Chapter 23

5.7K 216 43
                                    

Ariane's POV:


Excited akong pumasok ngayong araw at alam ko na ang dahilan nito ay si Lauren.

Di ko man sya pinansin kahapon after namin syang ihatid, di ko ipag kakailang. Kinilig ako sa paraan ng pag halik nya sa forehead ko. Di ko lang alam kung napansin nya bang nag blush ako after nyang gawin yun.

Nag lakad ako papunta ng canteen para bumili ng coffee, ng mapansin ko ang isang babae na abalang nag babasa ng kanyang notebook sa isang bench malapit sa canteen. Pinag mamasdan ko lamang sya mula sa malayo, pero napapangiti na ko. Ang cute nya kasing tignan, kahit na nag babasa panay parin ang hikab nya marahil ay antok na antok rin sya. Mas lalo lang lumilitaw ang ganda nya lalo pa't tinatamaan ito ng liwanag na nang gagaling sa araw.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng canteen at ng order ng dalawang french vanilla coffee... ibibigay ko kay Lauren ang isa, I think she really needs it to wake her up. After kong makabili ng coffee lumabas na ko sa canteen upang mag tungo sa kinaroroonan nya.

Habang nag lalakad ako papalapit sa kanya pansin ko ng nakayuko ito, ng malapitan ko na ito ng husto saka ko lang napag tanto na nakapikit pala sya.

Aww.. she fell asleep. So cute.

Inilapag ko ng buong ingat ang dala dala kong coffee at dahan dahan akong umupo sa tabi nya. Pinag masdan ko lamang sya habang mahimbing na natutulog. Bahagya pang napakunot ang noo nito dahil siguro sa liwanag na nang gagaling sa araw, marahil ay nasisilaw ito.

I use my right hand to cover her face towards the sunlight, para di sya masyadong masilaw. Yun nga lang medyo nakakangalay katagalan kaya dahan dahan kong itinukod ang braso ko sa kaliwang balikat nya pero di ganun ka bigat para di sya magising. Nanatili ako sa ganung posisyon ng ilang minuto pay napansin kong bahagya itong napamulat kaya umiwas na ko ng tingin. Nagulat nalang ako ng bigla nyang kinuha ang kamay ko mula sa ere at ipinatong ito sa kanang kamay nya na ginawa nyang unan kanina. Tsaka nya inihilig ang kanyang ulo sa kamay ko, tinignan nya muna ako at ngumiti saka ito pumikit uli.

Yung tibok ng puso ko di ko nanaman maipaliwanag, si Lauren lang talaga ang may kakayahang magparamdam sakin ng ganito. Minsan nakakagigil na tong babaeng to eh, ang sarap sabihin sa kanyang mahal ko sya. Nakakainis!

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, habang ako ay napapakagat sa lower lip ko dahil sa kakaibang emosyong ipinaparamdam sakin ng babaeng katabi ko.

Sh**! Kinikilig ako sa ginagawa nya... Yung puso ko sasabog na!

"Ohh wow! Ang sweet nyo namang dalawa."

Napatingin ako sa taong nag salita.

Shocks! Si Denise, na ngayon ay nakatayo sa harap namin.

Agad kong nabawi ang kamay ko mula sa kamay ni Lauren, kaya ito nagising.

Nakapikit pa ang isang mata ni Lauren ng umayos ito mula sa pag kakaupo. At nag palipat lipat ng tingin samin ni Denise. Nakakalokong ngiti naman ang ipinupukol sakin ni Denise.

"Good morning Hon!" nakangiting bati ni Denise kay Lauren.

Tinignan ko ang reaksyon ni Lauren, di ko ito makitaan ng emosyon. Blank expression ang ibinibigay nito kay Dennise.

"Wala ng Good sa morning simula ng makita kita." mapaklang sagot ni Lauren at nag umpisa ng mag ligpit ng gamit at ipinasok sa kanyang bag.

"Ang ganda naman ng pambati mo sakin Hon." nakangisi paring sagot ni Denise.

Obvious (GXG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon