Chapter 1

156 9 0
                                    

*One and a half year bago madiagnose sa sakit ko.*

"Ms. Jewel Faith Hope Aquino please come to the faculty room."

Ayan ang sabi ng mabait namingprofessor sa statistics, may pag-uusapan ata kaming napaka importante.

Agad akong nagtungo sa faculty room para puntahan ang professor namin. Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Joanna.

"Faith, san ka pupunta?"

"Pinapapunta ako ni Sir Castro sa may faculty room, may sasabihin ata."

"Sama ako! sama ako! don't bother to say "no" dahil sa ayaw at sa gusto mo sasama ako!"

"Okay okay. Sumama ka na. Pero kapag pinalayas ka ni Sir don hindi ko na kasalanan hah."

"Aye Aye Captain!"

Siya pala ang bestfriend ko, Joanna Pineda. Since grade 4 kasa-kasama ko na yan. Pati ngayong college parehas pa kami ng tinake up na course which is Business Administration. Honestly hindi talaga ang gusto kong kuhaning course but my parents are both businessman and businesswoman at dahil only child ako, ako din ang magpapalakad sa mga business namin balang araw kaya much better if ito na ang kuhanin kong course.

Nang makarating na kami sa faculty room nakita namin na kasama ni sir Castro yung Chairman ng university,

"Sir, pinatawag niyo daw po ako." malumanay kong tanong sa professor ko. Si Joanna nasa tabi ko lang.

"Yes, actually hindi ako ang nagpatawag sa iyo kundi si Mr.Chairman."

Medyo kinabahan ako matapos na sabihin iyon ng professor, napaisip tuloy ako kung may nagawa ba akong offense sa school at bakit ako gustong makausap ng chairman.

Matapos ng ilang segundong katahimikan, unti-unti ng nagsalita si Mr.Chairman.

"You're Ms. Aquino, am I right?"

"Yes po."

"May reason kung bakit kita pinatawag. As the top student in your course, I would like you to do me a favor."

"Favor po? Anong klaseng favor po?" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. atleast hindi dahil sa offense kung bakit niya ako pinatawag.

"I have a son, he's taking up the same course as you. But the problem is, he's not interested in attending school and his grades are pretty low. As the chairman of this school, I entrust my son to you Ms. Aquino. Kailangan niyang mag-aral ng mabuti at makakuha ng average grades dahil siya ang magiging future chairman ng school na ito. Maaasahan ba kita Ms. Aquino?"

"Faith nalang po. Sa favor niyo po, anong gusto niyong gawin ko?"

"Faith, I want you to encourage him to attend school and improve his grades even if it means tutoring him. In exchange you will not going pay for any fees in this university until you graduate. Deal?"

Natigilan ako sa sinabi ng chairman. Mahirap ang pinapagawa niya saakin pero, maganda din ang offer niyang scholarship dahil mas makakabuti yun sa akin para hindi na maabala sa akin ang mga parents ko. So.....

"Yes sir. I'll do it." I've decided to take the deal.

"Good. I'll send all the details to you later. You can go for now."

"Thank you. We'll be taking our leave na po."

Pagkalabas na pagkalabas namin ni Jo (Joanna's nickname) sa faculty room agad niyang hinatak ang kamay ko.

"Are you even crazy Faith? accepting that favor?....."

"Eh? what do you mean?"

"Don't you know that Mr.Chairman's son is the most villainous student in our campus now? Don't tell me sa 2 years na nagaaral tayo sa university na ito hindi mo man lang alam yung estudyanteng nagngangalang Joseph Mary Mendiola. Kung gaano kabanal ang pangalan niya ganoon naman kasama ang ugali niya."

"You're right. HIndi ko nga siya kilala. But, a deal is a deal. Hindi ko alam kung mapapatino ko nga siya kung ganoon ,unless I try."

"I'm just reminding you girl because I'm your friend and I'm concern. I wonder kung kakayanin mo nga. If anything happens don't hesitate to approach me girl, I'll definitely go wherever, whenever and whatever it is. This might be a quite hard task for you Faith"

"Thanks Jo. Tama na nga ito, mamaya ko na ito poproblemahin bumalik na muna tayo sa room at maya maya magsstart na ang class."

Bumalik na kami sa room, lumipas ang ilang oras ng pagdidiskusyon sa mga lesssons and bago umuwi pumunta ako sa office ng chairman para sa mga sinasabi niyang details kanina.

I was knocking at the door but no one's answering so...... binuksan ko ang pinto at saka nalang pumasok habang iniisip ko na baka busy lang si Chairman kaya hindi siya sumasagot sa mga tawag ko.

I slowly walk through..

Later on.. as soon as I reach the place near the table I heared some sound...

*Snore* *Snoooooore*

"Someone's sleeping?" tanong ko sa sarili ko.

I walk again slowly. I've reached the back of the sofa and tried to peek who's sleeping there.

His face was covered by a book. I place my face near his face, I thought it was the Chairman. But I was wrong. Out of panic, I accidentally bumped on the book that was covering his face.

This man has a pretty face. He has a lot of piercing on his ear.

"Ouch!" napasigaw ako ng hatakin niya ang kamay ko. Ang sakit kaya nun lalo na natamaan yung tiyan ko sa sandalan nung sofa.

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaking kay higpit ang hawak sa kamay ko na nakuha ng mawalan ng dugo.

"Aba. Teka teka. Ba't ba ang sungit mo? May regla ka ba? Ako nga ho pala si Faith, may kailangan lang ho akong gawin dito and kung maari ho paki bitawan na ang kamay ko dahil MASAKIT." pataray kong sabi sa kanya.

"YOU! tch." Akmang sasampalin niya ako ng biglang nanlambot ang mga binti ko at bumigay kaya napaupo nalang ako sa sahig.

"Haha. Nagkulangan siguro ako sa pagkain kanina sa lunch kaya nanlalambot ako.." patawa kong sabi habang pakamot kamot pa sa ulo.

Tinalikuran lamang ako nung lalaking muntikan ng manampal sa akin. Pero matapos ng ilang hakbang niya binalik niya uli ang tingin niya sa akin.

"Ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na diyan saka kana umalis at baka may kung sino pang makakita sayo." he said in cold tone.

Sinusubukan ko talagang tumayo pero nanghihina ang mga binti ko. Yung feeling na parang napulikat sila or something.

"Ah eh. Malamig dito sa sahig okay lang ako mainit naman panahon kaya mas maganda dito nalang ako uupo atsaka may hinihintay ako kaya hindi pa ako pwedeng umalis." Pagsisinungaling ko. Ayoko naman na abalahin pa siya kung hihingi ako ng tulong. Hihintayin ko nalang na bumalik ang lakas ng mga binti ko saka ako tatayo.

"Troublesome. Don't even try to fool me. IDIOT!" Pagkasabi na pagkasabi niya sa salitang yan iniabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan ako tumayo.

Nakakahiya naman kung tatangihan ko pa kaya inabot ko na din ang kamay ko. Nakatayo naman ako pero nakahawak ang isang kamay ko sa sofa para mamaintain ko ang balanse ng katawan ko.

"Good thing you two are getting along so well. I guess this makes everything easier." Sabi ng Chairman mukhang kararating lang.

"Dad. What's the meaning of this? Bakit niyo ako pinatawag dito?" sabi nung lalake.

"Dad? It means....." I said.

"Yes. That's right Ms. Faith. He's my son, Joseph Mary. The one you're going to tutor and guide on his studies from now on." the Chairman said while wearing a wide smile on his face.

to be cont.

---

A/N:

Please wait for the release of the next chapter. "The tutor and her villain student." Hope you support this story. Thank you for reading.

My Love and My IllnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon