rylie yoon's
Pagkapasok ko ng campus, agad akong nagtungo sa mga lockers para kunin 'yung mga libro ko.
Pero bumungad nanaman sa akin 'yung kitkat matcha na may post-it note na nakadikit.
"Sorry :(" 'yung nakasulat doon. Bakit nanaman ako binigyan ng kitkat tsaka bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawa sa akin.
Umiling na lang ako sa sarili ko at binuksan 'yung isnag balot ng kitkat at kumuha ng isa.
"Rylie!" Lumapit sa akin si Audrey na may dala na notebooks. Ngumiti siya sa akin kaya ningitian ko na lang din siya.
"Uy, what's that? Penge ako." Sabi niya. Kumuha siya ng isang kitkat at wala na ako nagawa.
Sarap na sarap siyang kumakain, "Rylie, may favor ako." Sabi niya.
"Pwede ka ba mag-set-up ng date sa amin ni Jungmo?" Tanong niya. Ah, date.
"Sige, saan ba gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit diyan sa milktea shop sa labas." Sabi niya.
"Sige na, magcr lang ako. Bye!" Tapos naglakad na siya paalis.
—
Contemporary Arts na 'yung subject namin ngayon at busy 'yung teacher namin na nagsusulat sa board kaya nagsusulat din kami ng notes namin.
Saktong namang nasa likod ko si Seokhwa kaya lumingon ako sa kanya habang busy siya sa pagsusulat.
"Psst, Seokhwa." Tumingin naman siya sa akin at sinenyasan ko siya na lumapit gamit kamay ko.
Lumapit naman siya at bumulong ako sa kanya, "Sabihin mo kay Jungmo, may gustong makipagkita sa kanya sa may milktea shop diyan sa tapat. 'Wag mong sabihin na ako 'yun, ha. Basta sabihin mo meron lang."
Tumango naman siya sa akin at lumingon siya sa kay Jungmo na nasa likod naman niya at bumulong.
Pero nagulat akong nung tumingin sa akin si Jungmo at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at nagkunyari na lang nagsusulat ng notes. Bakit siya ngumi-ngiti sa akin?!
—
Uwian na at tuwang-tuwa si Audrey na palabas pero hinarangan siya ni Moon Hyunbin. President kasi siya ng section namin. Sakto namang nasa likod ni Audrey, kaming dalawa ni Seokhwa.
"Opps, cleaners ka." Sambit ni Hyunbin.
Tumabi naman sa akin si Audrey at nagcling sa arms ko, "Rylie, help me."
"Uhm, ako na lang maglilinis kasi may pupuntahan pa si Audrey." Sabi ko kay Hyunbin.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Hyunbin at umiling, "Hindi pwede 'yun."
"Sige, tulungan ko na lang siya. Para mas mabilis." Sabi ko kay Hyunbin.
Bumulong naman sa akin si Seokhwa na nasa kabila ko, "Ang bait mo naman masyado."
Wala na rin nagawa si Seokhwa, at tumulong na rin.
"Ano pa ba 'yung itatapon? Meron pa ba?" Tanong ni Audrey pagkatapos niyang burahin 'yung nakasulat sa board.
"Meron pa. Ikaw." Matapang na sagot ni Seokhwa. Pinalo ko naman sa braso si Seokhwa.
"Whatever, I'll get going." Kinuha ni Audrey 'yung bag niya at umalis.
"Luh, wala naman siyang ginawa, nagbura lang ng board." Sabi ni Seokhwa.
Umupo muna ako sa isa sa upuan sa loob ng room at nagulat kami nang may bigla pumasok sa classroom na hingal na hingal.
Si Jungmo, hinahabol 'yung hininga niya.
"Jungmo, ano ginagawa mo rito?" Tanong ni Seokhwa sa kanya.
"'Wag niyo na ako ipagtulakan kay Audrey, please." Sabi ni Jungmo.
Nagtataka namang tumingin sa akin si Seokhwa.
Lumapit sa akin si Jungmo, "Rylie, ikaw ang gusto ko."
What the fluck?! Ang bilis naman niya ata? Parang kakasabi niya lang sa akin na ayaw niya sa akin?
BINABASA MO ANG
love advice | jungmo
Historia Corta❝chinat ko 'tong page na 'to para manghingi ng love advice, hindi para makipaglokohan sayo!❞ ❝love advice❞ ➳ koo jungmo ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.