Chapter 4

74 5 1
                                    

Joanna's POV

A while ago dinala namin si Faith sa clinic dahil bigla nalang siyang hinimatay. The Chairman's son, Joseph Mary Mendiola was the one who bring her here.

I was really shock kasi feeling ko ang bait niya nung time na yun and to think na siya pa yung inakala kong pinaka masamang estudyante dito sa university na ito. Pero, hindi ko parin maitatanggi na masungit siya.

Ang akin lang, kung masama talaga siya hindi naman siya tutulong dito.... or baka naman may something sa kanilang dalawa ni Faith. I can smell something like bagoong "fishy".

Kanina pa siya nakaalis. Basta hinatid niya lang kami ni Faith dito atsaka na siya umalis. Naexcuse na din kami sa mga subjects namin dahil sa nangyari.

Minutes have passed nagising na ang weak kong kaibigan haha. Lol. Joke lang nuh. Tamaraw pa yan sa lahat ng tamaraw pano siya magiging weak xD

"u-umm. Nasaan ako? Ba't ang liwanag " tanong niya.

Nagtago ako sa likod ng curtain nung clinic.

"Sa langit hija." sagot ko ng maihanahon habang nakatago sa likod ng kurtina.

"Ah. Ganun ba? So patay na pala ako."

"Oo hija. Nabagok ang ulo mo noong ika'y nawalan ng malay sa iyong paaralan. Ako nga pala si Maria. Ang ina ni Hesus.

"Mama Mary? Parang may mali. Hindi ba dapat si San Pedro? speaking of Mary..... JOSEPH MARY!!! may dapat pa akong gawin hindi pa akong pwedeng mamatay!!" sigaw niya.

Lumabas na ako sa pagkakatago at agad siyang binatukan.

"Aray! Ang Sakit ahh." reklamo ng loka loka. nahimatay lang natuto na magreklamo ano to nakalikha siya ng other personality dahil lang sa nawalan siya ng malay? Aba! hanep!

"loka loka buhay ka pa. Ang OA mo lang. Porke maliwanag maniniwala ka nang nasa langit ka na? Hindi ba pwedeng nasa burol ka lang ng patay o kaya maliwanag lang talaga yung ilaw sa kisame? OA mo friend ah."

"Burol talaga?"

"Oo. Bakit? Hindi ba maliwanag sa burol ng patay?"

"may sinabi ba akong madilim? ay teka teka. Nasaan nga pala ako kung hindi ito ang langit?"

"Impyerno loka. hahahahahahahaha!"

"Umayos ka Jo!" hala napikon na si prenship.

"Oo na po. Nasa clinic ka. nahimatay ka kanina."

"di nga?"

"Ayy hindi Joke lang joke lang." pimilosopo ko.

"tara na balik na tayo sa klase. okay narin ako," sabi niya atsaka tumayo sa higaan

"aba teka teka. pahinga ka muna baka mabinat ka at baka stroke na abutin mo sa susunod."

"kailangan ko nang bumalik sa klase. mahirap mag skip lessons at baka mahuli ako."

*grooooooowl* --> sound ng kumakalam na sikmura.

"tsk,tsk, ayan nagrereklamo na mga alaga mong bulate sa tiyan. pakainin mo na raw."

"Sige na nga. Sa canteen nalang tayo dumaretso."

"Your wish is my command."

+++

Busolve na kami sa kinain namin at instead na pumasok sa klasi pagkatapos tumambay muna kami sa may bench malapit sa school park. Tutal excuse na kami edi careerin na diba? Don't miss the chance xD

"Okay na ako. nakakain na mga alaga kong BULATE sa tiyan. kakayanin ko na siguro mag-aral dun sa natitira ko pang mga hindi kabisadong libro..." sabi niya.

"Oo nga pala. Sabi mo kanina hindi dahil sa utos nina tita kung bakit ka nag-aaral. kung ganon para saan yun?" i asked.

"Ah yun ba. Para kay Joseph, yung anak ng chairman."

'sabi na nga ba may something na sa dalawang to ea i can smell bagoong here.' i said to myself.

"kayo na?" I asked.

"anong kayo na?" tanong niya.

"Kayo na. Like Girlfriend and Boyfriend."

"ahaha. hindi noh. wala akong panahon sa mga ganyan. Unahin muna ang pag-aaral. period."

Nakita ko siyang nataranta ng konti pero di ko nalang pinansin kasi mas nangingibabaw parin ung pagiging studyholic niya.

"Eh bakit sabi mo para sakanya kaya ka nag-aaral? then siya pa yung----"

Natigilan ako sa sinasabi ko dahil naalala ko yung sinabi ni Joseph sa amin kanina.

'Don't ever try to tell this girl that I helped her is that clear? If not.. I'm going to beat you to pulp.'

"Siya pa yung ano?" tanong niya ng parang may big question mark sa harapan ng mukha niya.

"Wala wala. Nevermind."

"Okay sabi mo ea. Para sa kanya kasi may deal nga kami ni Chairman diba? then in the end nagkaroon din kami ng sarili naming deal. Deal naming dalawa."

Salamat at ako'y nakalusot kung hindi baka sa ilog na ako pupulutin mamayang gabi. Pero kung magiging sila sanang dalawa ang gandang combination ah. Isang model student at isang rulebreaker. ayos din.

They're complete opposite. Sabi nila Opposite attracts daw. Then, let's see kung magwowork sa kanilang dalawa yun. New LOVE plan for my friend. Mukhang masaya ituuuuuuu!!

"Sariling deal? Anong deal?" tanong ko

"Usapan namin na kapag nakabisado ko lahat ang mga bagay na nakasulat sa mga librong napag-usapan namin ay papayag na siyang turuan ko siya at susunod na siya sa mga gusto ng chairman. hindi ba maganda yun?"

"Kaya pala masyado mo inistress sarili mo this past few days kaka-aral ah."

"Tumpak! Kaya tara na at babalik na ako sa room para mag-aral tutal busog na din mga alaga ko sa tiyan."

Hinila niya ako pabalik ng room. Wala talaga akong laban sa babaeng to. Ang lakas ng loob niya. Kung ako nasa kalagayan niya siguro matagal na akong sumuko, ang swerte ng lalaking makakabihag sa puso ng kaibigan kong ito.

Kung sino man yung lalaking yun gusto ko na siya makita sa lalong madaling panahon para naman maging blooming kahit papano itong friendship ko at magkaroon ng kahit kaunting idea naman about sa love.

Ang hirap kaya kapag gusto kong magkwento sa kanya tungkol sa buhay pag-ibig ko naaasar lang ako kasi wala siyang kaalam alam at parang error in connection siya lagi.

That's why.....

Faith's Prince Charming! sana dumating kana.

---

A/N: Dear readers, please continue to support this first story made by your's truly. I may not be as good as the other writers but I will still do my best to meet your expectations xD Let's guide each other. Thank you <3

My Love and My IllnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon