tonight you belong to me - 4

90 3 3
                                    

"Do you think the universe fights for souls to be together? Some things are too strange and strong to be coincidences"

-Emery Allen

Napaisip ako sa nabasa ko kakatambay sa Pinterest. Tama nga naman may ibang bagay talaga na masyado naman atang malabong mangyari pero nangyari. Mga taong walang kahit anong koneksyon pero nagkrus pa rin ang landas.

Kaya lang minsan ang mga pinagtagpong 'yon ay pinagtagpo lang ng tadhana pero hindi tinadhanang habang buhay pagtagpuin.

"Putang- naman nalabas ka na ng kwarto mo" gulat na gulat na tanong ni Reika. Tatanga tanga kasi. "Magsalita ka naman 'wag yung biglang susulpot gago makapatay ka ng tao sa gulat eh" reklamo niya habang nakatapat sa dibdib ang kamay at mahingal hingal pa akong binatukan pagkabitaw niya sa vacuum.

"Bobo masakit." daing ko at binatukan siya pabalik. "Tinatawag kita kanina eh ang ingay kaya ng vacuum! Akin na nga yan gagamitin ko." sigaw ko at iniirapan siyang kinuha ang vacuum.

"Para ka kasing tanga ang lakas naman ng boses mo pero btw bat hindi talaga kita narinig kanina?" Ani niya sabay tanggal ng earphones na nakapasak sa tenga. Takang taka ang mukha na binalik ang vase sa sulok na pinagvaccuman niya.

"Ako pa talaga ang tanga? bobo ka kasi kita mo naman na maingay na ang vacuum nagearphones ka pa" pasigaw na sumbat ko bago pumasok ng kwarto at hinanap ang earpods ko.

"I know, you belong to somebody new
But tonight you belong to me"

Sabay ko sa kanta habang sinusubukan ko na abutin ang ilalim ng kama ko para mavacuum na.

"Althought we're apart,
you're a part of my heart.
But tonight you belong to me."

Why can't everyone be like that? Kahit magkalayo basta mahal 'yung tao at nasa puso, hindi pinagpapalit at niloloko. Kung naging ganyan sana ang lahat ng tao kahit na magkalayo at hindi mahawakan ang kamay, sa puso at diwa pa rin 'yung pagmamahal nakasalalay.

Naputol ang pagmini concert ko nang napause ang music at nagring ang phone ko. Pinatay ko muna ang vacuum at tiningnan kung sino ang natawag.

Aw aw calling...
Accept | Decline

Iswipe ko na sana para idecline pero minsanan lang natawag si Marco unless importante talaga.

"Play dead! Char ano? HAHAHAHA"

"Nandiyan si Reika babe? Sunasakit na naman kasi ulo ko naubos ko na ata yung meds ko na binigay niya" tanong niya na nanginginig ang boses.

"Aling ulo ba?"

"Seryoso please masakit talaga"

"Hoy okay ka lang? Hindi nga diba self tanga... uhm wait natataranta ako. Si Liam ba nandiyan? Siya na papuntahin mo dito iinform ko lang si Reika para maiabot agad. Magpahinga ka wag ka masyado mag isip kasi mas sasakit 'yan. Ipikit mo mata mo at magbilang ka wag ka magiisip ng kahit ano magbilang ka lang dapat" taranta ko na sagot at dumiretso na papuntang kwarto ni Reika.

"Pano ba 'yan di pwedeng di ako magisip. Hays" problemado na ang tono niya kaya mas nataranta ako at tumakbo na.

"Nag iisip ka pala? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA pero seryoso nga" natatawa ko pa ring sabi sa kaniya habang hingal na tumatakbo pababa. Tahimik ang kabilang linya kaya mas binilisan ko na ang pagtakbo at di na nakuha pa na magbiro ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

again, for usWhere stories live. Discover now