I was pacing off, staring at my room's wall wondering where I went wrong char, when my bestfriend, Reika tapped my shoulder waking me up from my daydream.
"Oy daydreaming ka na naman? Ilang buhay na tayong magkasama sana naman tigil tigilan mo na yang lalaking 'yan." yeah she knows that he's all I daydream about. That's weird nga lang kasi I don't remember her from my past life.
" Sorry babe can't help it." I whined helplessly as I shrugged.
"Pero sana matulungan mo na talaga ako no? Iwas karupokpokan HAHAHA" I added and hugged her as I know this will start an argument between us again if di ako magpaparaya.
"Sana nga. What if hanapin na kaya natin yung guy na yun? Para maiwasan mo na siya? Diba you'll know who he is 'coz YOUR HEART RECOGNIZES HIM?" She mockingly said while emphasizing how marupok my heart is.
Eto na naman po tayo sa pagpapamukha niya ng karupukan ko.
"Gago bakit ba? It's not my intention that my heart only wanted and still wants him, and him alone." I retorted. I don't know pero kasi pag nahulog ka na talaga kahit paulit ulit ka niyang saktan that won't change a heartbeat you have for that person, that won't change the fact na siya yung mahal mo. Siya pa rin talaga.
"Babe pinipilit mo kasi kahit alam mo na hindi talaga siya nakokontento sayo." See? still started an argument I'm just about to lose, again.
Maybe I was really meant to be a loser especially against her.
"Nagbabakasakali ka pa rin na magbabago siya dahil nasa bagong buhay na kayo. Pero nagbago ba? Hindi diba?" She hissed. As if she knows what will happen.
"Kasi naman babe baka lang naman magbago nga talaga. Everyone deserves second chances." I answered in a calm tone while trying to get her using my puppy eyes.
"You've given him enough chances babe. Hindi ka ba marunong magbilang? You'll never know if someone actually deserve those chances not unless ipamukha na talaga nila sayo na they're damn worthy." She stated as if I'm the dumbest person she ever knew. As if she was there the whole time. But she was not.
"Paulit ulit ka na ngang niloko, pinagpalit pero ano? Nandyan ka pa rin para tanggapin siya at mahalin siya" Damn...words really do stab deep. I whispered to myself habang ninanamnam ang sakit ng kahapon I mean nung mga sinabi niya.
"Okay I get it." I said as I raised my hands as if I was to surrender. "I'm already done with all the bullshits okay? I'm trynna live my life here the way I wasn't able to."
"Okay... Sure na yan ha? Legit? Baka faith news na naman? Sayang lang ang faith mo na mababago pa ang tadhana para sa inyo- -"
Naputol ang sinasabi niya nang may pesteng nanggambala na naman samin.Nasa kabila lang kasing bahay ang "Boy's Room". Bahay talaga pero room lang tawag bakit ba? Ikaw bakit ka iniwan?
"Pero di ko kayang bumitaw! Sana sinabi mo! Kung di rin tayo sa huli! Boom kilig na naman si tanga kahit niloloko na!" Marco barked as if he didn't just barged in the girl's room, again. Oo bark talaga parang aso tahol nang tahol.
"Sinong tanga? Ha asong ulol?! Sino?!" I objected kasi wala naman alam ang tanga natahol agad.
"Sino ba? HAHAHAHA ikaw Reika? Hindi, wala kang jowa eh. Ikaw babe? Di pa naman tayo ah? Not now but soon. Di rin naman kita niloloko?" Tamo aso talaga natahol sa di kilala.
Binatukan ko at sinabunutan naman siya ni Reika paupo na tiningnan niya ng napakasama. If staring were the same as shooting daggers, she might have been shot to death by now. It's always about his hair, no one's allowed to mess with his hair, NO MATTER WHAT.
" Alam mo maupo ka na kaya nahiya ka pa eh alam naman na naming pagkain pinunta mong aso ka" Ani Reika na di binitawan ang pagkakasabunot kay Marco hanggang sa makarating sa mesa at naupo sa upuan.
"Aw aw. Arat Reika bitaaaaw!" reklamo niya habang mahinang hinahampas ang kamay ni Reika na nakasabunot sa kanya. "Coulin babeeees payag ka niyan?! Aw masakit Reika!" tanginang aso napakaaga pa 'di na matahimik.
