Extra Chapter

5.4K 158 23
                                    

Ariane's POV:

Nasa sala ako ngayon nanonood ng TV, pero ang totoo nag lalakbay ang isip ko. Namimiss ko kasi si Lauren at Aria, iniisip ko kung ano ang ginagawa nila ngayon. Namimiss rin kaya nila ako.

"Maam Ariane, may bisita po kayo." bigla ay sulpot ng isa naming kasambahay.

"Sino raw?" tanong ko dito.

"Red daw po ang pangalan." sagot nito.

"Sige lang, papasukin nyo lang." utos ko dito.

"Hi..." bati nito ng makapasok.

"Hi... upo ka." sagot ko dito.

Umupo ito sa tabi ko pero di na gaya ng dati na malapit kami sa isa't isa.

"Sorry nga pala kung iniwan kita sa mall last week." nahihiya nitong saad.

"Ayos lang, naiintindihan naman kita. Sorry rin kung late kong na realize yung alam mo na." ang tinutukoy ko ay ang totoo ko talagang nararamdaman.

"Adik ka! Okay na sakin ang lahat, kaya no need to worry na masaktan mo ko." nakangiti nitong tugon. "Sya nga pala, pumunta ako dito last week and then sabi nila tita pinuntahan mo raw si Lauren. So how was it? Did you win her back?" dugtong nito.

"Haaaay. Mukha ngang ayaw nya na ehh, ayaw nya na raw uli masaktan." sagot ko dito.

"So are giving up? Just like that?"

"Ano pa nga bang magagawa ko, hindi ko naman sya pwedeng pilitin kung ayaw nya na talaga." malungkot kong tugon.

"I didn't know na nag mahal ako ng isang duwag."

"Hey! Watch your mouth." sita ko dito.

"Why? Totoo naman ahh... Ilang araw ka palang namamalagi dun sinukuan mo na agad. She never gave up on loving you for almost 3years, kahit pa sabihing wala syang assurance kung babalik ka pa and then ikaw? In just how many days sumuko kana. Hindi ka pala karapat dapat ipag laban ee..."

Para akong sinampal dahil sa sinabi nito.

"Sorry sa mga nasabi ko, but trust me it will help you para magising ka." pahabol pa nito.

"Anong gagawin ko?" helpless na tanong ko.

"Ligawan mo sya. Start from the scratch." tugon nito.

"Pero di ako marunong manligaw." reklamo ko dito.

"Bago naging tayo, I'm your bestfriend. That's why I'm here." nakangiti nitong sagot.

Napayakap ako dito dahil sa tuwa.

"So willing ka talagang tulungan ako?" di makapaniwalang tanong ko.

"What else."

"Geez! Thank you so much Red!" saad ko dito.

"Marunong ka bang kumanta?"" bigla ay tanong nito sakin.

"Hmmm... medyo." sagot ko. Pero bigla akong napaisip. "Wait! Don't tell me manghaharana ako?"

"Ahuh! That will be sweet."

"Hah! I can't believe na ang korni mo pala." pang aasar ko dito.

"You can say that it's corny, but I'm definitely sure effective to." paniniguro nito. "And I'm doing you a favor kasi ako ang magiging guitarist mo." dugtong nito and then wink at me.

"May naisip akong mas maganda dyan Red, pero syempre I still need your help." saad ko dito. "Sasamahan mo ba ko?"

"Sure! Mas okay nga na ikaw mismo ang mag isip ng pwede mong i surprise sa kanya. Susuportahan kita." sagot nito.

Lauren's POV:

Maaga akong nagising para mag prepare ng breakfast. Habang nag luluto di ko sinasadyang masagi ang baso dahilan para mahulog ito, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Sana naman ay walang mangyayaring masama.

"Wala yan! Nag kataon lang." yun ang itinatak ko sa isip ko.

Habang kumakain kami nina Mama at Aria, ewan ko pero biglang sumagi sa utak ko si Ariane.

Kumusta na kaya ang babaeng yun? tanong ko sa sarili.

Naagaw ng atensyon namin ang tumutunog na phone ko. Indikasyon na may tumatawag, pero dahil sa kumakain pa kami hinayaan ko nalang muna.

Tumigil na ito sa kakaingay, pero maya maya pa ay muli itong tumunog.

"Sagutin mo anak, baka kasi importante." saad ni Mama.

Tinignan ko ito, di naka register ang number sa phone ko. Pero ganun pa man ay sinagot ko na rin.

"Hello?" sagot ko.

"May I speak to Lauren?" saad ng babae sa kabilang linya.

"Speaking po... sino po sila?"

"L-Lauren..." saad nito pero yung boses ng babae sa kabilang linya parang umiiyak. "Si... Si Ariane..." dugtong nito.

Biglang nabalot ng takot ang puso ko ng marinig ang pangalan nito.

"Bakit po? Anong nangyari sa kanya?" kinakabahang tanong ko.

"Papunta sana sya dyan kasama ang kaibigan nyang si Red... p-pero biglang sumalpok ang sinasakyan nila sa poste." humahagulgol na kwento ng nasa kabilang linya.

Napaupo ako mula sa aking pag kakatayo para kasing bigla akong nanghina dahil sa narinig ko.

"T-Totoo po ba yan?" tanong ko dito. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala.

"Oo L-Lauren... pumunta ka dito sa bahay please..." saad nito na patuloy na umiiyak.

"S-Sige po pupunta po ako, ngayon din." sagot ko.

"Anak anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Mama.

"S-Si Ariane po, naaksidente raw..." naiiyak na sagot ko.

Maging ito ay naiyak rin dahil sa narinig.

Ariane... please, wag mo ko iiwan.

Nag madali na kaming mag handa ng mga dadalhin. Pinakiusapan rin namin si James na sya nalang ang mag maneho para samin dahil di pa rin ako marunong mag maneho.

Buti nalang dahil pumayag ito agad.

Nag simula na kaming bumyahe para di kami abutan ng gabi.

Habang nasa byahe di ako mapakali, parang gusto kong paliparin ang sasakyan papunta sa kinaroroonan ni Ariane.

"Anak wag ka masyadong mag isip ng negative, magiging okay rin ang lahat." payo nito.

Pinunasan ko ang aking mga luha, tama si Mama dapat hindi ako mag isip ng masama.

Obvious (GXG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon