Gusto kong ang kamay mo'y hawakan,
na sa bawat sandali ay maramdaman kong hindi mo'ko iiwan,
aawit ng malaya habang nasa kalawakan ng kalangitan.
-
Subalit sa'king pagyakap ng mahigpit,
ay bigla mo'kong binitawan,
kasabay ng pagngiti ko ng sandali,
ay bigla mo'kong iniwan,
pagsapit ng biglang paglapit,
ay biglang ang musika ay naging maamo sa mga mata n'yong nag-uusapan,
na kung gaano n'yo nga ba ang isa't-isa pinapahalagahan.
-
Aatras na'ko,
pipili na'ko ng ibang mapapadparan,
pipili na'ko ng lugar na kung saan ang lahat ng nasa kapaligiran ay kalayaan,
pipili na'ko ng lugar na kung saan ako may lulugaran.
-
Hindi na muling hihikbi para mangulila sa presensya mo,
hindi na magmamakaawa para tapunan ng pagpapakilig mo,
hindi na susulyap muli sa mata mo para itugon na sana'y ako'y mahalin mo,
dahil sa puntong 'to ako naman ang lilipad sa kalawakan,
na kung saan ang lahat ay hindi mapapawi ng isang idlap lang,
gusto ko sanang lumipad sa kalawakan na ang kinakapitan ko ay ang sarili kong may totoong kasiyahan.
YOU ARE READING
"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16
PoetrySPOKEN POETRY BY:MS.Blackdie /Black_SHADOW_MSD papaantigin tayo, sa tugmaan na nilalaman nito, mag kakaroon tayo ng di natin aakalaing emosyon na nilalaman na sasapat na para maging reaksyon, di man sya perpekto sa panlasa ng iba , kung yung ibay ku...