend, ayokong magmukha kang tanga..." seryosong sabi nito.

"Huh?! What do you mean?!" tanong ko sa kanya, naguguluhan kasi ako sa mga pinag sasabi nito.

"I saw your boyfriend and my cousin Jasper the other day and I think there talking about there not so important bet..." patuloy nito.

So mag pinsan sila ni Jasper?! At alam nya ang tungkol sa pustahan na di masabi-sabi sa akin ni Denise.

"Alam mo ang tungkol dun?!" tanong ko sa kanya. Kita naman sa mukha ni Denise na bigla itong namutla.

"Yes! I asked my cousin about that... nakita ko kasi silang dalawa na mag kasama sa isang coffee shop." sagot nito.

Obvious (GXG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon