Chapter 6

3.5K 118 0
                                    

Kath's POV

Agad akong nagpalit ng damit pagkatapos ng nangyari at dahil sa sobrang inis padabog kong sinarado ang pintuan ng CR na muntik ng masira, after kong magpalit nakasalubong ko si Marie at Lenard

"Ano ng plano mo ngayon?" tanong sakin ni Lenard

"Masyado na nilang sinagad ang pasensya ko" malamig kong sagot

"This is going to be fun" excited na sagot ni Marie at medyo napatawa naman ako sa naging reaksyon niya, nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Lenard at papasok na ako sa klase, si Marie naman nagpaalam na may bibilhin lang daw

Pumasok ako sa classroom namin at wala pang tao so nagpunta ako sa usual spot ko nakinig ng music at natulog, well mababaw lang naman ang tulog ko kaya kapag bumubukas ang pintuan alam ko at aware ako at ayun nga may pumasok na dalawang ugok pero di na ako nag abalang magbigay ng atensyon kaya pumikit na lang ulit ako hanggang sa naramdaman kong may kung anong tatama sakin pero katulad kanina inantay ko lang na makalapit sakin kung ano man yun at napangisi ako ng mahawakan ko yun

"Sinong naghagis nito?" tanong ko sakanila, wala paring nagsasalita kaya binuksan ko ang mga mata ko, at nakita ko ang grupo ni Hannah na nakatulala sakin at yung dalawang ugok na ngayon ay kala mo nakakita ng multo sa sobrang takot

"Wala bang sasagot?" sunod na tanong ko hanggang sa nagturuan si ugok 1 at ugok 2, kaya naman binalik ko sakanila ang hinagis nilang kahoy at boom! Sapul silang dalawa hahaha

As if on cue pumasok ang bff ko

"Tabi nakaharang kayo sa pintuan" sigaw niya kila Hannah na hanggang ngayon di parin maipinta ang mga mukha, ang cute niya, teka teka ano? Hindi siya cute, pangit siya pangit!

"Oh anong nangyari bat ganyan ang itsura ng dalawang yan?" Agad na tanong nito na medyo natatawa

"Pabayaan mo na ang mga yan, so anong pagkain ang nabili mo diyan?"

"Oh favorite mo" sabay abot sakin ng cookies and cream flavor na chocolate, oh my😍 ang sarap

"Hanggang ngayon alam mo parin ang favorite ko" sabay ngiti sakanya

"Ako pa ba syempre naman" sabay tawa

Natigil narin kami sa kwentuhan kasi pumasok na ang prof namin at nag discuss, at syempre bilang mabuting estudyante, nakinig ako at nag take notes pa oh diba ang bait

"Tigilan mo ako sa mabait mong yan, alam kong demonyo ka talaga" singit ni brain

"Mabait ako, nagiging demonyo lang naman ako kapag ubos na pasensya ko" depensa ko naman

Malapit na kaming matapos sa discussion ng may narinig akong bulungan sa may bandang likuran

Huy Jen alam mo ba kung pano nagawa yun ni nerd?

Hindi eh, pero geez nakakatakot siya dun ah

Ikaw, Hannah alam mo ba na may ganung talent si nerd

Hindi rin actually katulad niyo nagulat rin ako na kaya niya yun

Hay nako mga tanga talaga hahaha simula ngayon ibang nerd na ang makikilala nila, hindi na yung nerd na lampa at walang laban, kaya Hannah Natalie M. Almonte humanda ka

Let You Love Me (GxG)Where stories live. Discover now