048 // jungmo's

994 80 53
                                        

koo jungmo's

Buti na lang magaling na ako ngayon. Pinayagan na ako ni Mama pumasok ngayon. Makikita ko na rin si Rylie kahit kakakita lang namin kahapon.

Pagpasok ko ng campus, agad akong pumunta sa may field, baka kasi nakatambay sila Wonjin doon.

Nakita kong nakaupo sila sa pinakataas ng bench sa may school field.

Pero, bakit mukhang ang tahimik nila? Hindi sila nag-uusap-uusap.

"Uy!" Sabi ko sa kanila. Nakita naman ako nila pero mukhang hindi ata sila masaya na nakita nila ako. Hmp.

"Magaling ka na pala, hyung hehe." Sabi ni Minhee.

"Ano ba meron? Bakit kayo ganyan? Ayaw niyo ba ako makita?" Natatawang sabi ko sa kanila.

"Jungmo, may kailangan kaming sabihin sayo." Nagsalubong naman 'yung kilay ko at nagtaka sa sinabi ni Hyunbin.

"Hyung, si Rylie, nasa hospital." Sabi naman ni Wonjin. Ha? Ano raw? Hospital? Ano naman gagawin niya dun?

"Bakit? Ano gagawin niya dun?" Tanong ko sa kanila.

"Naaksidente siya." Sabi ni Hyunbin.

"Bibisitahin ulit namin siya mamaya dun sa PD Medical—"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Hyeongjun ay agad akong dinala ng mga paa ko palabas ng campus.

Wala na akong pake kung cutting 'to o hindi. Maaga naman ako pumasok ng school kaya pwede pa lumabas. Basta makita ko lang si Rylie.

Sana okay lang siya. Kasalanan ko 'to. Pinuntahan niya ako sa bahay namin, sana pala hinatid ko na lang siya sa bahay nila kahit may sakit ako. Basta para sa kanya lang.

Buti na lang hindi kalayuan 'yung PD Medical Hospital. Pero dahil sa kakamadali ko, hingal na hingal ako pumasok sa loob nung ospital.

Pumunta ako sa nurse dun sa may gitnang desk.

"Uhm? Miss? Miss? Miss? Hello?" Grabe naman makatigtig 'tong nurse na 'to. Oo na sige, gwapo ako pero kailangan ako ng girlfriend ko. Joke.

"Sorry, sir. Ano pong kailangan niyo?" Tanong niya tapos pangiti-ngiti siya.

"Saang room si Rylie Yoon?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, kamag-anak po kayo ng pasyente?"

"Hindi po, boyfriend niya po ako." Parang nadismaya naman 'yung nurse sa sinabi ko. Aha, akala mo, ha.

"Dun sa 3rd Floor. Room 309." Sabi niya.

Pagkatapos nun, pumunta ako sa elevator para sumakay paakyat sa 3rd floor.

Nung nahanap ko na'yung kwarto ni Rylie. Kumatok muna ako at bumungad sa akin si Seokhwa pati Steven.

"Oh, Jungmo." Sabi ni Seokhwa.

"Wala 'yung Mama ni Rylie, bumalik muna sa bahay nila para magluto tapos dadalhin niya rito." Sabi ni Steven.

Umupo ako sa upuan na katabi sa hinihigaan ni Rylie. Walang malay si Rylie.

"Nga pala, Jungmo, grabe 'yung head injury niya at maraming nawalang dugo si Rylie. Buti nakasurvive pa siya, nagdonate ng dugo 'yung Daddy niya." Sabi ni Seokhwa, "Kaso galit na galit siya sa nangyari kay Rylie, parang ayaw niya na ulit palabasin ng mag-isa si Ry."

"Kasalanan ko 'to, sorry." Nakayukong at malungkot na sabi ko. Sana hindi na lang siya pumunta sa bahay namin o sana hinatid ko na lang.

"Hindi, Jungmo, walang may kasalanan. Aksidente ang lahat. Pero base sa nurse, may kasama raw siya nung dinala sa ospital, si Audrey." Sabi ni Seokhwa. Si Audrey? Kasama niya si Audrey? Bakit?

"Hinatayin na lang natin magising si Rylie." Sabi ni Steven.

Medyo nilapit ko 'yung upuan ko sa higaan ni Rylie at hinakawan 'yung kamay niya.

"Kailan ka magigising, Rylie? Babawi pa ako, magdadate pa tayo tsaka gagawin natin 'yung mga gusto nating gawin nung mga bata pa tayo. Bibilhan pa kita maraming Kitkat na matcha. I love you, Ry. Sana magising ka na."

love advice | jungmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon