ACTION 30 - The Wedding & Ambush PT.2

481 11 0
                                    


LUKE's POV🔫


"Princess Danika, its already 5:15 we need to go up to the deck for the firework show"- tsh bakit ba nakatulog tong babaeng to? Naka-nganga pa


"Hhmm mamaya na Rence"- napatawa ng pahina, ok lang sana if totoong pangalan ko ang ginawan niya ng nickname pero pangalan ito ni Asshole, such a shame.

"Gumising ka na, nandun na lahat ikaw na kang ang hinihintay"

"Rence naman eh!"- agad akong patalikod noong nakita ko ang bra niya. "Gago ka ba?! Bakit mo tinanggal yung upper ng gown mo?!"- namumula na yata ako eh. "Huh?!"- sabi niya.

"Ang sabi ko, ayusin mo yang gown mo! Nakita ko yung kulay itim na bra mo! Gago lang!"- mas namula pa ako noong sinabi ko yun. "Oo na inayos ko na, mainit kaya yung gown ko. Ball gown pa naman ito may pitycoat pa"

"Hays, akala ko ba hindi ka matutulog?"- nakatalikod pa ako sa kanya. "Teka Terrence, hindi mo naman first time nakakita ng naka-bra ako ha. Una yung nasa pool, tsaka akala ko nakita mo na ang bra nung namayapa mong nililigawan?"

"You stupid girl, hindi yan ang ibig kong sabihin!"- bwisit pangalawang beses ko ng nakita siyang naka-bra pero tangina lang! Iba din yung buong katawan niya HAYSSS!! Nakaka-inis naaalala ko tuloy yung araw na yun!!!

"Or maybe....."- hinila niya ako para tumingin sa kanya, bakit ba wagas itong tumititig sa mga mata?! Its so annoying!! "Virgin ka pa Terrence?!"- biglang tanong niya tsaka at the moment, I feel blankminded. THE FUCK?!

"Ginagago mo ba ako?! Bakit ka napatanong ng ganyan?!"- para gusto ko ng lumabas dito dahil nakaramdam na ako ng hiya!!

"Confirm! Virgin pa si Terrence!"- masayang sabi niya, bakit ba masaya siya?! "Tama na nga yan, lumabas na tayo. Oh malapit na ang fireworks, we are running out of schedule"- sa wakas nakalabas na ako. Bakit ba ganun yun mag-isip.


"Ikaw naman biro lang yun hahaha. Your face is so red like a tomato!! Hahahah!"- kanina pa ito tawa ng tawa ha?! "Tama na nga yan, annoying"- nauna na akong naglakad tapos sumunod na lang siya. Sakto naman at countdown na, dito na lang kami sa may second floor ng deck.
"Wow!!"- sabi niya.

Habang nag-enjoy ang lahat, may nakita akong mga taong naka-itim lahat ang suot, parang mga ninja. Lahat ng kanilang mga hawak na weapons ay nakatutok kay Danika. Sa baba ng kinatayuan namin, yung mga kasama nila Justine at Zion ay nakatutok sa amin ang kanilang mga baril. Hindi na sila napansin ng mga tao dito?! The moment na sumabog pa ang isang batch ng fireworks, tinulak ko sa sahig si Danika at nagulat ang mga tao dito sa taas sa ginawa ko and right on time yung mga maliliit na blades ay lumampas lang dito sa sahig at yung mga bala mula sa baba ay lumampas din sa kinatayuan ko. "What is wrong with you?!"- galit niya kaya lumapit ako sa kanya. "We have to move"- seryoso kong sabi. "Anong nangyayari?!"- she doubtfully asked.

"Mamaya na, mukhang may balak na pumatay sa iyo at sa akin"

"Ano?!"


"KILL THEM!"- sagot nung isang naka-ninja suit at nagsigawan na ang mga tao dito sa taas. Hinila ko patayo si Danika para bumaba kami, inilabas ko naman yung baril ko. "HALT!!"- sabi ng mga tauhan na kasama ni Winston, pero nasaan yung gagong yun? Bakit sila Zion at Justine lang?! "Terrence, what is going on?"- abala ni Danika.

"Stay behind me"- sabi ko tsaka inilabas ko ang isang baril ko. "Ano na ngayon Terrence? Mamamatay ka lang kapag porotektahan mo ang babaeng yan!"- sabi ni Zion. Pansin ko rin na nagsitakbuan pa ang mga tao dito habang walang ilaw, the only source of our light is the fireworks.
"Sino sila?!"- nakita kong natatakot si Danika.

Retaliate Chronicles: Born As A BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon