"Bawat patak ng luha, kaakibat ay pagdurusa"
Kinitil na ata ang mundo,
marahil sa mga pangyayaring napaka kalbaryo,
-
nanginginig ang laman,
na para bang may ayaw pang daanan,
nangangatal ang kalamnan na parang may malaking kinatatakutan,
nakayukyok sa isang madilim na sulok - habang hindi parin maintindihan ang nararamdaman,
habang dinadama ang mga tubig na parang ulan,
na kung magdaluyan ay walang patumanggang nagsasanggian,
-
hinahawi ang bawat tubig subalit hindi parin mawala ang pagkanginig,
sa hindi malaang pangyayaring hindi naman malamig,
-
nangangawit na ang makina ng lalamunan,
habang katas na lamang ng hapdi ang nakabara sa pusong sugatan,
Bawat patak ng luha,
na sa muka ay rumaragasa,
ay kaakibat na rin ng pagdurusang hindi malaman kung hanggang kailan,
-
patindi ng patindi ang emosyon habang sumusikip ang paligid na kung saan nakakulong,
parang may kulog kidlat na sasalubong,
marahil ang bawat bala ay parang may patalim na patibong,
habang hinahanap ang mga kasagutan sa tanong,
na bakit ba?,
"Ang bawat patak ng luha, ay may kaakibat na pagdurusa",
ayan na! ayan na!
raragasa na,
ang bawat talim na hindi maipaliwanag ang dahilan,
ang bawat kasagutan na 'di parin maintindihan,
marahil sa bawat pinagdadaanan,
parang mas lalo paring nakatatak sa puso't isipan,
ang hapdi ng ulan,
na sa mata ng tao dumadaan,
na habang ang pagdurusa ay kan'yang pinagsisilbihan.
YOU ARE READING
"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16
PoetrySPOKEN POETRY BY:MS.Blackdie /Black_SHADOW_MSD papaantigin tayo, sa tugmaan na nilalaman nito, mag kakaroon tayo ng di natin aakalaing emosyon na nilalaman na sasapat na para maging reaksyon, di man sya perpekto sa panlasa ng iba , kung yung ibay ku...