Chapter 3

4.5K 131 0
                                    

Kath's POV

Nandito kami ni Marie at Lenard ngayon sa cafeteria, they both knew each other dahil na-introduce ko naman sila sa isa't-isa noon nung bumisita si Marie at naabutan niya si Lenard sa bahay

"Hey Kath anong order mo?" tanong sakin ni Lenard

"Hindi pa kasi ako gutom" sagot ko naman sakanya kasi wala talaga akong gana

"Hindi pede yun, sige ioorder na lang kita ng usual mong kinakain "Ikaw Marie anong gusto mo?" tanong niya naman sa bff ko

"Sandwich lang yung akin medyo busog pa naman ako eh" sagot naman niya at tumango lang si Lenard sabay umalis na at pumila

"Hey Kath alam niya no?" tanong naman sakin ng kaibigan ko

"Yes, he found out that since nung nagkita kayo sa bahay nakita niya accidentally yung mga receipt kaya ayun napilitan ako na sabihin sakanya" paliwanag ko naman dito

"Kaya ayaw niyang hayaan na hindi ka kumakain at maalaga siya sayo" sagot naman niya sakin

Nakabalik na si Lenard dala ang mga pagkain namin, pinilit ko na lang kumain kasi sayang naman tsaka nag effort din siyang pumila para lang mabilhan ako ng food, tahimik kaming kumakain until....

"Uuuuyyy si nerd pala to" dinig kong sabi ni Russel at unti-unting lumapit sa pwesto namin

"Pwede ba Russel nanahimik kami dito" and that was Lenard

"Hindi ikaw ipinunta namin dito kaya wag kang makealam" sabat naman ni Aldrin "Si Marie ang gusto naming makausap" dagdag pa niya

"Hey Marie hindi ka bagay dito, why don't you join us, mas nababagay kang kasama ang popular na tao katulad namin kesa diyan sa mga losers na yan" maarteng sabi ni Jenny

"Uuummm for your information hindi sila losers, si Kath lang naman ang nag----kskxjshsgtakhskausu" tinakpan ko na ang bibig niya dahil baka kung ano pa ang masabi niya at pinandilatan ko siya

"Si Kath lang naman ang nag?" At si Ms. Queen bee na po ang nagtanong, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan at parang gustong kumala ng puso ko sa kinalalagyan nito

"Wala na kayo dun.. Basta tantanan niyo na si Kath dahil hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo" pagbabanta naman ni Marie

"Mukhang wala naman tayong mapapala dito, let's go guys" mataray na sabi ni Andrea

And with that umalis na sila at nakakain na kami ng payapa ulit... Malapit ng matapos ang lunch kaya napagdesisyunan namin na pumasok na kanya-kanya naming mga classroom ganun parin magkasama kami ni Marie and si Lenard nasa kabilang building, naka upo na kami ni Marie ng kausapin ako nito

"Uy bes sorry na ha?" Paghingi niya ng paumanhin

"Hay nako bes sa susunod kasi mag dahan-dahan ka naman" kunwari ay naiinis kong sabi

"Kaya sorry na eh" pagmamaktol niya, haayyy matitiis ko ba to

"Oo na bes sige na basta sa susunod wag mong gawing armalite yang bibig mo" pangaral ko sakanya

"Yes bes promise!" Sabay taas ng kanang kamay "Pero bes bat ayaw mong ipaalam sakanila tsaka bat hinahayaan mo na ganyanin ka lang nila eh haler ikaw kaya ang anak ng pinakamayang mag asawa sa buong Pilipinas" dagdag niyang tanong

"Eh kasi ayokong magustuhan ako ng tao dahil lang sa pera ko tsaka ayaw ko rin magkaron ng mga plastik na kaibigan no at least sa ganitong paraan alam ko kung sino ang mga totoo kong kaibigan" paliwanag ko naman sakanya

"Eto last na question" kunwari nag isip pa eh alam ko naman kung anong itatanong niya "Kailan mo balak ipaalam ang tunay mong pagkatao?" oh see? pano ba naman gustong gusto niya kasing nakakakita ng mga taong parang tanga na tulala lang dahil sa nalaman nila

Naalala ko tuloy nung elem. kami

*Flashback*

"Uy bes balita ko pupunta daw mga magulang mo dito sa school ah" ang bilis talaga kumalat ng balita

" Oo bes pupunta sila" sabi ko ng may halong ngiti sa aking labi

As if on cue dumating ang aking mga magulang, they were on the stage having a speech, hindi alam ng mga teachers at kaklase ko na anak nila ako at nang patapos na ang kanilang speech

"Please let me introduce to all of you my precious daughters, Amy and Katherine Dela Cruz" magiliw na sabi ni Papa at lahat ng teachers pati students na nambubully sakin ay nakanganga lang habang kami ng ate ko ay naglalakad paakyat ng stage at kitang kitang ko si Marie na pinipigilan humagalpak ang tawa dahil sa kaniyang nakita

*End of Flashback*

"Oh bes nakangiti ka nanaman naalala mo yung elem. days natin no?" And Marie is Marie kilalang kilala niya talaga ako, tumango na lang ako bilang tugon at tumunog na ang bell senyales na start na ang klase at nag focus na kami sa lesson

Let You Love Me (GxG)Where stories live. Discover now