Chapter 5

3.6K 116 0
                                    

Kath's POV

Andito kami sa cafeteria at hanggang ngayon hindi parin mawala yung kaba ko, medyo nag aalala na ako kasi kapag ganito ang nararamdaman ko meron talagang mangyayaring hindi maganda

"Uy bes tulala ka nanaman" pagpukaw ni Marie aa atensyon ko

"May problema ba?" dagdag naman ni Lenard

"Wala naman guys, kinakabahan lang talaga ako, kasi pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda" sagot ko naman sa kanila

"Diba sabi ko naman sayo, wag kana mag alala kasi akong bahala" panigurado ni Marie

"Oo nga andito rin ako" pag sang-ayon naman ni Lenard

"Salamat sa inyo" makahulugan kong sabi at nagsimula na akong kumain

Wala pa man ako sa kalahati ng pagkain ko ng biglang may bumato sakin at nang makita ko iyon, isang malaking crumpled paper at nakatape pa "kaya pala masakit" bulong ka sarili ko

"Who the hell did that?!" Galit na tanong ni Marie

"Ako, bakit?" sabi ng isang pamilyar na boses, kaya naman pala kanina pa ako nakakaramdam ng kaba, ito pala yun

"At bakit mo naman ginawa yun?" matapang na tanong ng bff ko

"Gusto ko eh, may magagawa ka ba?" nakangising sagot ni Hannah sakanya

"Aba talagang ginagalit mo akong hayop ka ah" sigaw ni Marie sakanya at as if on cue may bumuhos saking malamig na tubig, si jenny

"Bagay sayo yan nerd" sabay tawa pa nung ibang asungot na kasama nila

"Wala kayong karapatan na gawin to sakanya!" sigaw naman ni Lenard sakanila

"Bakit naman? Sino ba siya, eh isa lang naman siyang nerd!" sigaw ni Aldrin pabalik sakanya

"Tama na yan" awat ko sakanila, tumingin ako sakanila ng malamig "ano, ok na ba kayo? Masaya na kayo sa ginawa niyo? Kasi kung oo baka pede na akong umalis at magpalit ng damit" sabay walk out  at iniwan silang nakatanga

Hannah's POV

Maliban kay Lenard at Marie na seryoso lang na nakatingin samin lahat kami naka tulala dahil sa inasal ni nerd at aaminin ko natakot ako sa mga tingin niya kanina

"Hindi niyo alam kung anong ginawa niyo" napabalik kami sa ulirat ng sabihin iyon ni Marie

"Ano namang kayang gawin namin ng nerd na yun? Sirain ang buhay namin? Pano niya magagawa yun eh eh mukhang ni pambili nga ng damit wala siya" natatawang sagot ni andrea at agad naman kaming nagtaka ng sa sagot ni Marie

"Yes, she can ruin your life and worst she can ruin everything that you have" at pagkatapos nun lumabas na sila para sundan si nerd

Mas lalo tuloy akong naintriga kung sino ba talaga siya at kung ano ang buhay na meron siya, after ng lunch pumasok na kami sa aming kanya-kanyang klase kasi may magkakaiba kaming subject tuwing after lunch

Pagpasok namin nila andrea at Jenny naabutan ko so nerd na natutulog at naka earphones pa, iba narin ang damit nito at sakto naman nakita ko ang dalawang kaklase namin na may binato sakanya na isang kahoy na medyo malaki, wtf saan nila nakuha yun? Medyo malayo ang pagitan kasi nasa bandang dulo si nerd ng classroom at lahat kami ay 0_0 ganyan ang itsura sa sumunod na nangyari


------------------------------------

Hmmm??? Ano kayang nangyari?😂




Let You Love Me (GxG)Where stories live. Discover now