rylie yoon's
Oras na ng cooking class namin. Kaya naghanda na ako at kinuha 'yung iba kong gamit para lumipat ng room kung saan kami magluluto.
Pagkatapos naming pumunta dun, pinagsuot na kami ng teacher namin ng apron tsaka hair net. Nagulat ako nang may nagtatali ng apron ko sa likod. Pagtingin ko si Jungmo. Shet, puso tumigil ka.
"Salamat." Sabi ko sa kanya nang matapos na siya. Ngiti lang 'yung ginawa niya. Kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Pumunta naman kami sa sari-sariling pwesto para magsimula. Tumabi naman sa akin si Jungmo kaya hindi ko namalayan na tinitignan ko na siya nang matagal habang nakikinig sa instructions nung teacher.
Spaghetti talaga 'yung sinabi sa amin nung teacher na lutuin namin para madali lang.
Kukunin ko sana 'yung chopping board pero nagulat ako nang nahawakan ko 'yung kamay ni Jungmo kasi balak niya rin kunin 'yung chopping board.
Agad kong tinanggal 'yung kamay ko, "Sorry."
Tinawanan niya lang ako mahina kaya binigyan ko lang siya ng awkward na ngiti. Hindi ko alam pero bakit ko lang siya pinapanood maghiwa nung bawang at sibuyas? Ang gwapo niya. Pwede na maging asawa ko. Dejk.
Namiss ko siya. Namiss ko si Jungmo.
BINABASA MO ANG
love advice | jungmo
Short Story❝chinat ko 'tong page na 'to para manghingi ng love advice, hindi para makipaglokohan sayo!❞ ❝love advice❞ ➳ koo jungmo ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.