LAPIS

19 1 0
                                    

lapis,
panulat,
para makabuo ng isang ubra,
oo wLang naturang tinta,
pero panulat sya na maaari mong kapitan sa panahong pagod ka na,
sa panahong wala ka ng malalapitan na tinta,
-
na ang kinakailangan mo lamang ay pantasa,
para tasahan ang relasyon nyong pudpod na,
at kinakailangan ng blankong pahina para masulatan na ng isang istorya,
na ang magiging panimula ay kayo muna,
pero sa gitna ay mag kakaron ng tauhang IBA,
at mag tatapos sa iiwan ka na nya,
-
tara ituloy pa natin ang pag bigay diskriptyon sa trabaho nya,
pag katapos mo nang tasahan ay wag mong masyadong tulisan,
pag mag susulat na ay wag mo masyadong diinan,
dahil baka maulit ka nanamang mag tasa at mapupudpod na naman sya at mag uumpisa ka nanamang masaktan,
-
ayos pa naman diba?,
tarat tumuloy pa ,
ipag patuloy mo pa kahit nasasaktan ka na,
ka hit na hindi mo na kaya,
kahit na napapagod kana,
dahil alam kong mas maganda kung tatasahan mo muna sya at bigyan na ng katapusan,
ang istorya nyong inyong inumpisahan,
at bigyan na ng kawakasan,
marahil kung gagawa Ka pa ng isang istorya,
at ang gagawin mong tauhan ay sya at sya!,
kaibigan?,mapapagod ka lang tapusin mo muna ang isa,
bago mo simulan ang bagong umaga,
at bago ka ulit gumawa pa ng isa pang ubra,
at bumili ng isang pang lapis para mapalitan mo na ang isang bagay na ubos na,
na parang sa relasyon nyong TAPOS NA,

"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16Where stories live. Discover now