Hannah's POV
Sumunod ako kay nerd pagkalabas niya ng classroom, hanggang sa nakarating ako sa library nakaupo siya sa tabi ni Marie and wait bakit andito si Angelica kelan pa sila naging friends?
"Bat ka curious?" singit ni mahaderang brain
"Just shut up wala ka na dun" singhal ko sa kanya
Lumapit ako sa kanila at umupo sa kabilang table kung nasaan sila andrea
"Oh Angelica I didn't expect you're here with us" tanong ni nerd dito, halata namang close sila at may pa english english pa tong si nerd hmmp!
"I decided to join you guys na, since matagal na rin yung last bonding natin" nakangiting sagot ni Angelica rito
"Ehem! Baka naman pede kaming makisali sa usapan niyo" mataray na sabat ni Jenny
"At dahil apurada si Ms. Sungit let's start na" sabi ni Angelica, aba't talagang yan ang pet name niya kay Jenny? Nako humanda ka *evil smirk*
Kath's POV
I can't believe this, bat naman siya pa! Bakit si Hannah pa! Galit kong saad sa aking sarili, also guys if you're wondering who's Angelica Andrade, well she's also my best friend, well let's say, she's my sister's best friend she knows my real identity magkakilala na kami since childhood at ewan ko ba naging close din sila ng ate ko dunno why, minsan siya pa inuutusan ni ate na magbantay sakin sa school, naging busy lang siya sa paghahabol ng subjects this month dahil ilang araw siyang nawala dahil sa business trip nila ng daddy niya kaya di namin siya nakakasama
"Hanggang dito na muna tayo, maglunch na tayong lahat" sabi ni Marie samin
"Tomorrow na lang natin ituloy?" tanong ni Angelica
"Yes and also sa weekends" pag sang-ayon ko sa kanila
Yung tatlo? Ayun akala mo nakalabas ng kulungan sa sobrang relieve ng mga mukha nila
"Di kami sure sa weekends kasi girls day syempre" maarteng sabi ni Hannah, halatang plano nila to para kami lang ang tumapos
"Pag di kayo umattend sa weekend" panimula ni Angelica
"Lagot kayo kay prof" tuloy ni Marie
"At bagsak kayo sa project na'to" pagtatapos ko
Para naman silang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi namin at seryoso nakakatawa mga itsura nila ngayon
"Binablackmail niyo ba kami?" matapang na sagot ni Jenny samin
"Hindi, we're just stating the truth" kalmadong sagot ni Marie
"Ok fine saan ba gagawa?" sukong tanong ni Jenny
"Sa bahay nila Kath" sagot naman ni Angelica, magpoprotestas sana ako pero may sinabi si Hannah
"Hindi ba madumi dun? Kasi syempre diba, baka hindi yan marunong mag ayos ng bahay kasi sarili niya di niya maayos eh tsaka baka naman yung kotseng dala niya ngayon hiniram niya lang sa kung sino man" mapang kutyang sabi nito
Sasagot na sana ako ng biglang....
"Hindi niyo ba kilala kung sino si Kath?" takang tanong ni Gel short for angelica
Pinandilatan ko ito ng mata at agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin
"Never mind, sa bahay na lang nila Marie" pagbabago nito
"Ok much better" pag agree ni Drea
Hindi alam ng lahat ng tao dito ang apelyido ko, maski mga prof namin dahil ayokong ipaalam sa kanila, same reason noon
"Sa Sunday saglit lang tayo half day lang" pahabol ni Marie
"Bakit?" si Hannah, bat ba siya nagtatanong, dapat wala siyang pake!
"Kasi may pupuntahan kami ni Kath na importante" paliwanag ni Marie
"Teka Kath, you're still going there? I thought you stopped because you told us you were fine naman na" nagtatakang tanong ni Gel, hindi ko siya masisisi matagal siyang nawala kaya wala siyang gaanong alam
Napatingin ako sa side nila Hannah na halos magdikit na ang mga kilay nila dahil sa confusion, natatawa tuloy ako, pero syempre sa isip ko lang yun
"Well yun din ang akala ko, but I was wrong, I keep on doing it" simpleng ngunit makahulugang ngiti ang binigay ko sa kanila
"Let's seperate our ways na" paalam ni Gel kila Hannah
"Byeeee see you tom and see you in weekends" paalam din Marie
"Let's go guys" aya ko sakanila para makapag lunch na
Mabilis na lumipas ang araw ngayon at halata ko sa mga mukha nila Hannah ang confusion dahil sa sinabi ko at ni Gel hanggang sa tumunog na ang bell signaling na uwian na namin, si Drea at Jenny medyo ok na pero si Hannah ayun, nasa outer space pa rin
-----------------------------------
Too many secrets, Kath?😂