"Coulin Daine halika na dito gusto mo ulit masamid ng tubig?! Kakain na!" Sigaw ng nanay reika kaya halos patakbo akong lumapit sa mesa. Naiwan kasi ako na nakatayo at nanonood lang sa harutan nila.
"Eto na po baka isumbong mo na naman ako kina Mommy na di ako nakain minsan. Di ko talaga alam kung kaibigan ba talaga kita or spy ka nila?" Reklamo ko kasi halos ilang beses na ata ako makaltukan sa isang araw basta kasama ko sina mama. Nagsusumbong kasi si Reika na nagddiet daw ako.
"Babygirl bat ka kasi magddiet sexy ka na naman ah? Tsaka tanggap naman kita kahit tumaba ka kasi tataba ka rin naman pag nasa sinapupunan mo na future baby natin" sabat na naman ni Aw aw kaya binatukan na naman siya ni Reika bago ko pa magawa. Binatukan ko pa rin siya para naman may pasobra .
Nakita kong parang nasaktan si Reika sa sinabi ni Marco pero ngumiti rin naman agad nang bumaling na sakin yung tingin niya.
"Oo nga bi maganda ka tsaka sa ganyang ugali mo malabong walang mainlove sayo" sa lahat ng napuri sakin si Reika talaga yung pinakamakikitaan mo ng napakatamis na ngiti at matang sinisiguradong mula sa puso ang sinasabi niya. Kung hindi lang babae 'to matagal ko na pinatulan.
"Oo na lang po aw aw tsaka nanay Reirei" hindi ko alam pero there's always that fond feeling when I'm with them as if I'm reminiscing something though magkasama naman na talaga kami mula pagkabata. It's just that sometimes when I look at that person's eyes I always confuse them with the person na sumira sakin. It's so weird.
I mean yes this is my second reincarnation but I'm starting to not believe my dreams and I always feel like I'm missing something.
After we finished eating we played jack en poy to make the loser wash the dishes. I'm kinda pro so nauna ako manalo and diretso na naman sa kwarto para matulog, tamad nga kase. Di nalabas kasi wala rin naman magawa.
I fell asleep again and found myself in the same dream but why does it feel like I'm not familiar with this anymore? I'm sure this was the same dream I had before Reika woke me up.
I was so sure I saw myself hanging from the rope I tied but why does—
"Daine, babe gising muna mamaya sumakit na naman ulo mo sige ka. Inumin mo muna 'to. Hindi ka nakikinig sa therapist mo ha? Kaltukan kita" Nagpipigil ng galit na sermon ni Reika. Parang nagbibiro pero ramdam mo na may bigat sa bawat salitang binibitawan.
Huling beses ko na nakita ko na ganito siya magpigil eh nung lasing si Marco at sinubukan niyo akong halikan. Hindi niya alam gagawin niya at naiwan sa ere ang kamay niya na ang palad ay dadampi sana kay Marco.
"Reirei galit ka po? Sorry na nakalimutan ko lang po" Natatakot talaga ako sa kanya pag ganyang nagpipigil siya ng galit niya hindi ko alam baka mapuno na sakin at pagbuntungan na talaga ako.
"Babe hindi. Natakot ba kita? Hindi promise. Ayoko lang kasi na nakikita kang nanghihirap sakit ng ulo mo lalo na pagnatutulog ka." Sagot niya na nagpakalma naman sa sistema ko. Ewan kung anong meron sa kanya na konting pagbabago lang ay natatakot o nagagalit agad ako.
"Si Aw aw ba natalo?" tumango siya bilang sagot kaya naisipan ko na naman mang asar. "YAN KASI AW AW NASA INYO NAMAN NA SI KUYA RIUN NA MAGALING MAGLUTO NAPUNTA KA PA DITO!" Tawang tawa kong sabi habang si Reika naman ay nagtakip ng tenga.
"Coulin Daine, kelan ka kaya di nasigaw ng masakit sa tenga? Tsk" Sermon niya na naman pero nakangiti at nakapisil na sa pisngi ko.
Inaantok na ko kaya sinabihan ko na si Reika na babalik na ko sa pagtulog pero di siya lumabas ng kwarto ko. Babantayan niya lang daw ako eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/189142895-288-k289684.jpg)