Chapter 2

5.5K 140 0
                                    

Katherine's POV

First day of school ngayon, ginising ako ni mama kasi baka daw malate ako, after kong mag almusal ay agad na akong sumakay sa kotse at hinatid na ako ng driver ko, yes you heard it right may sarili akong driver, ikaw ba naman kasi ang anak ng pinaka mayamang tao sa Pilipinas tignan na lang natin kung hindi ka protektahan ng pamilya mo

"Kuya wag mo ng ipasok ang sasakyan sa loob" sabi ko may Mang Nestor na aking driver

"Ma'am sigurado ho ba kayo?" Nag aalangan namang tanong nito

"Yes Mang Nestor siguradong sigurado" sabay ngiti ng malaki

Naglakad na ako papasok ng school at syempre hindi natin maiiwasan ang mapang husga na mga mata ng tao, yes I am the daughter of the most powerful man in the business world but I keep myself low profile or low key, in this school I'm their nerd they didn't know my real identity dahil ayokong mahalin ako ng tao at kaibiganin nila ako dahil lang sa pera at dahil narin sa pagpapanggap kong ito nakita ko kung sino talaga ang totoo sa peke

Btw guys I am Katherine Jane R. Dela Cruz, anak nila Minandro at Kathlyn Dela Cruz ang pinaka mayamang tao ngayon sa buong Pilipinas, I have a sister but she's studying in US her name is Amy Dela Cruz, don't be fooled by her angelic name cause she is not that so angelic hehehehe

Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko ang aking pinaka naging kaibigan dito sa school si Lenard

"Uy Kath!" sigaw niya habang kumakaway

"Hoy Lenard hinaan mo nga yang boses mo nakakahiya ka" sabi ko sakanya ng makalapit na ako

"Hehehe sorry naman, namiss lang talaga kita" sabay akbay niya sakin, sanay na ako dito kay Lenard dahil halos kapatid na ang tingin ko sakanya

"Namiss? Eh parang hindi ka naman nagpupunta sa bahay nung bakasyon" sagot ko sakanya habang tumatawa

"Eh bakit ba walang basagan ng trip" sagot na kunwari naiinis

"Hahaha oo na oo na" sagot ko naman sakanya

Yes guys alam ni Lenard ang tunay na pagkatao ko and he is really a true friend dahil sinekreto niya yun, tumungin ako sa aking relo at malapit na mag ring ang bell, nagpaalam na kami ni Lenard sa isa't-isa, magkaiba kasi kami ng building eh

Pagpasok ko ng aking classroom wala pang gaanong tao kaya naupo ako sa usual seat ko sa unahan, maya maya pa ay nagbukas ulit ang pintuan at pumasok ang grupo ni Ms. Queen Bee nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin siya sakin

"Hmmm ano nanaman kayang binabalak nito" sa isip ko

"Nako mag iingat ka wala na akong tiwala diyan" paalala naman ni brain

Si Hannah she has been my bully since nag aral ako dito, hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng tao dito ako pa ang nagpabuntunan niya, hayyss kapit lang Kath malalagpasan mo rin ito

Pumasok na ang aming teacher na si Mrs. Galvez at natuwa naman ako na hindi na kami mag introduce yourself, pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi....

"Ms. Salcedo please come in" yan ang nag echo sa isip ko habang nagsasalita si Marie sa harap at natauhan lang ako ng binanggit niya ang pangalan ko sabay umupo sa tabi ko, nakatingin ngayon silang lahat sakin at yumuko na lang ako sa sobrang hiya, hindi sinabi ni mama sakin na dito siya mag aaral, si mama talaga ang hilig sa surprise, Marie is my best friend since I don't know when, she is my protector since then and until now

"Kath I miss you so much" sabi niya na medyo natutuwa pa

"I miss you too" trying to hide the happiness that build within me

After a little chitchat, nakinig na kami kay Ma'am Galvez pero habang nagdidiscuss si Ma'am I feel that someone is staring at me from the back at kahit hindi ko siya nakikita alam ko kung sino yun, pinilit ko na lang hindi pansinin ang taong iyon at nag focus na sa lesson

Let You Love Me (GxG)Where stories live. Discover now