Chapter 24

4.2K 154 24
                                    

Lauren's POV:

Ginabi ako ng uwi dahil may tinatapos akong homework sa library. Tinanggihan ko ang paanyaya sakin ni Kris, dahil mas importante pa rin sakin ang pag aaral lalo na sa major subject ko.

Around 11pm in the evening ng may tumawag sa phone ko. Hindi ito nakaregister sa phonebook ko, pero baka importante kaya sinagot ko na rin.

"Hello?" sabi ko nung i accept ko ang call.

"Lauren?" tanong ng nasa kabilang linya. Familiar ang boses nito.

"Yes, speaking." sagot ko..

"Lauren... si Blue ito, favor naman ohh pwede mo ba kaming puntahan dito sa bar? Ayaw kasi paawat nitong si Ariane ee... panay ang inom."

"Saang bar ba yan? Para mapuntahan namin kayo agad." tanong ko

"Nakuu Lauren wag na wag mong ipaparating kay Liane to. Magagalit yun, madamay pa ko. Kung pwede tayong dalawa lang nakakaalam." sabi pa nito.

"Oyy Ariane, tama na! wag ka nang umorder!" narinig ko sa kabilang linya. "Lauren itetext ko nalang sayo ang exact location at pangalan ng bar, bye." sabi nito at agad ring ibinaba.

Kailangan kong mag paalam kay Liane na aalis ako, baka kasi magalit nanaman yun pag di ako nag paalam. After kong mag bihis ay agad akong pumunta sa kwarto ni Liane.

Naabutan ko pa itong nag babasa ng libro at nakasandal sa headbord ng kama nya. Mukhang napansin nya ata akong nakatayo sa may pinto ng kwarto nya, kaya ibinaba nito ang binabasang libro.

"S-Sorry sa disturbo Liane, pero pwede ba kong mag paalam?" kinakabahang sabi ko, ayoko kasi sanang mag sinungaling lalo na't involved dito ang kapatid nya.

"Paalam para saan? May lakad ka ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Pinapapunta kasi ako ng kaibigan ko sa bar, p-puntahan ko sana. Mukhang kailangan nya kasi ako." sabi ko.

"Ahh ganun ba, sige. Ihahatid na kita." sagot naman nito.

"Naku wag na. Okay lang ako, mag tataxi nalang ako papunta dun. Broken hearted ata panay iyak sa kabilang linya ee..." dagdag ko pa.

Please pumayag kana.

"Okay... sige." sabi nito tsaka tumayo at lumapit sakin.

Iniayos pa nito ang iilang hibla ng buhok ko. Nagulat pa ko sa sunod nyang ginawa ginawaran nya ako ng halik sa pisnge.

"Mag iingat ka ha? Tawagan mo ko if you need anything."

"S-Sige. T-Thank you." nag kanda utal utal na sagot ko.

Di ko kasi talaga inexpect ang pag halik nya sa pisnge ko.

Nag paalam na ko dito at agad na umalis. Sumakay ako ng taxi para mas mabilis akong makarating dun.

Pag baba ko ng taxi tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang dami ng tao na nag kakasiyahan doon. Di pa man din ako sanay sa ganitong klase ng lugar.

Nahihiya man ay nag madali na kong pumasok sa loob, at habang nag lalakad papasok. Idinial ko ang number ni Blue, para sabihing nandito na ko. Di pa man nag riring ay agad ko na tong inend, ng mahagip ng mata ko si Ariane na sumasayaw sa dancefloor habang dinidikitan ng isang lalaki. Kitang kita ko kung paano nito hipuan si Ariane, at mukhang wala na sa tamang wisyo si Ariane dahil pinababayaan nya nalang ito.

Obvious (GXG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon