Kaliwa kanan,
taas baba,
sa aking halaga - may nakakakita kaya?,
teka! nasa itaas ako,
bibigyan na ba 'ko ng halaga ng mga tao?,
magiging mabuting anak na ba ako?,
magiging mabuting kaibigan na ba ako?,
magiging mabuting estudyante na ba ako?,
magiging mabuting kapwa na ba ako?,
Bakit?, bakit ganito hinihikayat ako ng bulong ng kalungkutan,
bumitaw na daw ako't magpadala sa hangin ng kawalan,
dito na daw makikitil ang lahat ng hapding aking pinagdadaanan,
madadama ko na daw dito ang kalayaan,
mararanasan ko na daw ang liparin ang kasiyahan ng kalawakan,
wala na daw mananakit sa 'kin ninuman,
depresyon? ikaw na ba ito?,
tatalon na ba ako?,
kaibigan! teka't antayin mo ako,
sasama ako sa 'yo,
isa ! dalawa ! tatlo!
lilipad na ako,
paalam na mapanghusgang mundo,
dahil ito ang pinadama n'yo saaking opsyon ko,
'wag kayong luluha hindi ko na kayang pahiran iyan sa inyong mukha,
'wag n'yo na 'kong balaking ibalik pa sa mundo,
dahil alam ko walang ninuman ang makakakita ng halaga ko.
YOU ARE READING
"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16
PoetrySPOKEN POETRY BY:MS.Blackdie /Black_SHADOW_MSD papaantigin tayo, sa tugmaan na nilalaman nito, mag kakaroon tayo ng di natin aakalaing emosyon na nilalaman na sasapat na para maging reaksyon, di man sya perpekto sa panlasa ng iba , kung yung ibay ku...