"Mahal mo 'ko, pero hindi mo kayang iwan siya"

8 1 0
                                    


Aawitin muli ng bibig ang musika,
ikakaripas nanaman ng kamay ang tono sa gitara,
habang dinadama ang masalimuot na linya,
dudumugin ng luha ang mga mata.
-
Habang nasa ala-ala ang katagang "Mahal mo 'ko" at "Mahal kita",
pero hindi mo kayang kumawala sa kan'ya,
at ewan ko nga kung ang katagang mahal mo 'ko ay totoo ba,
marahil kung talagang mahal mo 'ko nasa 'kin ka at wala sa kan'ya.
-
Mahal hindi ko na kayang makuha ang tono,
marahil nabibingi ako sa ritmo,
marahil ang nilalaman na ng kantang binuo ko ay sa inyo na nakatono,
nangangatal na ang kamay sa pagkapa ng bawat linya sa gitara.
-
Tumutulo na ang luha ng walang patumangga,
pakiusap mahal! pakiusap kung talagang mahal mo'ko,
yakapin mo sana ako ng mahigpit bago ka bumalik sa kan'ya,
o sigurong mas mabuti ngang itigil ko na ang pag kalbit sa tono,
ibaba ang gitara,
bitawan ka,
palayain ka,
at pakiusap pakawalan mo muna ako sa yakap na parehas nating ginusto,
nakikiusap ako mahal ko,
'wag ayoko na ! durog na ako,
para saan pa kasi ang salitang mahal mo 'ko?,
kung siya rin pala ang pipiliin mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16Where stories live. Discover now