Kath's POV
Hindi ko namalayan na ilang buwan na rin pala ang lumipas simula nung ipasa namin kay Sir ang research paper namin ni Hannah aaminin ko medyo nalungkot ako nung nag umpisa na kaming hindi gaanong magkita ni Hannah kasi gumaan na yung loob ko sa kanya at hindi na rin niya ako binubully which is a good thing I guess
"Hoy!"
"Ay pusang naging kalabaw" gulat ko namang sambit sa taong kaharap ko ngayon
"Ehem kelan pa naging kalabaw ang pusa as far as I know mas matalino ka sakin pero anong nangyari?" natatawang bigkas naman ng bruhang si Gel
"Oo nga girl ang lalim naman kasi ng iniisip mo diyan" dagdag ni Marie
"Mga walang hiya kayo! Bat ko ba kayo naging kaibigan!" nanggagalaiting sabi ko sa kanila
At ayun tinawanan lang ako ng mga bruha
"Baka naman iniisip niya si queen of her life" singit ni Marie
"Huh? Sino naman?" takang tanong ni Gel
"Sino pa ba edi si Hannah" sabay tawa naman ni Marie
"Alam niyo kayong dalawa wala nanaman kayong mapagtripan no, diyan na nga kayo at may pupuntahan pa ako" sabay tayo ko naman sa bench kung saan kami nakaupo at sa di malamang kadahilanan sinundan ako ng dalawang bruha
"Hey saan ka pupunta? Pupuntahan mo ba siya?" nag aalalang tanong ni Marie sakin
At bigla bumalik sakin ang mga ala-ala ng gabing iyon, kung pano ko sinisi ang sarili ko, kung pano ko kinulong ang sarili sa kadaliman sa pag asang dahil doon makakalimutan ko siya
"Oo kasi hanggang ngayon I'm still not sure if she forgives me for what I've done" pagkatapos kong sabihin iyon ay nilunok ko yung sakit na ilang taon ko ng tinatakasan
"Hey, it's ok, you don't have to blame yourself for what happened, aksidente ang nangyari" paliwanag sakin ni Gel
"Aksidente na ako ang may gawa, aksidente na napigilan ko sana kung hindi ako nagmatigas" paliwanag ko sa kanila at ang mga luha ko ay rumagasa na parang ulan mula sa langit
"Ssshhhh tahan na let's go to her na alam ko miss na rin niya kami" pabirong sabi ni Marie, there is my best friend that didn't fail to lighten up the mood
Habang nasa sasakyan kami papunta sa kanya hindi ko pa rin maiwasan na malungkot at magalit sa sarili ko, sana mapatawad mo na ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa napapatawad ang sarili ko
"Kath, we're here na" pag gising sakin ni Gel, nakatulog pala ako siguro dahil sa kakaisip sa kanya
"Ok sige just wait for me outside" sabi ko kila Marie at agad naman silang bumaba ng kotse
Handa na nga ba akong makausap ka ulit after what happened? You still haunt me every night, I can't process what happened it feels like, it just happened yesterday, when I finish readying myself I saw Marie and Gel on the entrance and smiled at me, thank you Lord for giving me this two crazy people and include Lenard they take my pain away for a few hours