koo jungmo's
"Ry, 'wag ka mamawala please." Sabi ko sa kanya habang nakahiga pa rin siya sa hospital bed. Nandun mga magulang niya. Pati na rin si Seokhwa pati si Steven. Nandun din sila Hyunbin.
Nagising ako sa panaginip na 'yun nung marinig ko boses ni Minhee. Nakatulog pala ako sa sofa sa bahay nila Wonjin.
"Hyung, namimiss mo si Ate Ry, no?" Sabi ni Minhee.
Ilang araw na rin simula nung sa nawala si Rylie. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
"Sobra, Minhee. Syempre ikaw kaya mawalan—"
"'Wag mo ako gawing patay, pota ka, Jungmo." Sabi ni Rylie habang nasa pintuan siya ng bahay nila Wonjin at hinagis niya 'yung tsinelas ni Wonjin sa akin. Napa-'aray' naman ako.
Joke lang, buhay girlfriend ko, no. Yieee. Syempre, hindi ako papayag na mawala siya. Araw-araw ako nagdadasal at nagpakabait para marinig lahat ng hiling ko para sa kanya.
Pumunta lang sila ng pamilya niya sa Singapore kasi nandun daw lola niya, simula kasi nung naaksidente si Rylie, gustong-gusto siya bisitahin ng lola niya kaso hindi pwede dahil may sakit lola niya. Kaya nung medyo naging okay-okay na si Rylie, sila na lang mismo pumunta sa kanya.
Nasa bahay kami ni Wonjin ngayon kasi magrerent kami bike tapos dun kami sa riverbanks kung saan kita 'yung view tsaka maraming nagdadate at nagbobonding. Kaso, pinaglilinis muna siya ng bahay ng nanay niya kaya nandito pa kami.
Lumapit naman ako kay Rylie at niyakap siya, "Nakauwi ka na pala galing Singapore hehe, sorry na."
Kumalas ako sa yakap at hinawakan siya sa mukha tapos hinalikan ko siya sa ilong.
Magkasalubong pa rin 'yung kilay niya, ang cute.
"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Kaninang umaga." Sabi niya habang umupo siya sa sofa sa sala nila Wonjin kaya tumabi ako sa kanya.
"Sasama ka ba sa amin? Hindi ka ba pagod?" Tanong ko.
"Ayaw mo lang ako kasama eh." Sabi niya.
"Huy, hindi ah, namiss nga kita eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Yak." Sabi ni Wonjin na nakatingin sa aming dalawa habang nagwawalis siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Epal talaga.
"Ry, ittry kita i-braid dali." Sabi ko sa kanya.
Pumayag naman siya at tumalikod sa akin kaya sinuklayan ko muna buhok niya. Pinag-aralan ko 'to nung wala ako magawa, nanonood ako ng mga videos. Baka sakaling maimpressed sa akin si Rylie hehe.
—
Nakarating na kami kung saan kami magbibike. Ganda ng view dito tsaka ang hangin pa.
"Isang bike lang sa amin ni Rylie ha." Sabi ko kay Wonjin, siya kasi magbabayad.
"Hoy, hindi! Gusto ko 'yung pang dalawahan na bike." Sabi ni Rylie.
"Eh, gusto ko nakayakap ka sa akin." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Hyung, sorry! Nakapagbayad na ako, mas sinunod ko 'yung gusto ni Ry hehe." Sabi ni Wonjin sa akin.
Abot tenga 'yung tenga ni Rylie tapos tumingin siya sa akin, "Akala mo ha!"
Tapos nun inassist na kami nung crew at tinulungan kami sa bike. Nauna akong sumakay since dun ako sa harap tapos sa likod si Rylie.
Nauna na ng nagbike paalis si Minhee. Hindi na talaga makapaghintay 'yung pangit na 'yun.
Nagpedal na rin kaming dalawa ni Rylie.
"So, ano nangyari sayo sa Singapore?" Tanong ko sa kanya kahit nakatingin ako sa dinadaanan namin.
"Si Audrey."
Napatigil ako sa pagpedal.
"Hoy, bakit ka tumigil?!"
"Ano meron kay Audrey?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"It turns out na magkamag-anak pala kami. Tapos inamin niya, sinadya niya 'yung nangyari. Pero pinagsisihan niya na. Kaso galit na galit sila Daddy sa kanya. Kaya ayun, grounded siya sa Singapore."
Walang hiya talaga. Mawawalan pa ako ng girlfriend nang dahil sa kanya. Kaya pala sorry siya nang sorry sa akin.
"Pero hayaan mo na 'yun. Nakasalubong na kilay mo, oh. 'Wag ka na galit, Mogu." Natatawang sabi ni Rylie tapos pinisil niya 'yung ilong ko.
Bumalik na ulit kami sa pagpedal tapos nagsalita ulit si Rylie.
"Tanda mo pa ba? Nung mga bata pa tayo, sabi mo gusto mo magbike ng ganto na kasama ako." Masayang sabi niya.
Napangiti naman ako, "Oo naman."
—
Tumigil muna kami sa pagbibike. Tapos pumuwesto kami sa damuhan para magpinic. Nagpadala kasi Mama ni Wonjin ng pagkain. Kaya love namin si Wonjin, lagi may pagkain hehe joke lang.
Tinignan ko 'yung apat tapos nagtataka sila sa akin. Pero, nag-'ah' si Hyunbin kaya nagets na nilang lahat tapos umalis sila.Tumingin ako kay Rylie na busy kumain ng banana chips.
"Ry, isang buwan na nakalipas simula nung naospital ka." Sabi ko sa kanya.
"Kaya nga eh. Hindi pa ako nakakapagsalamat sayo ng maayos." Sabi niya.
Lumapit 'yung mukha niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa labi.
"Thank you, Jungmo. Sorry hindi ako nakinig sayo nung una. Tsaka salamat pala sa pagpapasaya sa akin kahit nung pinagtritripan mo ako noon doon sa page na 'yun." Sabi niya tapos ngumiti siya.
Napangiti ako, "I love you."
Napa-'aray' naman ako nang may tumama sa ulo ko. Pagtingin ko, plastic bottle 'yung tumama sa akin.
Narinig kong tumawa sila Wonjin, Minhee, Hyeongjun tsaka Hyunbin.
"Taena niyo! Lalo ka na Hyunbin! Akala mo hindi ko malalaman 'yung sinabi mo kay Rylie noon, ha!" Akmang hahabulin ko na sila nang mga nagsitakbuhan sila habang tumatawa.
Akala ko talaga hindi na magigising si Rylie. Akala ko mawawala na siya sa akin. Pero mabuti na lang hindi, binigyan pa ako ng pagkakataon na mahalin siya.
Kapag kailangan niyo ng tulong sa love life, nandito lang ako. Joke.
— ♡ —
thank you sa 6k+ na reads!! whoop whoop. ang cheesy ng ending pero sige. HAHAHAHA. charot lang 'yung last note. baka umiyak din ako kapag ginawa kong sad ending'to.
may iba pa ako tatapusin na stories or pwede magpub pa ako ng iba. check niyo na lang sa profile ko hehe.
'yun lang!! bye, i love koo jungmo!!
BINABASA MO ANG
love advice | jungmo
Short Story❝chinat ko 'tong page na 'to para manghingi ng love advice, hindi para makipaglokohan sayo!❞ ❝love advice❞ ➳ koo jungmo ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.