marco - 3

37 2 0
                                    

Nasa parehong panaginip na naman ako and weirdly, I felt familiar and felt the same again. My heart thumping so loud as if it wants to explode at any moment because of pain.

Pero ang nakakagulat ay unti unti akong may nakitang palapit sa kanya natatakpan ang maliit niyang mukha ng hanggang balikat lang na buhok.

"Reika naman please." Malabo ang naririnig ko pero alam ko na si aw aw ang nagsasalita habang kausap siguro si Reirei.

"Marco itigil mo na" matigas ngunit pabulong na sagot ni Reika, magkausap nga sila. Tulog man ako at malabo ang naririnig ay kinikilig ako sa kanilang dalawa.

Narinig ko naman ang pagsarado ng pinto kaya akala ko ay silang dalawa na ang lumabas.

Nagulat ako at tuluyang nagising nang may humawak na malamig na kamay sa mukha ko na tila isa akong iniingatang babasagin. Nagpaiwan pala si Aw aw dito.

"Nagising ba kita babes? Sana magising ka rin sa katotohanan na nakatadhana talaga ako para sayo. Yie yieeee" may pagkindat kindat at pagsundot sundot pa sa pisngi ko na parang kinikilig.

"Gago HAHAHAHA. Lapit mo nga mukha mo sakin" Linapit niya rin ang mukha niya at parang excited pa. Tangina moka ha HAHAHA humanda ka. Nakaisip na naman ako ng nakakagagong gagawin.

"Yan tas ganyan pa rin position mo tumayo ka." Nalilito niya akong tiningnan pero naexcite ulit baka dahil sa naisip niyang kamayakan.

One.two.three. BANG!

"Wazzup madafaker HAHAHAHA ano? Masakit ba mauntog sa aircon? Sige lang pareho naman kayong mahangin." Tawang tawa ko na sabi at umupo. May pahampas hampas pa talaga ako tumawa. Malaman laman ko lang talaga kanino ko namana 'to.

"Gago masakit!" daing niya habang hinihimas himas ang ulo niya. "Pag nagkabukol talaga 'ko Daine ha! Gago ka. Buti nalang di ako sa mukha tinamaan masira pa sana gwapo kong mukha." Reklamador wala namang gwapong mukha na masisira.

"Bobo kanina ka pa nandito at ang tagal mo na nakitang may aircon diyan nagpaloko ka rin eh." Tawang tawa talaga ako na halos hikain na ako kakatawa. HAHAHAHA bobo talaga eh tas tatahol pag nauto.

"Okay lang. Makaganti ka man lang sa panloloko ko sayo" he murmured pero rinig ko pa rin.

"Gago ano? Naririnig kita ha."  Aktong galit kong sabi at hinatak siya paupo sa tabi ko. Kinakapa ko kung may bukol.

Yung ulo niya. Basta yung ulo niya na nauntog gago.

Nataranta naman siya baka dahil sa biglaan ko na paghila.

"Ha? Ah HAHAHA Nakalimutan mo ba na niloko kita na nasa labas sina tita at alam nilang di ka na naman kumain? HAHAHAHA ang bilis mo maglagay ng pagkain sa pinggan mo nun eh HAHAHAHA" sagot niya at tawang tawa pa ang aso.

Kaya nung may nakapa akong bukol sa ulo niya ay inuntog ko sa ulo ko. Talo ako kung aling ulo na may bukol ko iuuntog ulo ko eh char.

"Gago masakit nga! Ang sama mo" Naiiyak niya nang sabi.

Nataranta naman ako kaya kiniss ko yung bukol niya sa ulo para tumahan na kung sakaling maiyak talaga.

"Dito rin masakit, aray." Turo ng abusado sa lips niya at nagaktong masakit.

Sinampal ko na nga, gago talaga eh. Tinulak ko siya palayo sakin dahilan para magkadistansya sa pagitan naming dalawa.

Itatanong ko sana kung ano pinaguusapan nila ni Reirei kanina kaya lang ay masyado talaga akong natatawa kasi nang tumayo ulit ang bobo ay nauntog na naman.

"Pota talaga hindi ko na alam kung maswerte pa 'ko sa iyo eh" daing niya. Aba sinisi sakin katangahan.

"Bahala ka diyan lumabas ka na nga HAHAHAHA. Bobo talaga kahit kailan" mamatay matay na 'ko kakatawa dahil sa tangang 'to.

"Ganyan talaga pag Fresh Grad ka tas di ka man lang nakapagenjoy kasi suspended pa rin credit cards"reklamo niya at inuntog untog ang ulo niya. Tangina baka mabaliw na 'to.

"Wait na lang natin na mabalik sa 'tin cards natin kasalanan naman natin na nauna pa talaga tayo magparty eh" sagot ko kaya napatango na rin siya at lumabas na.

again, for usWhere stories live. Discover now