Ayoko na ulit maiwanan - kase kinatatakutan ko ng iwan,
mas pinipili kong magparaya nalang 'wag lamang ako alisan,
'di ko na inaasam ang kasikatan,
marahil ito'y may pagkakataong magkaroon ng kalausan,
pero, doon ata talaga ako nakatalaga sa iwanan?,
-
kase bawat may dadating sa buhay ko magbibigay ng pangako pero parati namang napapako,
gusto ko ng sabihin na gusto ko ng sumuko,
pero ang lahat nga pala ay lalo lamang lalayo,
-
marahil pinagtitiisan na nga lang ako makasama ng bawat isa,
tapos ako ay aarte pa?,
nakakatawa, hindi ba?,
marahil ayokong mawala sila pero gusto na agad nila akong iwan simula pa noong umpisa,
ansakit madama na "wala kang kwenta!",
ansarap marinig nung pangako nila,
pero wala namang patotohanang maitatalaga,
-
haha!, ansaya ba para sa kanilang ako'y iwanan?,
masarap ba akong saktan?,
pakisabi naman o!, kung 'di n'yo ko kaya pahalagahan,
para kapag dumating kayo ay isasalpak ko na sa puso't isip kong maging handa na dapat akong "masaktan!",
-
kase gano'n naman talaga diba sa umpisa?,
papangakuan ka,
na 'di kadaw kunware iiwanan pero nakaplano na agad sa parte nila kung kailan sila lilisan,
bakit ba ganon akong tao?, kaiwan iwan,
kase mukhang basurahan,
gusto ko nalang umiyak kase 'yon nalang 'yung aking karapatan,
'yung umiyak! at masaktan!
pagiiwanan.
YOU ARE READING
"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16
PoetrySPOKEN POETRY BY:MS.Blackdie /Black_SHADOW_MSD papaantigin tayo, sa tugmaan na nilalaman nito, mag kakaroon tayo ng di natin aakalaing emosyon na nilalaman na sasapat na para maging reaksyon, di man sya perpekto sa panlasa ng iba , kung yung ibay ku...